Neneng o8

2013 Words
--- NALASING AKO KINABUKASAN KAYA TINANGHALI AKO NG GISING. Ang sama tuloy ng mukha ng amo ko habang nakatingin sakin at salubong ang kilay. Para na niya akong lalapain ng mga oras na iyon. Magpapalapa naman ako hehe char. Alas syete na kasi ng umaga, pero wala pa akong lutong almusal kaya masama ang mukha ng amo ko. Palagi na lang mainit ang ulo, akala mo palagng may regla. Mabuti na lang hindi napapanot char. Ang gwapo parin niya kahit nagagalit siya. Ang buhok ko naman ay sabog sabog pa dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi na ako nakapagsuklay. Pati nga paghihilamos at pagsesepilyo ay hindi pa dahil sa pagmamadali ko. At magluluto na sana ako ng dumating naman ang boss ko kaya nakita niyang wala pang nakahain sa hapagkainan. " What wrong, neneng? Bakit tanghali kana nagising? Alam mong may pasok ako ngayun diba?" Tanong niya sa galit na boses habang salubong ang mga kilay. Sarap tusukin ng mga mata niya tsk. Ang aga aga galit agad hmp. Hindi naman ako makasagot, alangan tusukin ko ang mga mata niya diba? Saka alangan namang sabihin kung nalasing ako kagabi kaya tinanghali ako ng gising. Baka maging hulk si sir Julio kapag nalaman niyang ginalaw ko ang mga alak niya kagabi. Nakarami pa naman ako dahil nasarapan ako sa alak at namiss kung uminum. " Sorry po sir." Nakayuko ang ulong sambit ko. Mukha lang ako mataray pero tiklop 'din ako sa amo ko at baka mawalan ako ng trabaho. Narinig kung mabigat na napabuntong ang amo ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko ang ulo ko. Kasalanan ko naman kung bakit nagagalit siya sakin ngayun kaya tumingin ako sa amo ko habang inaayus ang buhok ko. " Magluluto na lang-" " No." Sansala niya sa sabihin ko habang nakatingin ang seryuso niyang mukha sakin. " Sa office na lang ako kakain. Ayaw ko ng ma-ulet ito, naiintindihan mo ba?" Aniya sa mariin na boses. " Opo." Sagot ko. Muli ay napabuntong hininga si Julio habang nakatitig sakin ng matiim at walang emosiyon ang mukha nito. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sakin. Ano bang problema niya? " Ayusin mo ang buhok mo, ang gulo gulo." Kapagkuwan ay utos niya sakin kasabay ng pagtalikod at umalis. Napa-kagat naman ako sa labi habang habol ng tanaw ang amo ko. Naguiguilty ako dahil 'di ko siya naipagluto ng almusal ngayun. Baliw ka kasi ey, naglasing kapa kagabi. Ayan tuloy nagalit. Inis kung sisi sa sarili ko. Maya-maya'y dali dali akong kumilos at lumapit sa may ref. Gagawa kona lang siya ng sandwich para may pagkain siya pagdating ng office. Dalawa ang ginawa ko para may extra si sir Julio. Sana talaga ay hindi na siya magalit sakin kasi nalulungkot ako. Malamig na nga ang pakikitungo niya tapos nagagalit pa siya sakin. Hindi ko naman sinasadya ey. Nang magawa kona ang sandwich ay nagtimpla naman ako ng kape at nilagay sa tambler para hindi agad lumamig. Para may almusal siya pagdating sa office at hindi magutom ang amo ko. Nilagay kona sa maliit na bag ang sandwich at tambler para maibigay kona kay sir Julio. Lumabas na ako sa kusina saka inantay si sir Julio sa labas ng mansion at maibigay na ang ipapabaon ko kay sir Julio. Hindi naman ako nag-antay ng matagal at dumating agad ang amo ko. Nagulat pa nga ito ng makita ako sa labas ng mansion. " What?" Inabot ko naman kay sir Julio ang maliit na bag. " Baon niyo po sir. Pasensiya na po kung hindi ako nakapagluto, nalasing po kasi ako kagabi." Kagat labing sabi ko habang 'di makatingin sa amo ko. " Why? May problema kaba?" Anang ni sir Julio. Akala ko ay magagalit siya sakin kasi uminum ako. Tumingin ako sa amo ko saka tumitig dito kahit bumibilis na naman ang t***k ng puso ko at kumakabog. " Wala po. Tamang trip lang po, namiss ko po kasi uminum." Sagot ko sa aking amo. Huminga ng malalim si sir Julio habang nakatingin sakin ng matiim. " Next time. Kung mag-iinum ka ay siguraduhin mong kaya mong gumising ng maaga. Palalagpasin ko 'to ngayun, pero sa susunod." Tumigil sa pagsasalita si sir Julio at tumitig sa mga mata ko. May nakita akong emosiyon sa mga mata niya pero hindi ko alam kung ano 'yun. " Alis na ako." Paalam ni sir Julio at lumakad na patungo sa kotse niya. Nasundan kona lang ng tingin ang amo ko habang nakasakay sa kotse nito. Pumasok na lang ako sa loob ng mansion para magsimula ng magtrabaho. Panigurado ay maghapon ako nito maglilinis dahil ngayun lang ako nagsimula. Pero ayus lang dahil mahaba naman ang tulog ko ngayun at kahapon. --- PAGOD NA PAGOD AKO DAHIL MAGHAPON akong naglinis ng buong mansion kaya naman hapon na ako natapos. Wala akong kain simula kanina kaya gutom na gutom rin ako. Para tuloy akong timawa ngayun dahil sa subrang gutom. Ang dami kung kinain ngayun, palagi na lang ako nalilipasan ng kain. Hindi na ako magugulat kapag nagkasakit ako ng ulcer. Ang laki naman kasi ng bahay tapos mag-isa lang ako diba? Malaki nga ang sahod ko malungkot naman. Palagi na lang ako naiiwan sa bahay mag-isa. Tapos wala kapang makausap kundi ang sarili ko lang. Kung nandito lang siguro si Betty ang saya at maingay ang mansion dahil maingay ang babaeng 'yun. Namimiss kona tuloy sila. Kahit palagi kami nagkakausap sa phone ay 'di sapat kasi malungkot parin. Iba parin kapag kasama at nakikita mo sila sa personal. Hindi puro sa cellphone lang, pero dahil may trabaho ako dito sa manila ay hindi ako makauwe samin. Ang lungkot lang, tapos ang amo ko ang sungit sungit pa hmp. Nang matapos kumain ay lumabas ako ng mansion at naglakad lakad. Hindi ko pa ito nagagawa simula ng pumasok ako dito. Hindi ko pa nalilibot ang lugar na ito dahil palagi ako nasa mansion at hindi lumalabas. Actually ay maganda ang lugar na ito dahil maraming naglalakihan na mansion. Hindi ko lang maapreciate dahil palagi ako nagmamadali pero ngayun ay naapreciate kona. Grabe ang laki ng mga mansion. Bawat mansion ay may kanya kanyang gate kaya hindi makita ang loob. Pero masasabi kung maganda ang nasa loob dahil labas palang ay maganda na. Kapagkuwan ay napahinto ako sa paglalakad ng makita kung bumukas ang gate na kulay itim dahil binuksan ng katulong. May lumabas na magarang sasakyan pero hindi ko makita ang loob dahil tinted ang salamin. Lumapit ako kay ate at nakipag mismis habang sinasara ang malaking gate. " Hi ate." Tila nagulat naman ang babae ng lumapit ako at lumingon sakin. Pero ngumiti naman siya sakin, mukhang mabait si ate at medyo may edad siya. " Hello, ineng. May paglilingkod ba ako sayo?" Tanong ni ate. Maluwang naman akong ngumiti sa babae. " Wala po, ate. Nakikimarites lang po ako. Actually diyan po ako nagtatrabaho sa kabilang bahay." Turo ko sa bahay ni sir Julio. " Katulong ka?" Tila hindi naman makapaniwala si ate na katulong lang ako sa kabilang bahay. Bakit naman? " Opo, bakit po?" Taka kung tanong kay ate. " Akala ko kasi asawa ka ng nakatira diyan." Nahampas ko tuloy si ate sa balikat dahil sa sinabi niya. Feeling close lang hehe. " Hindi po, matanda na ang amo ko ey. Atsaka papatusin ba ako no'n, katulong lang ako." Aniya na kumibot kibot ang labi ko. " Bakit maganda ka naman ah?" Puri ni ate kaya ngiting ngiti naman ako. May tama si ate, maganda talaga ako. " Salamat po." " Hindi kaba natatakot kasi dalawa lang kayo diyan?" Kapagkuwan ay tanong niya pa sakin. Mukhang mas marites pa sakin si ate. Umiling naman ako sa babae. " Hindi po, mabait po ang amo ko." Pagtatanggol ko. Hindi ko pwede na may nangyare samin ng amo ko baka ikalat niya. " Mabuti naman kung gano'n." Parang nakahinga naman si ate sa nalaman. " Ang ganda mo pa naman tapos seksi." Dagdag pa niya. Puring puri ako ngayun. Mukhang naiinggit si ate dahil seksi ako. " Salamat po, ate. Pero wag kang mag-alala dahil mabait po ang amo ko." Hindi na nga ako pinapansin ng matanda na 'yun ey, hmp. Maya-maya'y nagpaalam na si ate ng may tumawag sa kanyang babae. " Sige, tinatawag na ako, bye." " Okey po." Napahugot ako ng hininga habang nakatingin sa kawalan. Ang hirap makipag-mismis sa mga katulong kapag matataas ang mga gate tapos hindi pa kita ang nasa loob. " Ang lungkot naman." Nakasimangot na bulong ko saka naglakad ulet baka may makita pa akong tao sa kalsada. Kaya lang wala akong nakitang mga katulong sa labas habang naglalakad ako. Malinis ang daan at walang katao tao. Sa subrang tahimik parang ghost town na ang lugar dahil nasa kanya kanyang bahay ang mga tao. Nakarating ako sa may gate at lumabas. Hindi ko alam kung saan ako patungo hanggang sa tumawid ako sa kabilang kalsada. May nakita kasi akong 7/11 kaya pumunta ako do'n at tumambay sa labas. Wala akong dalang pera kaya sa labas lang ako tumambay. Ang tanging dala ko lang ay ang cellphone ko. Napangiti ako ng maalala kung may camera pala ang isa kung phone kaya kinuha ko at nagpicture picture ako hanggang sa may lumapit sakin na mga kalalakihan. Unang tingin ko palang sa mga lalake ay mukhang sanggano at mukha pang adik. " Bakit?" Mataray kung tanong sabay tago ng cellphone ko at baka nakawin nila. Ngumisi ang isang lalake. Sayang pogi sana kaya lang ang laki ng mata. " Anong pangalan mo? May inaantay kaba?" Tanong niya sakin habang ibang kasama niya ay nakatingin lang sakin. Mukhang bataan niya ang mga ito. " Hindi, tumatambay lang ako. Pwede ba, umalis na kayo." Pagtataray ko pa para umalis na sila. Wala akong time sa kanila kahit pogi si Kuya. " Ang taray naman ni ate. Porket maganda lang." Wika ng isang lalake na maliit. " Hindi ko kasi kayo kilala." " Kaya nga nakikipagkilala." Sabi ng isa pang lalake. " Wala akong panahon sainyo. Kaya pwede ba?" Tinignan kona sila ng masama. " Wala ka pala Kevin. Akala ko ba malakas ka sa mga babae." Ani pa ng isang lalake na may bigote. " Kalma lang kasi kayo." Nakangising sabi ng lalake na akala mo talaga ay makukuha niya ako. Ayaw ko pa naman sa lahat ng lalake ay hambog, nakakairita. Kagaya ng lalaking nasa harapan ko. Akala mo subrang gwapo na niya kung makaangas. Hindi naman ako nakakaramdam ng kaba sa mga lalake dahil maaga pa naman. Pwede akong sumigaw if ever na may gawin sila sakin na masama. Kapagkuwan ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko para makalayo na ako sa kanila pero hinarangan ako ng lalaki na ang pangalan ay Kevin. " Ano ba!" Galit kung singhal sa lalake dahil hinarangan niya ako. " Chill. Wala naman akong gagawin sayo." Wika pa niya sa mayabang na tono. Napabuga naman ako ng hininga saka tinignan siya ng masama at mataray na nagsalita. " Ano bang feeling mo gwapo ka? Hindi lahat ng babae ay mahohook sayo. Ang laki na nga ng mga mata mo tapos kung makaangas ka akala mo gwapo kana? Duh!" Nakita kung sumama ang mukha ng lalake at nagtagis ang bagang dahil sa mga sinabi ko. At mas lalo pang nagalit ng asarin siya ng mga kasama niya. Mabilis naman akong naglakad patungo sa tawiran dahil baka bigla akong sapakin ng lalake sa subrang pagkapahiya. Bagay lang sakanya 'yun, ang yabang kasi ey. Nang makatawid ay nilingon ko sila at nakita kung nakatingin sila sakin. Masama parin ang mukha ng lalaking tinawag kung malake ang mata. Mukhang hindi niya matanggap na malaki ang mga mata niya. Kung hindi lang siguro siya mayabang baka pinansin kona siya. Kaya lang naiirita ako sa mga mayayabang na katulad niya. Sa amin nga hindi ko pinapansin ang mga mayayabang dahil nasusuka ako. Tipong hindi kana nga kagandahan na lalake ay mayabang kapa? Nakakasura diba? Umuwe na lang ako sa mansion at nagkulong sa loob ng kwarto saka nanuod ng TV.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD