- - “BABALIK lang ako ng Pilipinas kapag natapos ito. Pakisabi kay Iggy.” Utos ni Signor kay Jackson. Napatingin naman si Jackson sa kanyang nang maigi at binubusisi ang reaksyon nito sa mukha na tila bakas ang pag-aalala.” “Copy,” tipid na sabi naman ni Jackson at kinuha ang kanyang phone para idial ang numero ni Iggy. Nilapag ni Signor ang dokumento na kanyang mesa kaya bumaba ang tingin dito ni Jackson. Kinuha niya ito ang binasa. “Let Ms. Aileen, Rose, and Julie work in my company. Mas malaki ang mapapala ng potential nila kapag doon sila magtatrabaho.” Patuloy niya at muling nag timpa sa kanyang laptop. Tanging tunog lamang ng printer ang bumabasag sa katahimikan ng paligid. Huminga nang malalim si Jackson at tumango. “Kailan ka pa nagkaroon ng malasakit sa iba?” tanong niya

