C27 KUMUKURAP-KURAP si Lush na nakatingin sa ina. Walang humpay ang pagsubo niya ng ice cream habang umiiyak. Si Lush naman ay pahid nang pahid sa luha niya sa pisngi kaya ngumingiti siya sa effort ng kanyang anak. "Don't try," anito sa kanya, "Lab itaw ni Daddy. Hindi siya lalapit sa manang." "Ano lang ginawa niya?" "The bata was not well. He was like dit," anito saka parang umakto na nahihirapan sa paghinga. Tumango siya. May hika siguro ang bata at nakaramdam siya ng awa. Ayos naman siya kaya lang hindi talaga mawala sa kanya ang isipin na magkakamabutihan ang dalawa ni Silvana at Lux dahil sa anak. "Madami pa ikaw di alam, anak. Baby ka pa na sobra." "Hindi tayo alis?" Umiling siya rito at natawa. Kahit na ito ay nahawa na ang pagiging matatakutin ni Lux tungkol sa pag-alis.

