Kabanata VII

1526 Words
NABASAG ang picture frame naming dalawa nang makarating kami ng bahay. Sinara ko ang pintuan at agad na lumapit sa kanya para pakalmahin siya. “Rowan…” Kalmadong kong tawag sa kanyang pangalan pero pinagdilatan niya lang ako ng tingin. Sinubukan ko siyang tapikin sa balikat pero mabilis siyang umiwas at sinipa ang sofa bago tuluyang umupo habang sinasapo ang kanyang ulo ng kanyang dalawang palad.  “Bakit hindi ka umalma? May gusto ka ba sa Goncuenco’ng iyon?” tanong niya sa akin. “Wala Rowan!” hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa gulat. Tumabi ako sa kanya at napatingin sa picture frame na nawasak sa sahig.  “Pakiramdam mo may bago akong kalaban. Hindi ko alam kung kailan ako mananalo kung pati sarili kong ama ay hindi ako magawang suportahan.” Aniya at umiling. Mabilis ang paghabol niya sa kanyang hininga habang tumitingin sa kawalan. Lahat na lang ng taong nagiging hadlang sa mga plano niya ay kinokonsidera niyang kalaban. Kung pagsasabihan mo naman ikaw pa ang nagiging mali dahil hindi mo naiintindihan ang pinupunto niya. “I won’t let that Goncuenco win kung ano ang pinaplano niya.” Buntong hininga ang pinakawala ko at hindi na lang nagsalita. PAGKATAPOS ng orientation. Araw ko ngayon para sa training, akala ko sasakit ang ulo ko sa aking mga narinig na bagong salita tungkol sa business pero hindi ko naramdaman iyon throughout the day. Mas lalo akong akong na e excite sa tuwing may bago akong natututunan. “Ikaw ba ang bagong CEO’s secretary?” tanong sa akin ng isang babae habang nagtitimpla ako ng kape sa pantry. Hindi ako nagulat dahil sa bigla niyang pagsasalita gayong nagiisa lamang ako sa silid, kung hindi sa pananagalog niya.  “Filipino ka?” hindi makapaniwalang tanong ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.  Hindi ko nagustuhan ang bungad niya pero baka ganoon talaga ang pag-aasal niya.  Napawi ang ngiti ko nang padabog niyang inilapag ang tasa sa mesa at sumandal sa sink para matingnan ako. “Obvious ba? At isa pa, madame, priority ang mga Filipino dito. Majority sa mga employees.” Aniya at bumaling sa kasama niyang babae. Hindi ko napansin na may kasama siya pero sa tingin ko ay pinoy rin ito. “Ma prefer nila ang pag-uugali ng mga Asian kesa sa Italian.” Kibit balikat niyang patuloy. “Syempre, kabisado nila tayo e’ doon rin sila nanggaling e’.” Kalmadong sabi ng isa at inayos ang suot na salamin. Tumingin siya sa akin at saka niya inabot ang aking kamay for shakehands na tinanggap ko naman. “I’m Julie Sales at itong masungit na ‘to ay si Rose Baldia.” Pakilala niya. Umirap iyong si Rose at umiling. “Don’t be friendly, baka mamaya witch ‘yan at ginayuma si Mr. Goncuenco para kunin siya kahit hindi nag u undergo ng interview.” aniya at matalim akong tiningnan. Siniko naman siya ni Julie para suwayin. Imbes na magalit ay napangiti na lamang ako at tinapos ang pagtitimpla ko ng kape. “I’m not a bad person. Pasensya na kung it sounds unfair to everyone, kahit ako rin nagtataka sa biglaang desisyon nila.” Paliwanag ko naman. “You’re the owner’s daughter in Law after all. Hindi ka dapat magtaka.” Ani ni Rose at sinuri ang kanyang kuko. Hinatak siya ni Julie at may binulong dito. Umirap lamang si Rose at sumimangot.  “Babalik na ako sa opisina.” Paalam ko na ikinangiti naman ni Julie saka ako lumabas nang tuluyan sa pantry. Akala ko ay maho-hot seat ako sa kanilang dalawa, mabuti na lang at magaan sa loob iyong mabait na nakasalamin sa akin.  Hinapit ako ang doorknob pero hindi ko pa ito binubuksan nang marinig ang malakas na tawa ni Signor. Sinubukan kong sumilip sa maliit na uwang ng pintuan. Nakapatong ang kanyang dalawang paa sa mesa, at nakasandal siya sa kanyang swivel chair habang may katawag sa kanyang cellphone. “Oier, kilala mo ako. Hindi ako sumusuko hangga’t hindi ko nakukuha ang gusto ko.” Aniya at sinundan ng tawa. Tumaas ang isang kilay ko sa aking narinig saka ko nilakihan ang pagbukas ng pintuan. Bumaling siya sa aking direksyon ngunit hindi niya pa rin inaayos ang kanyang position. Kung ibang tao ang makakita sa kanya, siguradong magtataka kung bakit ang ganito ang ayos ng pag-upo niya.  