BAHAGYA kong binuksan ang pintuan ng aking opisina para marinig ang pinag-uusapan ni Signor at ni Ms. Aileen. Kitang kita ko naman ang malamig na mukha ni Miss Aileen na para bang hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ni Signor. “Ipa-pirate kita. You will go back to the Philippines and work as a head auditor in my Company. Doble ang sasahuran kaysa magtiis ka rito.” Ani ni Signor. Nakahalukipkip siya habang ang kanyang paa ay naka dekwatro. “Juliet and Rose accepted my offer. Ikaw na lang ang hinihintay kita.” Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Miss. Aileen, tinitimbang niya kung dapat ba niyang tanggapin ang offer ni Signor o hindi na. Narinig ko sa mga usapan dito na matagal nang nagtatrabaho si Miss Aileen sa Italya para suportahan ang anak niya na nag-aaral sa Pilipinas. Kung ako

