NAPAHAWAK ako sa aking labi nang pinarada ni Signor ang kanyang sasakyan sa labas ng condo. Hindi ko agad na kinalas ang aking seatbelt dahil hindi ma proseso sa aking isipan ang malalim na halik na nangyari sa pagitan namin.
“Have a good night’s sleep, bella.” nakabalik ako sa ulirat nang marinig ang malalim na boses ni Signor. Napatingin ako sa kanya bago ako tumango at tuluyang lumabas ng kanyang sasakyan. Hindi ko maialis ang aking mga mata sa kanyang sasakyan na palayo sa aking direksyon hanggang tuluyan na itong napawi sa dilim.
Napahawak ako sa puso ko kahit hanggang nakaabot ako ng elevator. Ito ang unang pagkakataon na makaramdam ng galak ang aking puso magmula noong nawalan ako ng alaala. Binuksan ko ang pintuan ng condo. Napansin kong wala ang sapatos ni Rowan na madalas niyang gamitin.
Hinahanap ko siya sa kusina, sa dining area, sa kwarto, at maging sa banyo ngunit ni anino ay wala akong nakita. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit doon ko nakita ang kanyang text message. Sent four hours ago.
“Be back tomorrow afternoon. You don’t have to wait for me.” Kahit nababasa ko lang ang mensahe, naririnig ko ang malamig niyang boses habang binabanggit ito. Nakaramdam ako ng panghihinayang kung bakit hindi ako nagmamadaling umuwi.
PARANG kulog ang boses ni Signor sa kanyang opisina habang nagsasalita kasama ang finance dept at auditor. Kahit nasa loob ako ng opisina ko ay naririnig ko pa rin ang kanyang boses na tila pinapagalitan silang lahat. Sinubukan kong sumilip upang tingnan sila. Si Rose at Julie ay parehong nakayuko ang mga ulo, habang si Miss Aileen naman, ang head auditor ay nakatingin lamang kay Signor.
Sinubukan kong lumabas para ipagtimpla sila ng kape nang hindi sinasadyang marinig ko ang boses ni Signor. “Pwede kayong madeport at hindi na makakabalik dito sa Italya dahil sa ginawa ninyo.” Napalunok ako nang ilang beses at muling bumaling sa dalawang magkaibigan. Bakas sa kanilang mukha ang kaba at takot. Naiintindihan ko ang hinaing nilang dalawa ngunit mali pa rin ang ginawa nilang mag tolerate sa withdrawal ni Rowan.
Lumabas ako at tumungo sa pantry para ipagtimpla sila ng kape. Naghanda na rin ako ng juice kung sakaling hindi nila magustuhan ang timpla ng kape ko. Dala dala ang tray ay agad akong bumalik sa opisina ni Signor. Napatalon ako sa gulat nang marinig ang paghampas ni Signor ng kanyang kamay habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Miss Aileen na kasalukuyang malamig pa rin ang titig sa kanya.
May katandaan na si Miss Aileen. Sa tingin ko nasa ay edad singkwenta anyos na siya. Veteran na sa trabahong ito kaya hindi siya nasisindak sa young and new CEO. “Inaasahan kong magaling at matino ang CEO pero nang marinig ang mga plano mo sa fund, I am very disappointed. Wala kang kaibahan kay Rowan Giltendez.” Anito ng ginang sa malamig na tono.
Napahinga nang malalim si Signor at umupo nang matuwid sa kanyang upuan. “I am not here for Kledd, madam.” Inilapag ko ang kanilang mga kape sa kanilang harapan. Napatingin si Miss Aileen sa akin bago bumaba ang paningin niya sa kape.
Napapikit si Ms. Aileen at tumango nang bahagya. “I am hoping for the company’s success pero kayong nasa itaas ay ginagawa kaming alipin ninyo para sa sarili ninyong interes.” Aniya at tumingin sa akin. “Salamat sa kape pero sa palagay ko ay hindi ko na maiinom ito.” Bumaling siya kay Signor at tumango. “I don’t have a choice but to follow the CEO’s will,” kibit balikat niya at sumenyas kina Juliet at Rose na sumunod na sa kanya. “Marami pa kaming gagawin. Would you excuse us, please?” Patuloy nito at umalis na nang tuluyan.
