MALAMIG ang simoy ng hangin sa kabila ng sikat ng araw. Nakapalumbaba ako sa railings habang nakatanaw sa malawak na ilog. Mas maganda pa ito kaysa sa nakikita kong syudad sa Roma. Hindi masyadong matayog ang mga establisyimento at hindi rin naaayon sa modernong panahon. Mas nangingibabaw ang kultura ang tradisyon ng Roma sa lugar na ito. Kumuha ng inn si Signor. Wala kaming damit na dala at nagulat na lang ako nang puntahan kami ni Jackson para ibigay ang mga damit na kanyang pinamili. “Masyadong marami ito para sa tatlong araw, Signor.” Ani ko nang ibigay niya sa akin ang paper bags na naglalaman ng mga damit. “Babayaran kita pag may pera na ako.” Ani ko at kinuha ang isang damit at agad na lumuwa ang mga mata ko nang makita ang presyo. “Sige,” aniya at ngumisi nang makita ang reaksy

