“ANONG sinasabi mong biktima ni Maria?” tanong ko sa kanya. Nakatalikod siya sa akin habang naghuhubad ng kanyang damit. Napatitig ako sa muscle ng kanyang likuran na sadyang gumalaw. Nang maisuot ang t-shirt ay humarap siya sa akin at lumapit para ikulong ako sa kanyang mga braso. “Konektado siya sa anumalya ni Rowan at sa…” Sandali siyang tumigil at nilaro ng kanyang hintuturo ang aking ilong. “Nangyari sa inyo nine months ago.” Ramdam ko ang pagdadalawang isip niya sabihin ang detalye ngunit nagawa niya pa rin. “Sa inyo? Ibig sabihin may alam ka kung sino ang kasama ko noong araw ng aksidente.” Wika ko sa kanya. Mas lalo niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin at dinampian ako ng halik sa tuktok ng aking ilong nang siya’y tumango. “I see. Hindi pa umaabot ang alaala mo sa kanya.” W