Nang sumara ang pintuan ay nilaro ni Signor ang ballpen sa kanyang kamay habang nakatingin sa direksyon ng pinto. Bumaling siya sa akin na nakangiti. “We are all set.” Aniya at ininom ang kape ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at dumalo sa kanya at inilibot ang aking dalawang braso sa kanyang balikat.
“Salamat.” Ani ko nang mabunutan ng tinik ang aking puso. Sa walong buwan kawalan ng ganang mabuhay ngayon lang ulit ako nakaramdam ng saya. Hindi ko alam kung bakit madaling naging komportable ang puso ko sa kanya. Iba ang pakiramdam sa tuwing nakakasama siya, tila ba matagal na siyang hinahanap ng puso at isipan.
Humiwalay ako sa kanya nang tinapik niya ang aking balikat. Nakaramdam ako ng hiya ngunit taliwas naman iyon sa kanyang mukha na ngayon ay nasisiyahan sa aking ginawa. Abot tenga ang ngiti ni Signor, at kahit medyo natalsikan ng kape ang kanyang shirt, ay wala siyang pakialam dito.
Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at ipinahid ito sa parte kung saan natapunan ng kape. “I’m sorry. Nasisiyahan lang ako.” Paumanhin ko. Napatingin siya sa akin kamay at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung saan na umaabot ang pagpapahid ko ng panyo sa kanyang katawan.
“Don’t worry, Miss. Aabot din sa puntong walang nakaharang na damit ang mahahawakan mo.” Bulong niya na may kasamang panunuya. Mabilis kong binawi ang aking kamay at humakbang palayo sa kanya. Ngumisi siya sa naging reaksyon ko. “Promise, I’ll be gentle.” Patuloy niya.
“Signor…” Sambit ko. Sigurado ba siya sa sinasabi niya? Parang ako ang natatakot, akala ko ay hindi kasama ang s*x sa usapan namin. Nandoon pa rin pala ang katotohanan na lalake si Signor. He will take advantage of me sa kahit na anong paraan.
IKALAWANG bisita namin sa Kay Dr. Franco sa hospital. Katulad ng abiso niya sa amin, kailangan kong munang mag undergo ng Xray at CT scan bago ang huling MRI. Si Signor ay tila nobyo ko na nagbabayad ng bills at buntot na sunod nang sunod sa akin sa likuran. Bahagya akong nahiya at naguilty dahil hindi asawa ko ang gumagastos para sa kalusugan ko, kung hindi ang ibang tao.
“Babayaran kita, Signor. Pag nakaluwag luwag ako.” Ani ko nang makitang iniabot niya sa cashier ang kanyang cheke. Bumaling siya sa akin at ngumisi.
“You don’t have to pay me. Paligayahin mo lang ako, sapat na iyon.” Sagot niya at ngumisi. Kahit pa mumunting salapi lang ito para sa kanya, galing pa rin ang perang pinambayad niya sa sariling pawis at sipag katulad sa ipinambayad niyang utang kay Rowan. Hindi ko kailangan magmatigas dahil para sa amin naman ni Rowan ang ginagawa ni Signor.
Tumango ako nang iniabot niya ang receipt sa akin. Tinago ko ito sa aking bag at nakipagtitigan sa kanya. Ngumisi siya at inilapit ang mukha sa akin tenga. “Guess what, ang sabi ni Dr. Franco we can do it gently, pero hindi kailangang palagi since hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagkawala ng memorya mo.” Aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat habang palabas kami ng hospital.
“Tinanong mo siya?” hindi makapaniwalang tanong ko. Napatingin pa sa direksyon namin ang mga pasyenteng naghihintay ng kanilang doctor for check ups dahil sa lakas ng boses ko. Hinawakan niya ang aking beywang at iginiya sa exit palabas saka siya tumango.
