MAY paraan pa bang mapigilan si Rowan? Kung isusumbong ko sa pulisya siguradong gagawa at gagawa ang kanyang ina para mailabas siya, kahit si Signor ay hindi basta bastang gagawa ng bagay kung ikakapahamak lang namin dalawa. Mahirap kalabanin ang mga Giltendez at ayaw kong masira ang imahe ni Signor sa kanila dahil lang sa akin. Kahit pa sabihing mas pinagkakatiwalaan ng kanyang ama si Signor, hindi pa rin nawawala ang katotohanan na anak niya ito. “We need hard evidence, Maia. Mas mahirap ang sasapitin natin kung magpadalos dalos tayo sa ngayon. ” Aniya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango. Nadala lang ako sa bugso ng damdamin. Magagawa ko bang i betray siya? Sakit ang lang ang maidudulot ko kay Rowan at ganoon din siya sa akin kapag nagpatuloy kami sa relasyon namin. “Hindi ma

