C22 MATIIM na pinagmamasdan ni Heart si Lux habang naglalagay siya ng mga hotdogs at Kebab na inihaw sa lalagyan. She's done. Marahan siyang naglakad papunta sa may asawang nasa may di kalayuan, may kausap sa smartphone. Sa pagkaselosa niya na kahit trabaho naman ang inaatupag nito, babae pa rin ang nasa isip niya. It's not that she doesn't trust him. She's just afraid of some girls who want to catch Lux's attention. Hindi naman kasi siya bulag. Nakikita niya na nagma-magnet si Lux ng mga kababaihan kahit saan. Tanggap naman niya yun dahil magandang lalaki naman ang asawa niya. Isa pa, may respeto naman ito sa kanya na hindi tumitingin sa iba lalo na kapag magkasama silang dalawa. Subukan nito na tumingin at hahampasin niya ito sa mata. Pero ngayon ay parang malungkot ito at may dina

