Chapter 27

2707 Words
SI Boa na nakaupo sa isang bangko sa hardin ng umagang iyon ay itinaas ang ulo upang tingnan si Mela na paparating sa hardin at narinig niyang bumubulong bulong pa ito habang napapanguso. “Hi, Mela.” “Oh Boa, magandang umaga. Anong ginagawa mo dito?” “Magandang umaga din. Heto pahinga ko si Anton muna ang nasa CCTV area. Ang aliwalas ng panahon ngayong umaga ano.” “Kaya nga.” Umupo ito sa tabi niya. “Mukhang asar na asar ka kanina? Anong nangyari at bumubulong bulong ka habang papalapit ka rito?” Napabuntong-hininga naman si Mela. “Naiinis lang ako sa nakita ko kanina sa dining area. And to be honest ayoko sa dalawang babae na kamakailan lang ay dumating dito sa bahay ni master Venom.” “Dalawang babae? Sino sa dalawa?” “Hindi ba sinabi sayo ni Marcel kung sino ang mga dumating dito noong nakaraang dalawang buwan at noong isang araw? siguro naman nakikita mo naman iyon sa CCTV na hinahawakan mo?” “Yeah kilala ko ang mga tinutukoy mo, at sinabi rin sa akin ni Marcel ang tungkol sa isang yaya ni miss Amalie at saka iyong tita ni Miss Amalie, so sila ba ang tinutukoy mo?” “Oh, kilala mo 'yong babae?” “Sino? Iyong yaya?” “Hindi. Si Miss Chiara.” “Of course kilala ko siya, seven years na akong nagtatrabaho dito remember? kaya naabutan ko iyon.” “Oo nga pala so naabutan mo na iyong si Miss Chiara noon dito? Ano ba ang kwento sa kanya?” usisa ni Mela. Umiling si Boa. “Naku Mela wala ako sa posisyong para ikwento iyon sorry!” Naiintindihan ko.” Sabi naman ni Mela at ngumiti. “Pero naiintindihan ko kung bakit ayaw mo kay Miss Chiara. Dahil masama talaga ang ugali niyon at ang arte pa. Pero iyong sa yaya ni Miss Amalie, bakit ayaw mo rin sa kanya?” “Naku sobrang nakakainis din siya, alam ko naman na pakitang tao lang din siya tulad ng mga naunang yaya ni miss Amalie.” “Wee! sa tingin ko naman ay mabait naman si Miss Nanami at hindi talaga siyang plastik na tao.” “Kita ko naman, pero medyo matalas din ang dila ni Miss Nanami, iyon lang ang ayaw ko sa kanya!” sabi naman ni Mela at napabuntong hininga ulit. Isang komportableng katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Huminga ng malalim si Mela at mas lumawak ang ngiti sa kanyang mukha. “Sabagay tama ka.” “Tungkol Saan?” “Tungkol sa yaya ni Miss Amalie!” “Nakikita ko naman na mabait siya, kaya lang ng makita ko kung paano sila magbangayan ni Miss Chiara, kaninang umaga ay nagdalawang isip ako kung pwede ko ba siyang maging kaibigan. Dahil si Miss Chiara nga na parti ng pamilya ni miss Amalie na dapat respetuhin ay nagagawang barahin niyon, paano pa ako na pareho lang kaming katulong!” “Kilala ko si Miss Chiara kaya naiintindihan ko si Miss Nanami sa pakikitungo niya sa babaeng iyon. Basta pakitaan mo lang siya kung paanong ugali ang ipinapakita niya sayo, malay mo magkaroon pa kayo ng pagkakataon na maging magkaibigan.” Payo naman ni Boa. Tumango tango naman si Mela at maya lang ay biglang humihip ang malamig na simoy ng hangin na nagpa indayog sa itim na buhok ni Mela mula sa likuran nito. Isang magandang ngiti ang nakaplaster pa rin sa kanyang magandang mukha. Dahan-dahang lumingon ito kay Boa at ngumiti ng malawak. “Ang ganda niya!“ mabilis namang inalis ni Boa ang iniisip niya kay Mela, ‘Fu*k, ano bang iniisip ko, lagot ako nito kay Marcel kapag nalaman nitong nagagandahan siya kay Mela sa babaeng mahal nito.’ “May problema ba?” tanong naman ni Mela ng mapansing nanahimik si Boa kaya nawala ang ngiti niya at napalitan ng pangungunot ng kanyang noo. “Ah? w-wala, wala naman, ahm! Kailangan ko na palang bumalik sa trabaho ko.“ Tumayo na siya at umatras ng kaunti. “Hindi parang may problema ka? ayos ka lang ba talaga?“ “O-Oo naman, okay lang ako. Naalala ko lang na may kailangan akong aasikasuhin, sige ba-bye na.“ Mabilis itong tumayo para tunguhin ang CCTV area. “Oh. Sige!