Nilapag ko sa harapan niya ang kape at babalik na sana sa opisina na nasa giliran niya lamang kung hindi niya ako tinawag. “Wait, Maia,” bumaling ako sa kanya. Pansamantala niyang binaba ang kanyang phone. “Please stay until 7pm here in the office. May pagkaka-abalahan tayo na dapat hindi pinagpabukas pa at may pupuntahan rin ako.” Aniya. Napatingin naman ako sa direksyon ng orasan. “Pero sir, I have plenty of work to do at home. Magluluto—” “Mas importante pa ba ‘yan kaysa sa Kledd?” tanong niya at sinundan ng pagtaas ng kanyang isang kilay. “You must be determined to extend your time at work, make extra effort, and set aside plain excuses if you want success.” Paliwanag niya. “Don't worry. You will be paid hourly. But not enough to pay all your husband's debts, even if you work 365 days overtime in 5 years.” Patuloy niya at hinaluan ng ngisi ang kanyang sinabi. Umigting ang aking panga at napaiwas ng tingin sa kanya. “Ikaw ang nakiusap kay Mr. Leondo na gawin akong sekretarya mo, hindi ba?” May pinindot siya sa kanyang cellphone dahilan ng pagkamatay ng kabilang linya at saka binaba ang kanyang dalawang paa sa sahig. “Genius woman. I know you will figure it out.” Kumindat siya at ngumiti. Sinasabi ko na nga ba, malakas siya sa Owner. Ano pa nga ba ang inaasahan ko, ang anak nga ay nagpapahirap makuha ang tiwala ng anak, ngunit itong si Goncuenco ay parang isang lagitik lang ng kamay, walang kahirap hirap niyang nakuha ang loob nito. Hindi ako ang may gayuma, kung hindi siya. Siya ang mangkukulam.  “Hindi ko alam kung bakit interesado ka sa akin. Hindi mo ako bibigyan ng ganoong offer, if it is only because my husband needs it at walang ibang choice.” Wika ko. I’m not also attractive, malayong malayo sa nakikita kong mga babaeng madalas na pagtuunan ng pansin ng mga katulad niya.  There’s something off about his presence and the offer. Batid kong higit pa sa katawan ko ang gusto niyang makuha. Kinuha niya ang kanyang coat at lumapit sa akin. Inaayos niya ang kanyang damit habang tumatagilid ang ulo at tinitingnan ako, partikular sa labi. Itinaas niya ang aking ulo gamit ang kanyang hintuturo at ngumiti. “You will find out soon.” Sagot niya bago ako nilagpasan at iwan mag-isa sa kanyang opisina. Sinundan ko na lamang siya ng tingin palabas ng opisina niya. Kahit hindi pagtawag ko sa kanya ng Sir o kahit na anong paggalang ay hindi niya ako pinagsabihan at pinagalitan. Huminga na lamang ako nang malalim at humakbang na papasok ng aking opisina. Gaya ng sabi niya, malalaman ko rin sa takdang panahon. I will wait for that moment.  BINUHOS ko ang buong araw sa pagtatrabaho at pagkatapos ay nakaidlip nang naramdaman ang antok. Hindi ko pa gamay ang pagiging sekretarya, may mga trabaho pa akong hindi natututunan pero pinili akong iwan ng Boss ko rito. Napatingin ako sa gawi ng kanyang table nang mapansin na dumidilim na ang kalangitan at saka ang silid.  Bago tuluyang makarating sa CEO’s desk, madadaanan muna ang aking opisina at transparent glass wall lamang ang pagitan noon sa opisina ko kaya madali kong makita ang gawi niya. Lumabas ako ng aking silid at tumungo roon para buksan ang ilaw. Napatingin ako sa abalang syudad at sa makulay na liwanag nito. Katulad na katulad ang tanawin sa tuwing natutulog ako sa condo. May natatandaan akong lugar pero malayong malayo sa modernong syudad ng Roma, hindi ko rin alam kung saang parte ng Pilipinas iyon pero malaki ang posibilidad na doon ako nanggaling bago ako nakarating sa lugar na ito. Kung hindi ako tutulungan ng mga Giltendez na makaalala, tutulungan ko ang sarili ko nang hindi nalalaman.  Binaba ko ang blind curtain at humakbang sa switch ng ilaw pero bago pa mangyari iyon ay napahiyaw ako sa gulat nang may isang kamay ang humawak sa aking braso. Hindi ko maalinag kung sino ito pero nang lumingon ako at nasulyapan ang mukha ni Signor mula sa katiting na liwanag ay mabilis akong lumayo. Naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Magsasalita pa sana ako pero agad akong nawalan ng balanse nang bumigay ang kanyang katawan at dumagan sa akin. Sabay kaming bumagsak sa sofa habang siya ay nasa ibabaw ko. “Signor!” sigaw ko. Halos buong lakas niya ang dumagan sa akin kaya hindi ko siya magawang alisin sa ibabaw ko.  “Lois…” Rinig kong sambit niya sa mahinang tono. “I'm sorry.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD