Kabanata XIV

1828 Words

NAKARATING ako condo nang sumapit ang gabi. Tumambad sa akin ang mga nagkalat na mga damit at basag na mga vase sa sahig. Ang sapatos ni Rowan ay hindi nakalagay sa shoe rack kaya ako mismo ang naglagay nito roon. Nang isinara ko ang pinto ay nalanghap ko ang bango ng niluluto sa kusina. Ang maisip na nagluluto si Rowan pagkatapos niyang makarating sa condo galing trabaho ay nakakamangha. Ni hindi niya maisipan ang kumain minsan kasama ko at dumidiretso siya sa kwarto para magpahinga o magtimpa sa laptop niya. “Gawain ba ng isang asawa ‘yan, Maia?” napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng isang matandang babae. Natigilan ako nang makita ang ina ni Rowan na nagluluto sa kusina.  “M-ma…” Halos hindi ko mabigkas nang tama ang dapat itawag sa kanya. Bumaling siya sa direksyon ko at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD