CHAPTER 2

1207 Words
Zera POV "Teka?!Asan ako?" Wika ko sa aking sarili ang alam ko nasa Jeep lamang ako kanina pero bakit ako napapunta sa lugar na it.Ngayon lamang ako nakarating sa ganitong lugar may malawak na dagat ako nakikita kung saan sa dulo ay makikita ang malaking buwan na nagbibigay ng liwanag sa buong paligid.Naglakad lakad ako baka sakali may makita akong ibang tao na pwede kung mapagtanungan kung nasaan ako.Sa paglalakad ko nakakita ako ng isang lalaking nakatalikod, Nakaharap ito sa malaking buwan nilapitan ko ito. "Excuse me! Ahh! ehh! Sir,pwede po ba magtanong? Anong lugar po kaya ito?" Wika ko rito hindi ito kumibo kaya naman nagtanong muli ako rito. "Ahh,Sir! Hello!!! bingi ka ba?" Hindi pa rin ito lumingon sa akin.Mukhang suplado ata ang lalaking ito kaya naman tumalikod na lamang ako,baka gusto nito mapag isa. "Haistt!! SUPLADO!!!" Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang aking kamay kaya naman napatingin ako sa kamay ko na ngayon ay hawak na nito. "Aba! loko ka! ahh!!! Excuse me!!! nohh!! kung inaakala mong bayaran akong babae nagkakamali ka Si-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla ito humarap sa akin,nasilaw ako sa taglay nitong ka gwapuhan.Para itong angel na bumaba sa lupa para pasayahin ang matagal nang nalulumbay kung puso. "Ah! eh! ha ha ha! Grabe! naman,nakaka wala pala ng dila ang itsura mo!Ah, este! ha .ha. Anu ba 'yan!" Hindi ako makakuha ng tamang salita,dahil hindi ko magawang tanggalin ang aking pagkakatitig sa gwapo nitong mukha.Hindi ko alam na may na bu-buhay pala na ganitong nilalang na halos wala maipipintas sa taglay nitong ka-gwapuhan. Para na akong nanlalambot sa paraan ng pagka titig nito sa akin.Wari ko'y nawawalan na nang garter ang aking panty suot,Masyadong makalaglag panty ang lalaking kaharap ko ngayon. "Ahh,T-teka lang Sir! 'yung kamay ko he he. Sige! maiwan na kita." Wika ko rito ng bitawan nito ang aking kamay,Akmang ihahakbang ko na ang aking mga paa ng bigla magsalita ito.Ang matcho ng boses nito para itong isang DJ sa radyo gwapo na gwapo rin ang boses. "Sandali lang Ms.Samahan mo muna ako rito!." Wika nito nang muli akong humarap dito. Ngayon ko lamang napansin ang mga mata nitong nababalot ng kalungkutan. "May Problema ba Sir?" Wika ko rito muli itong humarap sa malaking buwan.Maya maya pa napayuko na ito. "Matagal na ako rito at ngayon lamang ako nakakita muli ng tao." Napamaang ako sa sinabi nito. Tama ba ang narinig ko matagal na siya dito at ngayon lamang siya naka kita ng tao.Kaya naman inilibot ko ang aking paningin wala ni isa nga akong makitang ibang tao sa paligid.Napakunot noo ako tumingin dito. "T-teka lang Sir, Asan ba kasi tayo? Kanina kasi nasa jeep lang ako tapos bigla na lang nandito na ako sa lugar na ito.Anong lugar na kasi ito." Bumuntong hininga ito saka ako hinarap,Ito na naman ako natutulala na lamang ako sa gwapo nitong mukha.Kakaiba talaga ang itsura nito mas gwapo pa ito sa sikat na mga artistang lalaki.Kamukha nito ang sikat na si Lee minho. "Matagal na ako rito at lagi lang ako mag isa,nalibot ko na ang buong Isla. Pero wala ako makitang ibang tao." Mukhang nasa isang isla nga kami. Kaya naman kinabahan ako bigla. Paano ako napapunta sa lugar na ito?.Nakaramdam ako bigla ng takot. "Anong ibig mo sabihin matagal ka na dito? Syaka ano bang ginagawa mo rito at mag isa ka?.Anong lugar ba ito?" Sunod sunod kung wika dito,naipiling iling naman ito bakas sa mukha nito ang kalungkutan.Kamukha man ito ni Lee minho alam kung may dugong pinoy ito.Dahil na rin sa kahit hirap ito magtagalog ay marunong