“HOW’S grandma?” tanong ni Signor sa kabilang linya. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi nang sa wakas ay nakita mo muli ang nagtataasang gusali sa Manila. Nang bumuti ang pakiramdam ni Lola, nagkaroon ako ng pagkakataong bisitahin si Signor kahit sandali lamang. Marami akong gustong ikwento sa kanya at hindi ko iyon masabi sabi kapag sa phone lamang. “Maayos lang ang pakiramdam niya, medyo nagkakaroon na siya ng ganang kumain. Hindi katulad noon.” tugon ko sa kanya. Huminto ang bus sa kanto kaya makipagsiksikan ako para makababa lamang nang tuluyan. Nakahinga ako nang maluwag at napaangat ang aking mga mata sa maaliwalas na kalangitan. Mas mainit sa siyudad kumpara sa probinsya pero mas malaki ang oportunidad dito dahil mas maraming trabaho. “That’s good to hear.” Aniya, narinig ko an

