“ANONG ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya nang mailapag niya ang bulaklak sa mesa. Bumaling siya sa labas bago ako hinarap. “Who’s that filthy guy? Mas matanda nga ako sa ‘yo pero hindi pa kulubot ang mukha ko.” Aniya, inis na inis. Itinago ko ang aking ngiti sa likuran ng aking palad at umiwas ng tingin. “Baby face kasi ang tingin nila sa akin, pagpasensyahan mo na.” Sagot ko sa kanya. Umiling siya at inilapit ang dala niyang paper bag sa akin. Napatingin ako sa loob nito damit na may mahabang saya. Lumuwa ang mata ko sa gulat nang makita ang price tag na nakakabit pa rito. “Five thousand pesos? Sa iisang damit lang?” hindi ko makapaniwalang tanong. “Susuotin ko ba ito o ididisplay? Sayang naman pag napaglumaan ito.” Ani ko sa kanya. Umupo siya sa upuan at inilibot ang mga mata sa

