C26 LUNCH DATE spotted. Iyon ang umagaw sa atensyon ni Lux habang siya ay nag-i-scroll sa G site. He scrolled up again when he saw a pic but passed through it, and the pic was kind of familiar to him. Galing iyon sa isang vlogger, content creator, journalist na si Trojan War. Isa iyong transgender sa pagkakaalam niya. Sikat ang bakla sa mga sites dahil magaling iyong content creator. Pinanonood iyon ng mga emplayado niya sa opisina kaya naging pamilyar din sa kanya dahil laman ng mga usapan kapag coffee break. Napakunot noo siya at inilapit ang screen sa mga mata niya. Laman ng utak niya si Silvana at ang batang si Delight hanggang sa mga sandaling iyon. Kumain sila ng ice cream, magkahiwalay ng mesa. Sa kabilang side dinala ni Silvana ang bata at sila naman ni Lush ay nasa kabila kuma

