BUMALIK ako ng probinsya kahit bumabagyo. Naghanap ako ng paraan para makauwi, dahil sa pag-aalala ay hindi na ako nakapagpaalam kay Signor. Basang basa ako nang makarating ako ng bahay namin, kung saan namamalagi si Lola. Nadatnan ko ang kabaong na bagong dating lamang at mga hinahandang palamuti sa palibot nito. Napatingin ang mga kapitbahay sa aking pagdating. Sinalubong naman ako ni Auntie Elena na siyang ina ni Brian. “Nako bata ka, magkakasakit ka. Basang basa ka!” aniya at niyakap sa akin ang puting twalya. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kabaong ni Lola. Ang daloy na luha sa aking mga mata ay muling nag uunahan nang makita siyang mapayapang nakahiga sa pagitan ng maliit na kumot sa loob nito at sa salamin. Napahawak ako sa kanyang kabaong nang manghina ang aking mga tuho

