HUMARAP ako sa kanya. Lumuwag naman ang kanyang yakap sa akin para tingnan ako sa mukha. Napahawak ako sa kanyang braso. Palipat lipat naman ang paningin niya sa aking mga mata at hindi alam kung saan ipipirmi. Mabilis ang pagtibok ng aking puso nang inilapit ko ang mukha ko sa kanya kasabay ng pagpalibot ko ng aking braso sa kanyang balikat. Sinalubong niya ng halik ang aking labi at saka naman ako gumanti. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking beywang habang minamasahe ito ng kanyang mga kamay. Umangat ang kanyang kaliwang kamay at hinawakan ang aking pisngi. Napaghiwalay ang mga labi namin at saka niya idinikit ang kanyang noo sa akin habang tumitingin sa aking mga mata. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at dinampian sandali ng halik ang aking labi. “Minahal mo ba ako?” ta

