- - NAKATINGIN ang lahat kay Signor habang naglalakad siya papuntang elevator sa Kledd building, lunes ng umaga. Normal na umaga lang ito para sa kanya dahil halos mga female workers ay nakukuha ang kanyang atensyon. Kahit noon sa sarili niyang kumpanya ay panay tingin din sa kanya ang mga kababaihan. Iba ang aura ni Signor ngayon, naka suot ng suit and tie habang may sunglass naman sa kanyang mga mata. Si Jackson na bihira lang sumama sa kanya ay nasa kanyang giliran din. On call ang kanyang trabaho, kapag may kailangan si Signor tungkol sa personal bagay o sa trabaho niya na naiwan sa kanyang mga pinsan sa Pilipinas. Nang makaabot sila ng elevator ay napalabas ang mga ginoo dahil hindi nila maatim na makasama ang CEO sa iisang silid. Hindi naman ito pinigilan ni Signor na umalis s

