Kabanata VIII

1887 Words
GINAWANG unan ni Signor ang aking hita. Mabigat ang kanyang paghinga at sa tuwing sinusubukan kong umalis ay nagigising siya at mas lalong bumibigat ang ulo sa akin. Unti unti kong binaba ang aking kamay sa kanyang balikat para gisingin siya at naalala kong muli ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang nakatulog. Tila may kusang pag-iisip ang aking kamay nang hinawi ko ang buhok niya na tumatakip sa kanyang noo. Hindi ko maitatangging may hitsura si Signor. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya hindi lang dahil sa angking kagwapuhan nito kung hindi dahil mayaman siya at may maipagmamalaki sa lipunan. Marami sigurong pamilya ang nagrereto sa kanya ng mga anak nila? At malayong magustuhan niya ang isang tulad ko. Kung sino man ang may-ari ng pangalan na binanggit niya kanina, siguradong nobya niya ito na iniwan siya dahil may kasalanan siya o iniwan niya.  Teka? Ano ba itong iniisip ko? Napasinghap ako nang bigla kong napagtanto ang aking naiisip. Buong lakas akong tumayo dahilan ng pagdaing niya nang mahulog siya sa sahig. Hindi siya tuluyang nagising, muli ay narinig ko ang malakas niyang paghilik. Napailing na lamang ako at napapikit nang mariin. Ito ba ang sinasabi niyang mag o overtime? Bakit lasing siya kung pumunta sa opisina at bakit pinapapasok ng gwardya ang lasing dito sa opisina? Aba’y dapat maging fair sila, kung hindi pwedeng pumasok ng lasing ang mga nasa mababang position, dapat pati na rin ang CEO. Iiwan ko na sana siya roon ngunit napahinto ako nang marinig muli ang malakas niyang paghilik. Lumingon ako sa kanya at lumapit. Hinubad ko ang aking fully length coat at ipinantakip sa kanya bago ako tumayong muli at kinuha ang aking bag sa opisina para makalabas na.  Umuwi ako na tanging knitted close neck long sleeve ang suot pero that’s fine. Kaysa may isang lasing ang mamamatay sa lamig sa opisina. Magkakape na lamang ako kapag nakauwi na ako. Ngunit nang maisara ang pinto ng condo narinig ko ang pagsalubong sa akin ni Rowan. “Buti naman at nakauwi ka nang buhay.” Sarkastiko niyang sabi at padabog na itinapon ang sigarilyo sa ashtray at naunang umakyat sa hagdan na tila iritable. Napayuko na lamang ako sa kanyang inasal. Kailangan ko atang maghanda sa susunod pang mga araw dahil alam kong mas malala pa rito ang magiging pagtatalo namin. LATE na akong pumasok kinabukasan. Mukhang kailangan kong sumabay kay Rowan sa tuwing pumupunta siya rito pero madalas siya sa planta tuwing maaga siyang umaalis ng condo. Walang katok katok akong pumasok at agad na dumapo ang paningin ko sa bagong ligo na si Signor. May malaking paper bag sa kanyang mesa habang nakabalot naman ng towel ang ibabang katawan niya. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ang namamasa niyang katawan at buhok bago ako tumalikod. “Signor. This is not your home. Sana—” naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang sumingit. “You left me alone last night. Ni hindi mo ako ginising or nag book ng ticket sa isang hotel. What do you expect me to do? Buti na lang may shower dito.” tanong niya. Kunot noo at nakauwang ang labi kong bumaling sa kanya. Hindi naman porket iniwan siya e’ dito na siya maliligo na parang bahay lang.  Napalunok ako nang matalim ang ipinukol niyang titig at lumapit sa akin. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang init sa paligid despite having a fully air conditioned room and cold weather. “Maia, time is gold. I’m not a latecomer like you. Marami pa akong magagawa sa libreng oras ko.” Patuloy niya. Kaya hindi siya umuwi kasi sayang ang oras kapag umuwi siya? Napangisi ako at muling nakipagtitigan sa kanya. He’s so damn hot on those messy and wet looking hair. Hindi ko na nagugustuhan ang iniisip ko sa mga oras na ito. “Time is gold for your Mr. CEO pero may oras kang nagpakalasing kagabi? Ang nagpapahalaga ng oras niya ay sinayang ang oras ng iba para lang maghintay sa kanya sa wala sa opisina.” Bwelta ko sa kanya. Napakurap ang kanyang mga mata.  “That’s why I’m here, earlier than my secretary’s arrival. We’ll have to begin what we didn’t start yesterday night.” Aniya at may kinuhang isang folder at binigay sa akin. Tinanggap ko ito at kunot noong binasa ang title na sulat kamay. “Including that one. My business proposal for financing your husband's debts.”   Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Nakapamewang siyang lumapit sa akin at ikinawit ang hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tenga. “I’m no coward. I get whatever I want.” Iniyakap ko sa aking sarili ang folder na binigay niya at napa atras nang mas lalo siyang lumalapit sa akin, closing the distance between us. Akala ko ay hahapitin niya ako palapit sa kanya ngunit narinig ko ang pag lock niya ng pintuan sa aking likuran. Ngumisi siya sa reaksyon ko bago siya tumalikod at kinuha ang paperbag. “You can watch me wearing these clothes if you wish. Di kita pipigilan.” Nanunuyang sabi niya sabay mapanlokong ngumiti at bago pa man mahulog ang towel na suot suot niya ay mabilis na akong tumalikod.  Napapikit ako nang mariin nang makapasok ako ng sariling opisina. Hindi ako interesado sa katawan niya at hindi ko rin gustong masira ang tiwala sa akin ni Rowan. Pero paano kung wala ng ibang paraan kung hindi ang tanggapin ang alok niya? Pumapasok sa isipan ko ang tungkol sa offer kahit sa oras ng training. Walang pumasok sa isipan ko sa mga sinasabi ng mga Accounting head nang sinubukan niya akong turuan tungkol sa paggamit ng Accounting software na madalas nilang gamitin.  Tama si Signor, kahit mag overtime pa ako, hindi ko matutulungan si Rowan sa utang niya. Hindi ko gustong tanggapin pero kailangan. Ayaw kong maging dahilan iyon sa tuluyang pagsira ni Rowan sa buhay niya. He’s been sacrificing kahit na noong una ko siyang makita. Gusto kong ibalik ang pagtulong niya sa akin pero hindi ko alam kung sa anong paraan… sa malinis na paraan. Kung hindi ko naman tatanggapin ang alok ni Signor, siguradong malaki ang mawawala sa kanya.  Minsan kailangan kong magsakripisyo para sa kapakanan ng ibang tao. Hindi ako magiging masaya at kuntento sa buhay kung may taong nag-iisang pumapasok sa mabigat na mundo niya. “Are you listening?” tanong sa akin ng Accounting head. Napabalik ako sa ulirat at napangiti. Pinagdilatan niya ako ng mga mata at muling binalikan ang sinabi niya. LUNCH nang bumalik ako ng opisina. Abala si Signor sa computer habang nakasuot ng eyeglass. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa repleksyon ng liwanag na tumatama sa kanyang glasses. Inilapag ko ang inorder niyang pizza at alfredo pasta sa coffee table at lumapit sa kanyang desk.  “Take you lunch. Mahirap magtrabaho pag gutom.” Ani ko sa kanya at pinagsalikop ang aking mga kamay. “Pina laundry ko ang coat mo.” Bigla niyang sabi at bumaling sa akin. “Kahit anong cologne na gamit mo lumalabas pa rin ang natural mong baby odor.” Patuloy niyang sabi sabay ngiti. Nakaramdam ako ng hiya sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam kung ma-i-insulto ako o hindi. Natatakot akong dugtungan niya ng malangsa ang amoy ko.  Tumayo siya at lumapit sa mga pagkain. Tinanggal niya ang kanyang glasses at hinapit ang beywang ko palapit doon. “Samahan mo na ako mag lunch. These foods are good for two people.” Aniya. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa aking beywang kahit na kumukuha siya ng pirasong pizza. Tumikhim ako at naunang umupo sa sofa. “About sa offer mo. I was thinking of taking it.” Biglang wika ko na ikinahinto niya sa pagnguya. Umupo siya sa aking tabi, nanlalaki ang kanyang mga mata at may bahid na kasiyahan ang mga mata. “Pero may condition ako.”  “I’m all ears.” Aniya sa baritonong boses. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. Alam kong interesado siya sa akin, kaya kapalit ng offer ay ang kagustuhan niyang makuha kung ano ang gusto niya sa akin. “I lost my memories eight months ago at hindi ko gustong magiging dahilan  ito sa pagbubuntis ko kung nanaisin namin ng asawa ko.” Paliwanag ko. Pumikit siya nang mariin at tiim bagang na tumingin sa kawalan. “May nangyari ba sa inyo ni Rowan?”  “No! Never!” agap kong sabi. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumanggi sa sinabi niya. “Hindi ko alam kung ginagawa namin ang bagay na iyon bago ako nawalan ng alaala pero kailangan kong mag ingat lalo na’t hindi na maintain ang konsulta namin sa doktor since then.”  Mas lalo siyang pumikit nang mariin. Bumaling pa siya sa ibang direksyon habang sinasapo ang kanyang noo. Hindi siya nagsalita at ang tanging bumabasag lang sa katahimikang naming dalawa ay ang paggawa niya ng ingay sa sahig gamit ang kanyang paa na tila na hindi mapakali.  “I don’t want s*x. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa utak ko pero kailangan kong mag-ingat.” I suggested. Natatakot akong i atras niya ang offer niya dahil lang sa kalagayan ko. I don’t want to disappoint him para hindi mangyari iyon pero gagamitin ko ang sitwasyon ko para makuha ang offer nang walang ginagawang masama kasama si Signor. Humarap siya at sapo sapo pa rin ang kanyang noo. Ang kanyang mga mata ay namumula pati ang kanyang pisngi. “Bakit hindi mo pinilit ang asawa mong magpakonsulta sa doctor? Paano kung may nangyaring masama sa ‘yo?” Umiling ako at hindi makapagsalita. Bakit galit ang kanyang boses? Wala naman akong naalalang may nasabing masama sa kanya. Ginulo niya ang kanyang buhok at nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin nang siyang mabilis na tumayo. Napatayo na rin ako sa gulat sa kanyang inasta.  “Sign—” “Are you really that submissive? Maia? f**k Maia, no... “ Aniya at tinakpan ang kanyang mukha. Hindi ko maintindihan kung saan siya nagiging frustrated. Sinubukan ko siyang abutin nang maramdaman ko ang pamimigat ng aking puso. I feel like I don’t want to see him like this o ganito ako noon pa sa tuwing may nakikitang tao na nafufrustrate… I easily find a great deal of empathy for others. “Hindi ka gumawa ng paraan? Social media platforms? Search your f*****g name in the internet?” Umiling ako. I tried more than twice pero wala akong nakitang Maia Giltendez sa kahit na anong social media platforms. Except sa website ng Kledd kung saan may maikling information na nakalagay doon tungkol sa akin… bilang asawa ni Rowan Giltendez. Napatingin si Signor sa akin. Pulang pula ang kanyang mga mata. “Sa ayaw at sa gusto mo, you are going to accept my offer.” Kalmado niyang sabi. Hinaklit niya ang aking pulso at mabilis kaming umalis ng opisina. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Hindi ko nakukuha ang sagot niya sa condition ko. “Saan tayo pupunta?”  “In my place.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD