Neneng o7

1835 Words
--- MATAPOS KUNG MAGLUTO NG ALMUSAL ay hinanda kona agad para pagbaba ng amo ko ay naka-ready na ang almusal. 6:30 na kasi ng umaga at baba na iyon maya-maya. Nang matapos sa ginagawa ko ay nagtimpla naman ako ng kape para sa amo ko. Mahilig kasi sa kape 'yun hindi nawawala sa menu niya. Maya-maya'y dumating na nga ang aking amo habang bagong ligo. Nanuot tuloy sa aking ilong ang ginamit niyang sabon at shampoo kaya naman pasimple ko iyon inamoy. Ang bango bango niya palagi at parang gusto ko siyang amuyin maghapon. Pero kinalma ko ang aking sarili dahil nakahihiya. " Moaning sir." Magiliw kung bati sa amo ko kahit nagka-problema kagabi. Nakita niya kasi akong nakapanty at bra. God! Nakakahiya subra. Ang tanga tanga ko naman kasi ey. Magbubukas lang ako ng pintuan ay nakapanty at bra pa ako kainis. Nawala sa isip kung nakahubad pala ako. " Good morning, neneng." Tugon ni sir sa seryusong boses. Kung wala lang dito ang nakita niya kagabi. Nakaramdam naman ako ng inis. Parang dedma lang at palagi na lang seryuso. Dati naman ang daldal niya pero ngayun ang seryuso na niya. Tapos ngayun gabi gabi na siya umuuwe. Samantalang dati alas syete palang ng gabi ay nasa mansion na siya. Ngayun alas diyes na siya nakakauwe sa gabi. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw ko naman magtanong dahil baka sabihan niya pa akong intrimitida. Malamig na nga ang pakikitungo niya sakin tapos gabi na siya umuuwe. Hindi na nga siya nakakain sa mansion dahil kumakain na siya sa labas. Okey naman sana 'yun dahil wala na akong gagawin. Ewan ko ba, naiinis ako kapag gabi na siya nakakauwe at hindi ako makapagluto para sa kanya. Ano bang nangyayare sakin? " Maupo kana, neneng. Kumain kana diyan." Narinig kung sambit ni sir Julio kaya tumingin ako sakanya pero hindi ko siya sinunod. " Busog pa po ako. Mamaya na lang po kakain sir." Aniya habang nakatayo sa gilid. " Okey." Napaawang ang labi ko sa sagot ni sir Julio at nagulat. Hindi manlang ako pinilit, okey agad? Gago to ah? Palihim ko siyang pinukol ng masamang tingin at napasimangot ako saka inis na nagmartiya patungo sa kusina. Bweset na lalaking 'yun? ano bang problema niya? Dati naman pinipilit niya akong kumain, Ngayun hindi na tsk. Ang arte mo kasi girl. Napasimangot lalo ako at napahugot ako ng buntong hininga sa subrang inis na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ngayun kay sir Julio. Ang aga aga ang init agad ng ulo ko. Wala naman akong regla pero ang high blood ko ngayun. Uminum ako ng malamig na tubig at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Maya-maya'y narinig ko ang boses ni sir Julio sa dinning area at tinatawag ako. Umirap naman ako sa hangin bago ako lumabas ng kusina. Walang emosiyon ang mukha ko kahit naiirita ako. " Bakit po sir?" Anang ko ng makalapit dito. Bumaling naman sakin ang amo ko. " Baka gabi na naman ako makauwe. Wag kana magluto at wag muna ako hintayin mamaya." " Bakit po?" Usisa ko. Nakita kung natigilan ang amo ko at napatitig sakin bago nagsalita. " May gagawin ako sa office. Marami akong dapat na pirmahan kaya wag muna ako hintayin at baka mapuyat kapa. Marami kapa naman gagawin bukas." Paliwanag ng amo ko saka tumayo nasa kinauupuan niya. Akala ko pa naman concern siya sakin dahil baka mapuyat ako. Yun pala ang mga trabaho ko lang ang inaalala niya hmp. " Okey po sir." Wala parin emosiyon ang mukha ko habang nakatingin dito. " Okey alis na ako. Ikaw na muna bahala dito." Bilin