- - “SIGNOR,” tipid na turan ng kabilang linya. Napalingon sandali si Signor sa gawi ni Maia upang siguraduhing hindi niya naririnig ang kausap nito. Sumenyas siya na sagutin ito sa labas saka pumayag naman ang dalaga. “Mr. Leondo,” wika niya. Malalim ang boses ng matanda at seryoso. Mukhang hindi lang tungkol sa kumpanya ang itinawag niya kay Signor. Madalas niya itong masigla ang boses lalo na’t maganda ang performance ng Kledd. “What is your goal, really? Nasabi mo sa akin kanina na may pupuntahan kayo ni Maia. We’re about to leave when Rowan went crazy.” Aniya, bakas sa boses nito ang pagkadismaya. Bumaba si Signor ng inn at napatingin sa direksyon ng kwarto nila ni Maia. Ayaw niyang mangamba ang dalaga kaya kung pwede sana ay hindi nito marinig ang pag-uusap sa ama ng k

