bc

Dark Moon

book_age18+
86
FOLLOW
1K
READ
adventure
love-triangle
possessive
time-travel
CEO
drama
bxg
mystery
another world
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Isang gabing biglang nabalot ng kadiliman ang buwan nagtaka si Zera ng makatulog siya sa jeep ay bigla na lang ito,nagising sa isang lugar na hindi pa niya nararating sa buong buhay niya.At doon ay makakasama niya si Clark, ang lalaking doon lamang niya makilala at makakasama tanging silang dalawa lamang ang tao doon.Laking pagtataka naman niya na tuwing sasapit na ang umaga bigla na lamang ito naglalaho at babalik lang kapag natakpan na muli ng kadiliman ang Buwan.

Zera-Secretarya sa napakalaking kompanya.Tanging siya lamang ang katulong ng kanyang ina at ama sa pag pa-paaaral ng kanyang kapatid na nasa koleheyo na.Wala itong ni isang naging boyfriend,masyado itong nagfocus sa kanyang trabaho at Pamilya kaya ang sarili niya ay hindi na niya inisip pa,ang mahalaga sakanya ay matulongan ang kanyang magulang at kapatid.

Darcel-Isang anak mayaman Ikakasal na sana ito kung hindi lamang nangyari ang isang kagimbal gimbal na pangyayari na babago sa kanyang buhay.

Sabay sabay natin subabay-bayan ang kakaibang kwento ng pag-iibigan ni Zera at Clark.Isang mahiwaga at kakaibang pagmamahalan na mabubuo sa isang lugar na tanging sila lamang dalawa ang nakakarating.Magka ibang mundong ginagalawan,ngunit pagsasamahin sa isang lugar na kung saan doon mabubuo ang pagmamahalan.Anong hiwaga ang meron kay Zera at Clark ABANGAN!!!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Zera POV "ZERA! ZERA! ANAK!,batang ito gumising ka na at tanghali na!,Sinabi nang bumangon ka na d'yan!" Magang maga ang ingay ng bunganga ni nanay. umupo ako sa aking kama habang nagtatanggal ng muta sa mata.Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa luma na naming ding-ding.Baka isang suntok lang dito paniguradong giba agad. "Inay! naman eh! ang ingay ng bunganga magang maga Highblood ka na agad." Wika ko kay inay na ngayon ay binubuksan na ang mga bintana sa aking kwarto. "Paano ako hindi mag iingay.Bata ka alas 9 na ng umaga aba wala ka ba pasok sa trabaho mo huh!!" Muli ako napatingin sa orasan na nasa ding-ding tama naman si inay alas 9 na ng umaga,pero limot ata ito na sabado ngayon. tumayo na ako at nilapitan si inay na imik pa rin ng imik. "Nay, naman sabado po ngayon ha ha ha" Napalingon naman ito sa akin sabay tingin sa calendaryo sa aking katabi. "Aba ay Sabado nga pala ngayon,naku po anak ay pasensya ka na.Hala bumalik ka ulit sa pag tulog anak!" Natawa ako sa itsura ni inay halata kasing na guilty ito dahil sa pag gising sa akin.Tinapik ko ito sa balikat at nauna na ako lumabas ng kwarto. "Anak! naku ay pasensya ka na talaga,nakalimutan ko ang araw ngayon." Habol ni inay sa akin inakbayan ko naman ito ng nasa tabi ko na ito. "Okey lang po Nay! may lakad rin po ako ngayon,buti na lamang din po at ginising niyo ako." Nagtataka naman na napatingin ito sa akin. "Aba'y saan naman ang lakad mo bata ka? hindi ba at restday mo ngayon dapat magpahinga ka na lamang muna." Wika ni inay habang pinaghahandaan ako ng almusal.Inilibot ko ang aking paningin hindi ko makita ang kapatid ko. "Nay, asan pala si Brendon? Wala siyang pasok ngayon hindi ba po! saan na naman kaya nagtatambay ang mokong na 'yun." Bumuntong hininga si nanay napatingin naman ako rito.Umupo ito sa upuan na nasa harap ko lamang. "Naku! ang kapatid mong 'yun papasok daw muna siya sa shop ng kaibigan niya.Nahihiya na ang kapatid mo sayo dahil paano ba naman ikaw na ang lahat na gumagastos dito sa bahay,pati sa pag aaral niya!" Si Brendon ang nakababata ko kapatid mas matanda ako rito ng dalawang taon. 20 years old na ito ako naman ay 22 years old na.Dalawa lamang kami magkapatid nag aaral pa ito sa kursong HRM.Muli ako napatingin kay inay na ngayon ay malungkot na ang mukha. "Inay, ano ba kayo okey lang po 'yun! hayaan niyo pag nakaipon na po ako ipapaayos natin ito bahay.Mababayaran na rin po natin ang iba utang natin." Napabuntong hininga si Inay alam kong ito man ay nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon,bukod kasi sa luma na ang bahay namin may malaki utang rin kami sa kapatid ni itay na siyang may ari ng lupa pinagtayuan ng bahay namin na ito.Buti na lamang medyo malaki ang sahod ko sa malaking kompanyang pinapasokan ko Kahit papaano ay nakakapag hulog ako sa kapatid ni itay kahit pa unti-unti. "Hmm, inay! wag n'yo na isipin pa 'yun responsibilidad ko tulungan kayo.Inay,mag gagayak na po muna ako baka ma late ako sa lakad ko eh baka po gabihin ako ng uwi huwag niyo na po ako intayin." Tumayo na ako at dumeretso sa Banyo para maligo.Hindi ko na sinabi kay inay na e-extra ako sa parlor ng kaibigan kong si Clazy may malaking event daw kasi sila ngayon at kulang sila ng taga make up. Kaya nag-presenta na ako sayang rin ang kikitain ko pandagdag din 'yun sa tuition ni Brendon. "Zera,bakit ngayon ka lang hala ka! ang dami ng nag iintay sayo!" Pagpasok ko pa lamang sa malaking parlor ni Clazy nakita ko na ang mga modelo na nag iintay para ma ayusan,kay a naman dali-dali na ako nag prepare ng mga gagamitin ko para sa pag ma-make up. "Excuse me! halika ka na Ms.ako na ang mag aayos sayo!" Wika ko sa isang modelong babae nakatingin ito sa akin na pinagtaka ko naman. "Make up artist ka rin ba dito?" Tanong nito sa akin,tumango tango lamang ako habang sinisimulan ko nang linisan ang mukha nito bago lagyan ng make up. "Hindi bagay sayo ang make up artist bagay sayo mag model,mas mukha ka pa modelo sa mga kasamahan ko rito eh ha ha ha" Natawa ako bahagya sa sinabi nito.Matangkad rin ako hindi nalalayo ang hieght ko sa babaeng inaayusan ko.palagay ko'y nasa 5'9 din ang height nito,mas maputi ako rito kung sa shape lang rin naman ang pag uusapan ay may ibubuga rin naman ako.May mga nagsasabi rin sa akin na maganda ako lalo na ang nanay ko na lagi akong sinasabihan na kakaiba ang ganda ko.lalo na ang blonded kung kulot na buhok na lalo nagpatingkad sa maputi kung balat,hindi naman ganun katangos ang aking ilong,ang akin mga mata naman ay akala mo'y laging nangungusap isa ito sa nagbibigay ng attractive sa akin ang aking mata. "Zera! Zera!,Sandali ohh ito! may tip ka pa,tanggapin muna maliit lang 'yan pero alam ko makakatulong 'yan sayo!" Wika ni Clazy na hinabol pa talaga ako rito sa labas.Sa sobrang dami naming inayusan hindi ko na namalayan ang oras mag a-alas 11 na pala ng gabi at hindi na ako naka kakain ng hapunan.Ramdam ko na rin ang pagod at ngalay. "Salamat ng marami sayo Clazy! hmmm, sa susunod na mangailangan ka ng makakatulong sa pag ma-make up sabihan mo ako huh sayang din kasi eh!. he he alam muna matindi ang pangangailan." Wika ko rito tinapik naman ako nito sa balikat,saka ngumiti sa akin. "Oo naman nohh babalitaan kita ikaw pa ba!" Nakangiti nitong wika sa akin maya maya nagpaalam na ako rito.Masyado na rin nalalim ang gabi at mukhang uulan pa ata dahil madilim ang buong kalangitan. "Hala! uulan pa ata wala pa naman ako payong!" Wika ko sa aking sarili habang nag aabang nang masasakyan.Buti na lamang at nakasakay agad ako saktong daan ng jeep. Nang makasakay na ako Inihilig ko ang aking ulo sa likod ng upuan ng jeepney driver malayo pa naman ang pag ba-byahe kaya i-idlip muna ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook