C17 "SAAN ka na?" Heart asked him when they reached the door of her room. Nakatingin ito sa kanya, nakatingala pala. "To the office, of course. Saan pa ba pupunta ang pogi mong asawa?" Ngisi niya rito pero sa loob niya ay nag-aalala siya na sobra. Baka magpatuloy ang pambu-bully dito ng mga kaklase nito. "Paano mo nakilala ang mga kaklase ko?" She asked again, wondering. "Sino? Si Celeste Madrigal, Anelyn dela Peña, Joan Dondonilla at Jessica Hernandez? Pom-pom girls, they call themselves? Sila ang mga tinik sa buhay mo kaya ka nai-stress. I'll eliminate them." Nanlaki ang mga mata ni Heart sa kanya, "Eliminate? Susko. Hayaan mo na sila," Anito sa kanya pero mukhang ayaw niyang pumayag sa ganun. Umiling siya. Hindi pwedeng hayaan dahil uulit-ulitin ng mga yun ang ginagawa. "Lux…" s

