Mayamaya pa ay lumabas na mula sa nasilip niyang makipot na daan ang isang lalaking tila iniluwal mula sa panahon ni Lapu-lapu. Punit-punit na jeans rin ang suot nito, tulad ng dalawang hoodlum na abductors nila na laging walang pang-itaas. Nakaputong sa ulo nito ang sa hula niya ay puting t-shirt nito, wala itong baril pero nakasukbit sa baywang nito ang gamit ng tropa ni Lapu-lapu noon laban sa mga dayuhan —sundang, kung tama ang naalala niya sa lesson niya noon sa history. Pasan ng lalaki sa mga balikat ang pinagkabit-kabit na buko. Kinawayan niya ito. Hindi niya pinansin ang pag-angat ng kilay ni Rigorr, nagulat sa ginawa niya. “Hey, handsome!” bati niya sa lalaki na huminto naman at ibinaba ang mga buko. “Hey, beautiful,” ganting bati nito. “Gus