Pumikit ako nang mariin na naging dahilan ng pagtawa niya. “What’s wrong with it? Magtataka ang doktor kung sasabihin kong magkaibigan lang tayo. Hindi ako nagbabayad kahit gaano kalaking salapi para sa isang kaibigan.” Aniya.
“Nakakahiya, Signor.” Ani ko at tumungo na sa nakaparadang sasakyan niya. Wala naman siyang naging tugon. Hinayaan niya akong maglakad atsaka siya sumunod sa likuran ko.
Palubog na ang araw. Kulay kahel na ang liwanag ng kalangitan nang napagdesisyunan ni Signor na iuwi ako sa condo. Hindi ko pa gustong umalis, gusto ko pa siyang makasama hanggang lumalim ang gabi pero baka sa puntong ito ay nakarating na si Rowan sa condo.
Inabutan kami ng pagdilim ng kalangitan. Nagkaroon kasi salpukan ng dalawang sasakyan sa unahan na nagdulot ng mahabang traffic sa daan patungo sa condo. Tanging musika lamang ang bumabasag sa katahimikan na namumuo sa pagitan namin ni Signor.
“Paano kung…” Biglang bigkas ni Signor, nagdadalawang isip kung sasabihin niya o hindi. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lamang siya sa unahan habang naghihintay na umusad ang trapiko. “Paano kung malaman mong isang kasinungaling lamang ang nakapaligid sa ‘yo?” patuloy niyang tanong.
Huminga ako nang malalim at isinandal ang ulo sa headrest. Ang tanong na iyon ay gumulo sa aking isipan. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kahit possibilities lang ito, kalahati ay magiging totoo. “Siguro unang magiging reaksyon ko ay masasaktan ako.” Ani ko at ngumiti.
Binasa niya ang kanyang ibabang labi at tumango. “Would you leave Rowan?” tanong niya.
Natigilan ako at napatingin sa kanyang nangungusap na mga mata. Umiwas ako at kunot noong napatingin sa kawalan. Bakit niya tinatanong? Kabilang ba si Rowan sa nagsinungaling sa akin? “H-hindi ko alam sa ngayon. Wala pa ako sa puntong iyon.” I answered hesitantly. There's a trace of despair in his voice. Maiiwan ko ba si Rowan kapag nalaman kong nagsinungaling siya sa akin? I spent eight months living with him, ni hindi pumasok sa isipan ko ang tumakas sa kanya.
“Wag mo ng isipin.” Aniya at muling pinatakbo ng sasakyan nang makaluwag luwag ang traffic. “Natatakot lang ako.” Biglang sabi niya habang nakatingin sa unahan.
“Natatakot para saan?” bumaling ako sa kanya dahil sa pagtataka.
“Natatakot akong hindi mo na ako maalala.” Seryoso niyang sabi. Hinanapan ko ng biro ang kanyang mga sinabi pero nanatiling seryoso ang kanyang mukha.
Nakuha ang atensyon ko sa tunog ng Emergency van sa aming giliran. Bumaling ako roon, sa nagsalpukang mga sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang masulyapan ang tumutulong dugo mula sa taong nakatakip ng tela ang buong katawan habang inaakay sa isang stretcher. Tila sa pagkakataong iyon ay gumalaw nang dahan dahan ang kapaligiran nang isang alaala ang biglang pumasok sa aking isipan...
“Uuwi tayo ng Pilipinas. Hindi ka pwedeng magtagal dito.”
“Paano si Rowan?”
“Nanganganib ang buhay mo sa kanya, Maia. Hindi mo ba naiintindihan ‘yon?!” Isang malakas na busina at ilaw mula sa isang sasakyan ang patungo sa direksyon namin.
Bigla akong namanhid, hindi ko halos magalaw ang aking mga daliri. Hindi man naging malinaw sa akin kung sino ang kausap ko at kung sino ang may-ari ng mga boses sa isipan ko, malinaw naman sa akin ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
“Close your eyes!” singhal ni Signor pero huli na nang mapuna ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.