ni sir Julio bago umalis. Napairap ulet ako sa hangin saka naupo sa inupuan ng amo ko kasabay ng pangalumbaba. Naiirita parin ako. " Ano kaya ginagawa niya sa office? Gabi na may office parin?" Bulong ko sa sarili kaya hindi ko namalayan ang pagbalik ng amo ko. " Masama 'yan ah? Bakit nakangalumbaba ka diyan, neneng?" Mabilis akong napalingon sa aking amo at nagulat. " Sir?" " Oh? anong nangyare sayo?" Tanong ni sir habang nakatingin sakin. Nailang naman ako sa kanyang tingin kaya umiwas ako ng tingin. " Wala po, sir. Nagpapahinga lang po muna." Sagot ko. " Wag kang mangalumbaba, masama 'yan." Wika ni sir Julio sa seryusong boses. " Okey po." Keme kung sagot. " Paabot ng kape ko. Hindi ko pa nauubos." Utos niya sakin kaya binigay ko ang kape niya. Mukha talagang kape, mabuti hindi siya kinakabahan. " Ito po sir." " Salamat." Aniya na tumitig sakin ang mga mata pero seryuso parin. " Kapag napagod kana, magpahinga kana muna. Mamaya muna lang gawin ang iba mong trabaho." Ani sir. Tumango ako. " Sige na alis na ako." Paalam ni sir Julio at tuluyan ng umalis matapos maubos ang kape. Napakagat naman ako sa ibabang labi saka napahugot ako ng malalim na buntong hininga. Niligpit kona rin ang mga pinagkainan ng amo ko para matapos kona agad ang mga gawain at makapgpahinga na. Mamaya na ako kakain dahil nagkape naman ako kanina. --- MATAPOS KUNG MALINIS ANG KWARTO NG BOSS KO AY napahiga ako sa kama niya. Namiss kona kasi ang amoy ng amo ko at pati na rin ang may ari nito kaya naman ay niyakap ko ang isa niyang unan saka inamoy-amoy ang unan nito. " Ang bango bango mo talaga." Bulong ko habang yakap ang unan ng boss ko. Maya-maya'y nakaramdam ako ng antok nang mahiga sa kama ni sir Julio at napapikit ang mga mata ko. Magpapahinga lang sana ako ng hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kwarto ng amo ko. Nagising na lang ako ay alas syete na ng gabi. " s**t!" Sambit ko at napabalikwas ng bangon saka nagmamadaling umalis ng kama saka inayus ulet ang kama dahil nagulo ulet. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto saka bumaba sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko ng makapasok sa loob ng silid dahil inaantok pa ako. Hindi na naman ako magluluto kaya matutulog na lang ako. Wala naman akong gagawin dahil bukas pa ang plantsa ko. Muli ay nakatulog ulet ako ng hindi kumakain. Nagising lang ng kumalam ang tiyan ko. Kanina pa kasi ako hindi kumakain. Bumangon ako sa kama habang nakasimagot at nagkakamot ng ulo. Para akong may kuto sa ulo kung makakamot. Umalis ako ng kama saka lumabas ng kwarto ng hindi nagtatali ng buhok. Wala naman makakakita sakin kung magulo ang buhok ko dahil malamang ay tulog na ang amo ko. 10pm na sabi ng walk clock sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator para maghanap ng pagkain kanina. Doon ko nilagay kanina ang mga tirang pagkain. Nang makakuha ng pagkain sa ref ay ininit kona ang mga iyon bago kumain dahil malamig pa sa bangkay ang mga pagkain. Nang matapos mainit ang mga pagkain ay naghanda naman ako ng pinggan at baso Hindi na ako magkukutsara dahil 'di naman sabaw ang mga ulam. Halo ang mga ulam ko ngayun dahil mga tira tirang pagkain. Ako lang naman ang kumakain ng mga tira tira dahil timawa ako sa pagkain o kaya naman ay tinatapon kapag hindi kaya. Sa susunod ibibigay ko sa mga pulubi sa labas para 'di sayang. Kumuha rin ako ng coke sa ref bago naupo sa hapagkainan. Masarap kasi kumain kapag may coke dahil swabe. Dito lang