CHAPTER 4

1451 Words
Zera POV "Girl! Mukhang puyaters! ka ata ngayon ah! Anyare sayo!" Kararating ko lamang sa opisina kung saan ako nagtatrabaho ng lapitan agad ako ni Emly,Ang ka opisina ko.Ipinatong ko na muna ang bag at lunch box ko sa aking lamesa bago ko ito hinarap. "Naku! Alam mo ba Emly,nitong mga nakaraang gabi ang wierd ng mga napapanaginipan ko.Minsan iniisip ko na baka nababaliw na ako." Sambit ko kay Emly, na lalo pang lumapit sa akin,kahit kaibigan ko ito saksakan ito ng chismosa.Lahat ata ng chismis sa opisina at maging sa mga sikat at kilalang tao ay alam nito ang chismis. "Anong ibig mong sabihin Zera? Nag try ka na bang mag pa konsulta sa doctor? Bakit hindi ka magpatingin muna,baka nga nababaliw ka na.Tsk!! Naku! Tingin ko kailangan mo na talaga magpatingin ate Girl!" Sarap din minsan sapakin nitong si Emly e, Seryoso na nga ako nakuha pa nitong mag biro. "Alam mo mga minsan ate girl,Paparanas ko sayo ang ma-piktusan ng isa e.Nakakainis ka naman e! Alam mo bang seryoso ako ngayon?" Wika ko kay Emily,na tatawa tawa pa sa akin.Itinuro nito ang dibdib ko kaya naman napatingin ako kaagad sa aking dibdib, "Anak ng!!! Ano ba 'yan bakit baliktad ang suot kung damit.Nakakaloka!" Lalong tumawa si Emily,Kaya naman tuluyan ko na itong piniktusan.Napahawak naman ito sa kanya ulo,habang nagpipigil pa rin ito ng pagtawa. "Sabi ko sayo Zera, magpatingin ka na sa doctor at mukhang nababaliw ka na! Hahahaha." Tumayo ako at saka dalian sa pagpunta ng C.R,pati pagsusuot ko ng damit nagkakamali na ako.Paano ba naman kahit alam ko nakatulog ako pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ang katawan ko. "Ano bang nangyayari sa akin? Ilang gabi na akong ganito,Simula ng nabalot ng itim na ulap ang buwan naging wierd na ang mga nangyayari sa akin.At ang lalaking 'yun hindi na siya nawawala sa mga panaginip ko.Sino ba talaga ang lalaking 'yun?" Napailing iling na lamang ako habang kinakausap ko ang aking sarili sa harap ng salamin.Napaka wierd na talaga ng nangyayari sa akin.Ngunit sa tuwing kasama ko ang lalaking 'yun sa aking panaginip ay gumagaang ang pakiramdam ko.Lahat ng mga problema iniisip ko ay pansamantalang nawawala.masaya ako pag kasama ito ngunit sa tuwing nawawala na ito ay saka naman ako nagigising kaagad.Buti na lamang naalala ko ang lahat ng mga ginagawa at mga napag uusapan namin sa panaginip ko.At sa totoo lang aaminin ko na kung minsan ayaw ko nang matapos ang gabing magkasama kami sa panaginip ko. "Ay! Kabayo! Lintis ka! talaga babae ka! Bakit ka ba nanggugulat d'yan huh!" Wika ko kay Emly na bigla na lamang sumulpot sa harap ng salamin.Tapos na ako magbihis at inaayos ko na lamang ang damit kung nagusot. "Aba! Ganda ko namang kabayo hahaha! Hoy! ate girl! Lumabas ka na at pinatatawag ka ni Ms.Violet." Nanlaki ang mga mata ko.Bakit naman kaya ako pinatatawag ng bruhang secretary ng CEO namin. "Teka! Bakit daw Emily? Sinabi ba sayo kung bakit ako pinatatawag ni Valentina?!" Natawa na naman ng malakas si Emily,buwang ata ang babaeng ito.Sure ako naging okey na sila ng jowa niyang babaero. "Alam mo ikaw ate girl! siguro nakarami ka kagabi no! At sigurado ako na nagkabalikan na naman kayo ng boyfriend mong playboy." Umabot na sa tenga ang ngiti ng bruha.Tama ako sa hinala ko nagkabalikan na naman sila ng babaeng Gerald na 'yun.Tapos pag nagloko na naman ang lalaking 'yun paniguradong maglalasing na naman itong si Emily. "Ang galing mo talagang manghula Zara,Yes! na Yes! Nagkabalikan na kami ni Gerald at nangako siya na hindi na siya muli mangbabae." Masayang sambit nito sa akin.Pinagtaasan ko ito ng kilay,Parang hindi ko naman kilala ang Gerald na 'yun ako nga ay nilagawan din ng mokong na 'yun.Hindi ko na lamang sinabi kay Emily dahil alam ko masasaktan ito panigurado. "At alam mo ba ate girl! Kaloka ang dami niyang alam na bagong position!Hay,Naku! Hindi ko na nga kinaya knockout talaga ako kagabi.Kakaloka!" Tinalikuran ko na ito dahil alam kung puro kamundohan na naman ang i-ku-kwenta ng babaeng ito sa akin.At kung minsan nalalaswaan na talaga ako sa mga sinasabi nitong ginagawa nila ni Gerald.Parang nakakadiri na ang mga ginagawa nila kung minsan. "Hoy! Zera! Sandali lang,Ito naman hindi pa ako tapos magkwento ehh.So ayun na nga-" Tumigil ako sa aking paglalakad at hinarap ko si Emily habang nakataas ang isa kong kilay. "Alam mo ate girl! Tigilan mo na ako sa mga ganyan mong kwento at ako'y nalalaswaan na." Wika ko dito na kinanguso naman nito.Pagharap ko ay bigla naman nanlaki ang aking mata ng makitang nasa harapan ko na si Ms.Violet na ngayon ay nakapamayawang pa. "M-Ms,Violet," Nauutal ko pang wika dito,Sa lahat ng mga katrabaho namin dito ito lang ang hindi ko gusto ang ugali.Masyado itong terror,Marami na itong napaiyak na mga kasamahan ko. " Ms.Zera! Sa lahat ng ayaw ko ay yung pinaghihintay ako!Hindi mo ba alam na bawat minuto dumadaan ay mahalaga sa akin huh?!" Inis na wika nito sa akin.Ito nanaman ang babaeng masungit,hindi uso dito ang pag ngiti.Palagi itong nakasimangot,at never ko pa itong nakitang nakangiti. "Pasensya na po Ms.Violet,hindi na po mauulit." May ibinigay itong papel sa akin,at pagalit pa nitong iniabot 'yun sa akin na kamuntikanan ko nang mabitawan dahil sa basta na lamang nitong inabot sa akin na hindi pa nakalahad ang aking palad. "Gawan mo ng report ang mga 'yan.Kailangan ko na 'yan bukas na bukas ng umaga.May isa pa Ms.Zera since hindi pa rin bumabalik ang CEO natin na si Mr. Robertson,ikaw na muna ang magiging secretary ni Mr.Brown.Nanganak na ang secretary nito at na cesarian kaya matatagalan itong mawawala.Bukas na bukas ay sa kanya ka na mag re-report.Naiintindihan mo ba?" Wika ni Ms.Violet,kung ganoon hindi pa rin bumabalik ang CEO namin na si Mr.Robertson.Ang alam ng lahat ay may emergency nangyari sa pamilya nito sa Italy kaya agaran ang pagpunta nito doon.Hindi ko pa ito nakikita kahit isang beses.Pero ang sabi ni Emily napakagwapo daw nito lalo na ang tatlong anak nitong lalaki. At ang pinakagwapo daw sa magkakapatid na Robertson ay si Clark ang bunsong anak nito. "Yes! Ms.Violet." Tugon ko dito at bigla na lamang itong tumalikod sa amin ni Emily.At talagang may pag tirik pa ang dalawang malaking mata nito.Nagkatinginan naman kami ni Emily at pareho kaming nagkatawanan dalawa. "Hoy! Ate girl ang swerte mo naman magiging secretary ka pala ni Mr.Brown!Wow! Sana all na lang talaga." Ano ba itong pinagsasabi ng babaeng ito.Ang pagkakaalam ko ay may katarayan taglay din ang Mr.Brown na 'yun. "Hay! Naku! ate girl tigilan mo ako sa mga pag ek! ek! mo d'yan.Ang hirap kaya minsan kausap ng mga may edad na.Bakit kasi ako pa ang napili nila na maging secretary ng Mr.Brown na 'yun." Ani ko kay Emily,na bigla na lang inilagay ang dalawang kamay niya sa bayawang niya. "Hoy! Ate girl,Baka hindi mo alam gwapo si Mr.Brown noh!" "Bahala ka nga d'yan babae ka!" Iniwan ko na si Emily at sinimulan ko na ang pinagagawa ni Ms.Violet sa akin. ---- "Bakit kaya wala pa rin dito si Zera? Dapat ay nandito na siya ngayon." Nandito na naman ako sa harap ng malawak na dagat kung saan nakasilay sa akin ang malaking buwan.Hindi ito ganoon kaliwanag ngayon, Nagliliwanag lamang ito tuwing nandito si Zara.Bigla akong nakaramdam ng lungkot,mukhang hindi ko na ata ito makikita pa dito ngayon.Tanging si Zera lamang ang nagpapasaya sa akin,Ito ang nagbibigay liwanag sa madilim kung gabi.Ngunit nasaan na ito ngayon?Gusto ko nang marinig ang masasaya nitong mga kwento sa akin.Hindi ko alam pero gusto ko itong palaging nakikita at nakakasama .Masaya ako pagkasama ko ito sa kakaibang mundong ito na hindi ko malaman kung ano klase lugar ba ito talaga. "Zera! Zera! Asan ka na?" Sigaw ko,Umalingawngaw ang boses ko sa buong paligid.Napatungo ako kasabay ng pagbuntong hininga ko naman.Maya maya napansin ko na lamang na bigla na lamang nagliwanag ang buong paligid.Kaya naman agad kung iniangat ang aking ulo. "Ohh! Akala mo hindi ako dadating noh! Hahaha.Grabe kung makasigaw huh! Hahaha.Miss mo ako no? Aminin,Hehehe." Napangiti ako ng makitang muli si Zera,hindi ko napigilan ang aking sarili kaya naman agad ko itong niyakap na kinagulat pa nito. "Ohhh! Okey ka lang ba?May nangyari ba?" Tanong agad sa akin ni Zera,marahil ay nabigla itong talaga hindi ako tumugon sa tanong nito at naramdaman ko na lang na yumakap na rin ito sa akin kasabay ng pagbuntong hininga naman nito. "Okey,lang 'yan Mr.Lonely boy.Lahat ng problema ay may solusyon.Kawawa naman ang baby ko.Ahh,,Ehhh,,, Este! b-bayaan mo lang ang problema mong mamoblema sayo.Hahaha" Napangiti ako habang yakap pa rin si Zera,Tinawag ako nitong Baby.Masaya na ulit ako dahil kasama ko na muli ang babaeng nagbibigay liwanag at saya sa akin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD