C23 LUMABAS si Heart sa tent matapos niyang ayusin si Lush. Tulog na ang anak at ngayon ay papunta na siya sa asawa na nakaupo, nakatingin agad sa kanya. Nakailang sigarilyo na ito mula kanina at alam niya ang mga ganung kilos ni Lux. Hindi naman ito pala-sigarilyo. Minsan nga ay lumilipas ang ilang araw na hindi niya ito nakikitang humihithit ng ganun, pero mula pa kanina ay parang nakakatatlo na ito. Matindi ang nararamdaman nito. Ngumiti siya rito at ito ay ngumiti nang kaunti sa kanya. Sa halip na maupo siya sa tabi nito ay naupo siya sa mismong kandungan nito. Agad naman itong yumakap sa balakang niya. "Ano na? Kaya pa ba?" Natatawang biro niya pero siya man ay natakot sa sasabihin nito. Baka huling tawa na niya iyon sa gabing iyon kung sakali. May kinuha ito sa bulsa ng suot

