HALOS hindi ko mailunok ang kinakain ko dahil sa tensyon na namumuo kina Signor at Rowan. Kitang kita ko kung paano sila magtagisan ng titig habang nasa dining area. Ang mga Kledd Officials at some investors naman pati ang ama ni Rowan ay masayang nagkukwentuhan. Katabi ko si Rowan sa mesa habang kaharap ko naman si Signor. Panay hiwa ko sa tinapay sa aking plato pero hindi ko ito tuluyang sinusubo. Napaka romantic pa naman ng ambiance ng hotel. Sa ika limang palapag ang aming mga silid. Unfortunately, kasama ko si Rowan sa isang kwarto dahil mag-asawa kami. “Grazie,” nakangiting pasasalamat ni Signor sa waitress nang nilagyan ng soup ang kanyang bowl. Namula naman ang pisngi ng waitress bago ito lumapit sa katabing matanda ni Signor para lagyan din ng sopas ang bowl nito. Napalingon ak