naman ako madalas uminum ng softdrink dahil wala akong pambili sa probinsiya. Tanging si Betty lang ang nang-lilibre sakin ng softdrink para makainum ako. Wala kasi akong pambili dahil kung ibibili ko ng softdrink ay gamot na lang ng nanay ko. Kaya palagi na ako nakaka-inum no'n dahil may pambili na ako. Binili ko 'yun noong namili ako sa mall, 1/5 na ang binili ko kasi para matagal maubos. Hindi naman nakikihati ang amo ko kaya natitipid ko pa. Sa subrang katakawan ko sa softdrink ay magkakaroon ako neto ng UTI dahil mahina akong uminum ng tubig. Sarap na sarap ako habang kumakain sa kusina at nakataas pa ang isang paa dahil gano'n akong kumain samin. Nang biglang pumasok ang amo kung lalake at napatingin sakin. Mukhang nagulat ito ng makita niya nako base sa itsura niya. " Neneng." " Hi sir kain po tayo." Alok ko naman sa kanya. Akala ko ay tulog na siya dahil mag-eleven pm na. " Bakit gising kapa? Mag 11 na pero kumakain ka parin?" Tanong ni sir sakin habang nakatingin at sinaway ako. " Baba mo nga ang paa mo. Kababae mong tao ganyan ka umupo." Hindi ko naman naiwasan sumimangot dahilan para makita ako ni sir Julio, pero sinunod ko parin siya. " Bakit nakasimangot ka? Ayaw mong pinagsasabihan ka? Namimihasa ka ata Neneng." Aniya sa walang emosiyon ang mukha. Nagulat naman ako sa sinabi ni sir Julio. Ngayun niya lang ako napagalitan simula ng pumasok ako dito. Anong problema niya? Bakit ang init ata ng ulo niya? Gusto ko sumagot pero naisip kung baka may nangyare kaya hinayaan kona lang. " Wala po. May papautos ba kayo?" Tanong ko. " No, i can manage." Pigil niya sakin saka lumapit sa ref. " Kumain kana diyan." Anito. Napairap naman ako sa hangin dahil sa pagsusungit niya at napahugot na malalim na buntong hininga. Hindi na ako kumain dahil nawalan na ako ng gana. Ang sarap ng kain ko kanina tapos pagagalitan lang ako. Nakita kung kumuha ng beer ang amo ko mula sa ref at mukhang mag-iinum ata ngayun. May problema ata sa kumpanya. Gusto ko sana magtanong kaya lang naisip ko katulong lang pala ako. Noong may sakit ako ay natatanong ko siya dahil malapit siya sakin, hindi na ngayun. Humarap sakin si sir Julio kaya umiwas ako ng tingin at kunyare ay kumakain ako. Ayaw ko siyang tignan dahil naiinis ako sa kanya. " After mong kumain, matulog kana." Wika ni sir saka lumabas na ng kusina bitbit ang ang beer na dalawa. Umirap naman ako at kumibot ang labi saka tumayo nasa kinauupuan ko. Niligpit kona ang pinagkainan ko saka tinapon ang mga pagkain. Sayang, badtrip kasi ey. Kaunti palang nakakain ko tapos may masungit na dumating. Matapos maglinis sa kusina ay kumuha ako ng beer sa refrgerator ng dalawa at iinum 'din ako dahil naiinis ako. At dinala ko sa loob ng kwarto ko dahil baka makita ako ni tanda na umiinum. Maraming stock ng beer ang amo ko dahil everyweek siya nagpapadeliver. Adik rin yun sa alak bukod sa kape. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay kaagad akong naupo sa kama at uminum ng beer. Napangiwi pa ako dahil sa lasa ng beer. Pero masarap naman dahil subrang lamig. Nainum naman ako pero gin bilog ang iniinum namin ni Betty sa probinsiya. Namiss ko tuloy kainuman ang babaeng yun, kapag nakauwe ako samin ay magwawalwal talaga kami. Marami na akong pambili ngayun ng dahil may trabaho na ako. Hindi katulad noon isang bote o dalawa ayus na. Kaya pag-uwe ko ay magpapainum ako sa mga tropa. Uminum ako habang naiinis parin sa amo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD