LUMAPIT sa akin si Rowan at tumingin sa aking mga mata.Umupo siya sa kama nang ako’y umatras hanggang napansandal ng headboard dahil sa takot na nadarama. Nakangiti lang ang kanyang labi at umiling. “‘Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan.” Aniya sa akin at bahagyang lumapit pero kahit wala na akong ma atrasan ay sinubukan ko pa ring lumayo upang hindi niya ako maabot. “I saw you on CCTV with Signor, pumasok sa kwarto niya. Noong gabi wala ka sa aking tabi at gabing bigla kang natulog sa silid ko.” Patuloy niya. Napasinghap ako at yumuko. Mas nag-aalala ako kay Signor sa mga oras na iyon, paano pag nalaman niyang wala ako sa Inn naming dalawa? Paano pag nalaman niyang bigla akong dinakip ni Rowan. Dito niya ako dinala sa bahay ng mga magulang niya para hindi niya ako mahanap sa condo

