NAPAMULAT ang mga mata ko at agad na nagtama ito kay Rowan na nakatingin lamang sa akin habang nakaupo sa kama. Para bang napakahaba ng gabi at hindi ko na lang namamalayan na nakatulog na pala ako. Huli kong maalala ay kasama ko si Signor. Itinaas ko ang aking kumot sa aking katawan nang pumasok sa likuran ng aking isipan ang mga nangyari sa aming dalawa. Kumunot naman ang ulo ko sa pagtataka kung paano ako nakarating dito. Hindi ko maalalang bumalik ako rito para matulog. “Gising ka na pala,” biglang sabi ni Rowan. Muli akong bumaling sa kanya. Nakasuot siya ng T-shirt at pajama, mukhang kakagising niya lang din dahil sa naniningkit niyang mga mata at magulong ayos ng kanyang buhok. “Get ready. Kakain tayo bago umuwi.” Aniya. Uuwi ka kami? Parang hindi pa kami nag wa-one week dito na s

