- - ANG betting pool ay tumataginting na 200,000 US dollars habang nagdidistribute ng baraha ang dealer. Napatingin si Rowan sa mga bundle na pera na katabi ng mga money chips sa gawi ni Signor. Napahinga siya nang malalim at nag focus na lang sa dalawang card na hawak. May ten Million US dollars siya sa kanyang bulsa habang si Rowan ay three Million naman. Si Signor ay tumingin sa gawi ni Rowan at nilaro ang ibabang labi niya habang nakadekwatro ang upo. Hindi lang mga Italyano ang mga kalaban, madalas sa mga kalaban niya sa laro ay mga Amerikano at Chinese. Ang hawak ni Signor ay seven at 4 of tiles. Si Jackson sa kanyang tabi ay tahimik lang na nanonood. Ang nakabukas na baraha ay four at seven hearts, nine clubs. Tuloy tuloy ang pag check ng mga kalaban at gayon din naman si