pa rin ito sa wikang tagalog.Ngunit halata dito na hindi ito purong pinoy. "Sorry, I can't answer your question?, ako man ay hindi ko alam kung nasaan tayo." Nanlaki ang mata ko seryoso kaya ang lalaking ito o baka naman pinag ti-tripan lamang ako nito. "Hoyy!! Teka! nga huh alam mo ako wag moko pinagti-tripan huh!.,kahit gwapo ka naku! naku! malilintikan ka talaga sa akin.." Napatingin muli ito sa akin medyo nagliwanag ang mukha nito na pinagtaka ko naman. "What did you say?" Wika nito na bahagyang nakangiti.Para tuloy akong matutunaw sa mga ngiti nito. "OMG!!! Bakit ang gwapo ng lalaking ito? Pwede ko ba itong iuwi sa bahay namin at itago para hindi na makita pa ng ibang babae.Kaloka!" Bulong ko sa aking sarili,Mahina lamang ang bulong na 'yun kaya tiyak kung hindi nito narinig iyon. "Ohh bakit patawa tawa ka D'yan lalaki ka? Asan ba kasi tayo talaga?,baka hinahanap na ako ni Inay eh!" Wika ko dito,at nagseryoso na ako, Bumuntong hininga ulit ito kaya naman napatingin ako rito na ngayon ay nakatigtig lang din pala sa akin. "I also don't know where we are Ms." Wika nito narinig ko na naman ang maganda nitong boses na bagay na bagay sa gwapo niyang mukha.Napakamot naman ako ng ulo ko lagot talaga ako kay nanay nito. "Loko! Jeepney driver 'yun ahh! binaba na lamang ako kung saan saan?.Hala!! yari na ako nito kay nanay baka nag aalala na 'yun." Nagpalakad lakad ako habang kagat kagat ang kuko ko sa daliri.Ganito ako pag nag alala.at sigurado akong hinahanap na ako nila inay. "Ahhh, Teka! Sir, may sasakyan ka ba baka naman pwede mo na lang ako ihatid sa bahay namin babayaran ko na lang ang gasolina mo.Please!!! parang awa mo na sir!!" Pinagdikit ko pa ang dalawa palad ko na akala mo'y nanalangin.Umiling iling naman ito kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko.Mukhang hindi ako ihahatid ng lalaking ito ahh,Gwapo nga madamot naman. "Sige na please!!" Pag mamakaawa ko rito.Luluhod pa sana ako ng pigilan ako nito. Kaya naman parang lalo pa ata akong nanghina,napansin ko naman na malamig ang kamay nito kaya hinawakan ko iyon ng dalawang kamay ko at malamig nga talaga ang mga kamay nito. "Teka! bakit ang lamig naman ata sobra ng kamay mo sir! huwag niyo sabihin ne-nerbyos ka sa taglay kung kagandahan! Sir! ako lang po ito no! ha ha ha." Biro ko rito habang naka turo ang isang daliri ko sa aking sarili.Tumawa na naman ito nakakapanlambot naman talaga ang mga ngiti nito.Ang mga ngipin nitong parang mais at sobra sa puti na nakakasilaw. "Ha ha ha You're really funny!,Ms." Konti na lang talaga matatanggal na garter ng panty ko para kasi itong anghel na tumatawa kay sarap sa tenga ng tawa nito. "W-Wait S-sir T-teka!! Anong nangyayari sayo? hala ka!! Sir unti-unti kang nawawala." Wika ko rito na unti-unti lumalabo ang imahe.Kinabahan naman ako habang napahawak ako sa aking dibdib.Hanggang tuluyan na nga naman itong nawala sa aking paningin. "ATE!! ATE!! HOYYY GISING?" Napamulat ako ng aking mata nasilaw pa ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mata.Napatingin ako sa akin kapatid na si Brendon.Napakunot noo pa ako nang makita ang malaking puno sa harapan ko. "Aba!Teka! Anong ginagawa ko rito sa labas Bren?" Tanong ko sa aking kapatid na si Brendon. May dala itong kape at pandesal. "Awan! ko ba sayo Te!! bakit d'yan ka pa natulog!" Nanlaki ang mata ko nang mapangtanto na hindi pa pala ako nakakapagpalit ng aking damit. Pati mga gamit ko dala kagabi ay hawak ko pa.Napakamot ako sa akin ulo siguro sa sobrang pagod dito na ako sa labas nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD