C25 DINALA ni Lux ang anak sa isang ice cream parlor matapos nilang maglaro ng basketball. Request iyon ng bata kaya naman sinunod niya para mas lalong sumaya. "Daddy, why dat Mommy keep on going to school?" Tanong ni Lush sa kanya habang pumipili sila ng ice cream sa lalagyan. "Because her school isn't finished yet." "Dusto ko na kasi punta kay Owa at Owo." "We'll go there. Don't worry. Pupunta tayong tatlo nina Mommy." "Pramit?" "Opo, promise ni Daddy." Nag-highfive silang mag-ama pero napukaw ang atensyon niya ng isang bata na tumakbo, at itinulak ang freezer kaya umuga. "Putang…! Kaya mo bang bayaran ito kapag nabasag?" Galit na singhal ng tindero sa bata na tantya niya ay sing edad ni Lush. Nakita niya ang pagkurap nun at parang natakot sa lalaki. Si Lush ay napahawak sa sho

