C9 MABILIS na sumunod si Heart kay Vandros sa loob ng opisina, ora mismo nang lumayas si Silvana. She stepped inside, acting so casual but her heart was roaring. "Anong kailangan ni Ella?" Tanong niya sa lalaki. Ayaw niyang magmukhang nakikialam sa negosyo ni Lux pero hindi naman siya nakikialam. Gusto lang niyang malaman kung anong kailangan ng babae. Ayaw niyang ma-praning pero hindi niya maiwasan lalo na at maganda si Ella. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya pero dahil sa narinig niyang sinabi ni Silvana, bumalik ang lahat ng nangyari noon. "Humingi lang ng tulong para raw sa pantubos ng palayan na mareremata na." "At anong tulong ang makukuha niya?" Masungit na tanong niya rito kaya napaawang ang labi nito. "'Wag mo akong ngangahan, sir Vandros. Sinasabi ko sa'yo!"

