C18 KAMPANTE si Heart na lumabas ng classroom pagkatapos ng kanyang exam. Alam niya na kung hindi niya perfect ang mga iyon ay close to perfect siya. She still did her best despite the rule her instructor had given her. Nakabitin man ang kanyang marka sa exam, hindi siya pinanghinaan ng loob na gawin ang kanyang abot ng makakaya para mataas ang makuhang iskor. Isa na naman lang iyong pagsubok, alam niya. At hindi siya matatalo nun. "Punta na ako sa Guidance, Jeck," paalam niya sa kaibigan, na kaagad naman na tumango. "Ingat, Ate Heart. Good luck." "Salamat," aniya saka naglakad papaalis, hindi pinansin ang ibang mga kaklase. Ang mga dating kaibigan ay bilang nawala dahil lang sa isang balita tungkol sa kanya. It's so sad. Dahil lang sa pagiging isang kabit niya, nilayuan siya ng lah

