C10 TAHIMIK na pumasok si Heart sa kwarto nila at dumiretso siya sa walk-in closet. Ramdam niya ang paghabol ng titig ni Lux sa kanya pero nag-iipon lang siya ng lakas ng loob na magtanong. She's getting herself ready to hear his words and answers to all the questions she will fire at him. Sana, magsabi ito ng totoo. Ang tanong, handa ba siyang marinig ang totoo kung sakaling masakit iyon? Pumasok siya sa banyo para maligo na muna. Paglabas niya ay may nakahandang pagkain sa bedside table. Nilapitan niya iyon at tahimik siyang kumain. Kinuha rin ni Lux ang isang plato sa tray at kumain din ito habang nakaupo naman sa kama. Wala silang imikan na dalawa hanggang sa matapos siya. Kinuha niya ang mga pinagkainan nila. "Ako na," anito pero nagpatuloy lang siya at lumabas ng kwarto. Pagdat

