“I don’t remember at all.” Sagot ko sa doctor na sumuri sa akin. Tinatanong niya kung ano ang nangyari pagkatapos ng aksidente at kung sino ang kasama ko. Nagsimula ang alaala ko nang nagising ako at nakilala ko ang mga Giltendez. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at napatingin kay Signor na ngayon ay tinititigan lang ako. Pati ang doktor ay huminga nang malalim at napasandal sa kanyang swivel chair.
“Your case is no different from Dissociative Amnesia, wherein a person diagnosed with it cannot remember important information about his life.” Paliwanag ng doctor.
“Does this type of amnesia can get from an accident?” tanong ni Signor. Napatingin ang doktor sa kanya at inayos ang kanyang salamin sa mata.
“Yes, but most cases are linked to traumatic events such as war, abuse, disasters. She may have suffered trauma from witnessing accidents.” Patuloy ng doctor sa kanya. Hindi naman ako nakapagsalita. Wala akong maalala, ni hindi ko alam na may nangyaring aksidente kung walang sinabi sa akin si Rowan.
Napatingin muli si Signor sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. “You mean she couldn’t get amnesia from the car accident but from witnessing it? You said it was linked to a traumatic event.”
Sandaling napapikit ang doktor. “That’s why I am asking about a copy of the CT scan result earlier to see if she has a skull fracture. There are also possibilities that she was involved in a car accident, had head trauma, and unable to remember everything afterward.” Muling paliwanag ng doctor. “I’m asking about the further details of the accident.” Patuloy nito. Napakagat ang labi ko, ito lang ang alam kong dahilan ng pagkawala ng memorya ko kaya ko sinabi sa kanya.
“Traumatic brain injury.” Suspetsa ni Signor at napatingin sa kawalan. Malalim ang kanyang inisip. Namamahinga ang kanyang hintuturo sa kanyang labi habang gumagawa naman ng munting ingay ang kanyang isang hintuturo na tila ba hindi siya mapakali.
Napapikit ang doktor at napatango saka siya bumaling sa akin. “MRI may demonstrate some evidence of old head injury. I may recommend you to undergo that process.” Aniya at ngumiti. “Bring relevant previous x-rays and CT scan results. If none, you can undergo those processes before taking an MRI.”
Bago kami tumayo. Nagtanong pa si Signor kung ano ang maaari naming gawin sa ngayon para hindi lumala ang sitwasyon ko. “Avoid things that might precipitate your memories. Do not force yourself to remember.” Sagot niya. Nakahinga ako nang maluwag nang may isang taong nagmalasakit na dalhin ako rito sa ilang buwan kong nakakulong sa bahay.
Dahil sa sinabi ng doktor, sinunod ko ang kagustuhan niyang mangyari para sa ikakabuti ko. Umabot kami ng isang oras sa hospital. Marami pa akong itanong sa kanya pero hindi ko masasagot kung wala ang primary result ng dahilan ng pagkawala ng alaala ko. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Signor para sa akin, hindi ko rin maintindihan kung bakit mas nag-aalala siya kaysa sa sarili ko. Kilala niya ba ako? May alam na siya sa nakaraan ko?
Ang mga taong bago lang nakilala ang isang tao ay hindi ganito kung mag-alala.
Ani ng Dr. Franco ay susuriin niya akong muli. Umalis kami ng hospital pagkatapos at nang makapasok kami sa sasakyan ni Signor ay doon na ako nagkaroon ng tsansang kausapin siya.
“Bakit ka nag-aalala para sa akin?” tanong ko matapos niyang maikabit ang seatbelt. Inayos niya ang kanyang rearview mirror at sumulyap sa akin bago binuhay ang engine.
“Paano mo nasabi?”
“Halata sa mukha mo.” Sagot ko naman. Hindi niya agad pinatakbo ang sasakyan. Nakaandar na ito ngunit hindi pa kami nakakaalis kung saan niya pinarada ang sasakyan. “M-may alam ka ba tungkol sa akin? Tungkol sa nakaraan ko?” nauutal kong tanong sa kanya. Hindi siya agad nakapagsalita o kahit ang tingnan man lang ako sa mukha. Nakatuon ang atensyon niya sa unahan, nakatingin sa mga taong dumaraan.
“Kung sabihin kong oo. Ano ang magiging reaksyon mo?” tanong niya at bumaling sa akin. Napasinghap ako sa gulat. Kaya ba interesado siya na tulungan ako kay Rowan? At kung makapagsalita siya sa akin ay parang kilala niya na ako nang lubusan?
“A-ano…”
“Asawa mo ako.” Aniya at sumandal sa headboard sabay pakita nang mapanloko niyang ngiti. Kumindat siya sa akin at mahinang sinundan ng ngisi nang makita ang histura kong nakakunot ang noo. “It’s a suggestion.” Patuloy niya. Uminit ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Kahit may asawa na ako, umeepekto pa rin sa akin ang mga biro ni Signor.
“Hindi mo sinasagot ang tanong ko.” Ani ko. Pinaandar niya ang sasakyan at tuluyan kaming humarurot paalis roon. Hindi naman maalis ang tingin ko sa kanya.
“Malalaman mo rin balang araw lalo na ngayon you already accepted my offer.” He smirked.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nag aalok siya sa sa akin ng ganoong bagay. Kahit hindi niya sabihin sa akin nang malinaw, nakuha ko naman base sa mga sagot at kanyang mga kilos. Malalaman ko ang tungkol sa buhay ko kung hindi papayag ako sa gusto niyang mangyari. Kung tutuusin, sobrang laki na ng maitutulong niya sa akin. Hindi lang si Rowan ang makaka benefits, kung hindi pati na rin ako.
Napatingin ako sa kanya nang hindi niya nalalaman. Sino ka ba talaga, Signor? Anong parte mo sa buhay ko?
“Kailan tayo magsisimula?” tanong ko na siyang nakapahinto sa kanya nang biglang nag naging pula ang traffice light. Sinalubong niya ng gulat na tingin ang mga titig ko sa kanya. “I mean, pumayag ako sa offer mo. Kailan tayo magsisimula?”
Hindi siya agad nakapagsalita. Pinag ekis ko ang aking dalawang kamay sa tapat ng aking dibdib at ngumisi. “Ano bang mukha ‘yan, Signor? Hindi ba sabi mo sa ayaw at sa gusto ko tatanggapin ko ang alok mo tapos ikaw itong magugulat pag gusto ko na mag-umpisa tayo.” Ani ko at umiling.
“Uh,” sambit niya. Pumikit siya at umiwas ng tingin sa akin. Nasulyapan ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi bago siya muling bumaling sa akin na may seryosong mukha. “Ngayong araw? I rent a penthouse around this area.”
“Ngayong araw?” bigla kong tanong. May trabaho pa kami at sa pagkakaalala ko, may tinatapos siyang trabaho na ang deadline ay bukas ng umaga.
Tumaas ang isang sulok ng kanyang kilay. “Remember that you are not just my secretary, sa ‘yo ako magpaparaos.” Aniya at mapanlokong ngumisi. Umiling na lamang ako at sumenyas na na kailangan na niyang patakbuhin ang sasakyan nang marinig ang busina sa aming likuran.
NAKARATING kami sa penthouse niya. Nasa pinakamataas na palapag ito ng condo.
“Come in.” Aniya habang nilalakihan ang pagbukas ng pintuan. Hindi niya binuksan ang ilaw sa dining area. Inilibot ko ang buong mga mata ko sa paligid at namangha sa ganda nito kahit na wala masyadong kagamitan. Mga importanteng bagay lang katulad ng sofa, coffee table, and relevant devices. Itim, brown, at puti lamang ang mga kulay nito.
“Iyong Lois ba ay nasa pilipinas?” tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya. Kinuha ko ang picture frame ng isang aso sa giliran ng sofa. Sigurado akong binili niya lang ito at nilagay dito nang hindi kinukuha ang nakapaloob na litrato ng aso.
Hindi siya nagsalita kaya humarap ako sa kanya. Nakauwang ang labi niya at bakas sa kanyang mukha na bahagya siyang nagulat. “Paano mo nalaman…” hindi niya natapos ang tanong niya.
“Narinig kitang sinambit ang pangalan niya noong lasing ka.” Sagot ko. “Lalake ba ‘yon o babae? Mukhang may atraso ka kasi nag sosorry ka.” Patuloy ko.
Huminga siya nang malalim at humakbang papunta sa kanyang kitchen bar counter. “An old friend of mine.” Nag echo ang kanyang boses nang sumagot pero hindi kabilang sa kanyang sagot ang kasarian. Sumunod ako sa kanya at umupo sa stool habang tinitingnan siyang naghuhubad ng coat, leaving with white blouse na hapit hapit sa kanyang katawan.
“I see.” Tumatangong sabi ko at pumalumbaba. “Walang magagalit kung bibigyan kita ng kaligayahan.” Patuloy ko. Gusto kong makita kung paano siya mag react pero nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi ko makita ang mukha niya.
“What do you want to drink? Coffee, tea, or water?” tanong niya nang hindi humaharap sa akin.
“Tea,” sagot ko sa kanya. Ngumisi siya at nagsalin ng tubig sa baso at inilapag ito sa akin.
“Walang tea, wala ring coffee.” Aniya at nagkibit balikat. Wala akong choice kung hindi ang inumin iyon. Magsasalita pa sana ako nang mabilis siyang sumingit. “Avoid asking about me. I don’t want to surprise you at baka ma trigger ‘to.” Tinuro niya ang ulo ko. Hinilig niya ang kanyang dalawang braso sa bar counter at inilapit ang mukha sa akin.
Nagkatinginan kaming dalawa. Now, he sounds concerned about my health. Ibang iba kay Rowan na minsan ay nagbibitiw ng masasakit na salita. Napagtanto kong hindi ko siya gustong bitiwan. Signor is my key to the truth, ang sagot sa mga katanungan ko.
“Kailangan natin idaan sa malinis na paraan ang pagdeposit ng amount sa fund para walang makahalata. I’ll conduct a meeting with auditors and financial department tomorrow na may alam sa illegal withdrawal ni Rowan.” Aniya habang nakatingin lamang sa akin. Hindi niya pinutol ang titigan naming dalawa hanggang bumaba ang tingin niya sa aking labi. “But for now, may I ask for something.” Patuloy niya sa mahinang tono.
Mabilis ang tahip ng aking puso at hindi ko na nagawang umalma nang itinaas niya ang aking baba gamit ang kanyang daliri at dinampian ng halik ang labi ko. Napapikit ako at tumugon sa kanyang malalim na halik.