“ tumango naman si Mela at ngumiti ulit. Tumalikod na si Boa at naglakad papalayo kay Mela. “Ano bang nangyayari sa akin?” sinampal niya ang kanyang sarili bago muling may binulong. “Boa, gumising ka may gusto na sa kanya si Marcel, kaya huwag mo iyong kalimutan dahil gulo lang ang mangyayari sa inyong tatlo.” Paalala nito sa kanyang sarili. “HUWAG mo akong tawaging ganyan.“ (“Bakit hindi? engaged pa rin tayo, remember?”) “Engaged kailan? Hindi tayo engaged baka nakakalimutan mo na ang ginagawa mo sa akin?” Ibinaba niya ang phone niya at tinitigan ang caller ID at saka ibinalik sa tenga niya ang phone niya. “At saka bakit mo ako tinatawagan sa number ng ni bruha I mean ni mommy Matilda?” (“Obviously kasi kasama ko siya.”) tila nagmamalaki pa ito. “Paano? Nasa Cebu ka at nasa Metro Manila naman si mommy Matilda sa bahay namin?” (“Kakauwi ko lang kahapon.”) “Ganyan ka na ba ka-desperado na pakasalan ako, matapos mong magloko. Ang kapal naman yata ng mukha mo!” Nanggigil na sigaw niya dito. (“Ilang beses na akong pumunta sa apartment mo kapag luluwas ako galing Cebu at ilang beses na kitang tinatawagan pero denideadma mo lang ako.”) Tila nagtatampo ito na may halong inis kaya lalong nanggigil si Nanami sa kausap. “Ang kapal talaga ng mukha mo matapos mong mangloko, sa tingin mo makikipag-ayos pa ako sayo? At may gana pa akong makita ka, In your dreams.” (“Makinig ka, nilapitan ko ang mommy Matilda mo dahil wala na akong ibang paraan para maka-usap ka, ito na lang. Gusto kong magkaayos ulit tayo at ituloy na natin ang balak nating magpakasal. Please give me another change alam kong mahal mo pa ako kaya please, sana makipagkita ka sa akin kahit isang beses lang para pag-usapan natin ang tungkol sa atin. Nagsisisi na ako na niloko kita promise!”) Mahabang lintaya nito. "Wala na tayong dapat pag-usapan at saka saan mo naman napulot ang ideya na mahal pa kita. Matapos mo akong ipagpalit sa Precillang iyon. Gag* ka, kayong dalawa ng higad kong ex best friend.” Gigil na sagot niya rito habang nakakuyom ng mahigpit ang kanyang kamao. (“But Nanami, nagsisisi na ako sa ginagawa ko sayo. Kaya patawarin mo na ako, narealize ko nitong mga nakalipas na limang taon na mas mahal pala kita kaysa kay Pre. . .) “Enough pwede ba tumigil ka na sa kahibangan mo. Wala na tayong dapat pag-usapan, maging masaya ka na lang sa pagkakamaling napili mo babu. 'Wag na 'wag ka ng magpapakita sa akin at saka purke kakampi mo ang bruhang iyan ay mapipilit mo akong makipagkita sayo at makipag-ayos. Ang kapal talaga ng mukha mong manloloko, go to hell! Oh kaya kayong dalawa ni mommy Matilda ang magpakasal tutal bagay naman kayo.” Agad na ibinaba ni Nanami ang tawag habang umiling iling at inis na itinapon ang cellphone sa kama. “Ang baliw na iyon, ginamit pa si mommy Matilda para kausapin ako. Anong akala niya na ganun pa rin ako kapatay na patay sa kanya. Sila na lang magsama ng bruhang madrasta ko.” Bulong niya habang nagngingitngit sa inis. Inis pa ring pinulot niya ang kanyang cellphone sa kama at saka siya tumayo at binuksan ang pinto ng kanyang silid para bumaba sa kusina at uminom ng tubig para kumalma ang kanyang pakiramdam. Ngunit nabungaran niya si Amalie sa may pintuan ng silid niya. “Hi ate Nanami pwede bang pumasok?” magalang naman na tanong nito sa kanya. “Anong kailangan mo?” tanong ni Nanami. Ikinaway ni Amalie ang hawak na bag nito sa kanyang harapan. “Maaari mo po ba akong tulungan sa aking assignment?” Pinakalma naman ni Nanami ang sarili at inalis ang inis na nararamdaman niya kanina bago niya binuksan ng malawak ang pinto para makapasok ang bata. “Pwede ka nang pumasok.” Ngumiti si Amalie at naglakad sa loob ng kanyang kwarto. “Salamat po!” Napaupo silang dalawa sa kama at inilabas ni Amalie ang kanyang mga gagawing assignment. “Anong subject ba ng takdang-aralin ang gagawin mo?” “Mathematics po!” “Mathematics pwedeng iba na lang, I hate math!” “Hindi ka po marunong mag-solve ng mga tanong sa math?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. “Oh bakit ganyan ang tingin mo sa akin?” “Talaga po bang ayaw mo akong turuan sa math? Mahina ka po ba sa math?” parang manghang-mangha ito sa sinabi niya kaya tumango naman si Nanami, ayaw talaga niya ang subject na math pasang awa lang siya sa subject na iyon pero sa ibang subject naman ay matataas ang kanyang score, sa math lang talaga siya dehado. “So ano pong gagawin ko ngayon? Same po kasi tayong ayaw ng math at medyo mahina rin po ako rito.” Napapangusong tanong ni Amalie kaya natuwa siya dito. “Sige Iwan mo na lang sa akin ang assignment mo. May kilala akong napakahusay sa math na subject.” “Talaga po?” “Oo!” nakangiting sabi ni Nanami at sigurado siya roon. “Pero po may tanong po pala ako sayo.” Biglang tanong nito sa kanya. “Ano iyon?” “Bakit hindi ka po pala magaling sa mathematics?” “Okay, I think you’re overstayed. Nalalaman mo tuloy kung gaano ako kab*bo. Kaya pwede ka ng lumabas.” Pagbibiro ni Nanami. Napangiti naman si Amalie. “Pero gusto pa rin po kita, kahit po di ka matalino sa math, dahil same tayong galit sa math.” Hagikhik ng bata at tumayo na ito at masayang lumabas ng kanyang silid. Napapangiti naman si Nanami sa sinabi ni Amalie at umiling iling kahit paano ay nabawasan ang inis na nararamdaman niya sa oras na iyon dahil sa kanyang alaga na sobrang cute at masayahin. HALOS BUONG araw nang wala sa bahay si Venom at ang kanyang mga tauhan, kasama si Marcel. Dahil busy ang mga ito at may importante raw ang mga itong lalakarin. Halos hindi rin umaalis si Chiara sa kanyang silid dahil wala naman si Venom, kaya nagkulong na lang siya sa silid niya pagkatapos ng almusal nila kanina. Habang si Amalie naman ay pagkatapos ng lunch nila ay nagkulong din ito sa silid dahil gusto raw nitong matulog ng mahaba haba. Si Nanami naman ay nasa kanyang silid lang matapos niyang mapakain si Amalie ng lunch at magawa na niya ang kanyang mga gawain. Sinusubukan niyang magsulat habang hindi pa na iisipan ng kanyang alaga na kulitin siya. Pero ilang oras na ang nakalipas ay wala pa rin siyang maisulat kahit isang chapter man lang. Humiga na lang si Nanami sa kanyang kama habang nakatingin sa kisame at binitiwan na ang kanyang laptop. Ilang minuto na siyang nakahiga nang magbeep ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at binasa ang text message ng isa sa matalik niyang kaibigan. (Danie: Eto na ang solusyon sa mga tanong sa assignment ng alaga mo.) Nanami: Salamat best the best ka talaga. (Danie: Naman, ikaw lang kasi ang bobo sa atin pagdating sa math.) Nanami: Hahaha oo na ako na ang bobo, kasalanan ko bang walang hilig sa akin ang math subject? (Danie: Iyan kasi tulog ng tulog kapag dinidiscuss na ang math; oh sige na. Ingat kar iyan.) Nanami: Okay kayo rin ingat din kayo lalong lalo na sa mga boyfriend niyo. Hindi na sumagot si Danie dahil naka-offline na ito. Kinuha niya ang notebook ng bata at lumabas ng kwarto niya matapos niyang makopya ang mga solusyon sa assignment nito. Tinungo niya ang silid ng bata at kumatok sa pinto ng silid nito ngunit walang sumasagot. Binuksan niya ang pinto at sinilip ang kanyang ulo at nakita niyang walang laman ang silid ni Amalie, pumasok pa siya roon para icheck ngunit wala talagang bakas na nandoon ang kanyang alaga. “What the hell? a-asan na ang batang iyon?” nababahalang bulog nito sa sarili. Tinignan niya ang sala, dining room, kusina, sa labas, sa garden at maging sa mga maids quarter pero wala doon si Amalie. “Asan na naman ba ang batang iyon, inulit na naman ba niya?” nanginginig si manang Eve habang tumingin sa paligid kasama ang ilan pang maids at guards kasama siya dahil nagpatulong na siya sa mga ito. “Bakit manang may nangyari na bang ganito dati na bigla na lang nawawala si Amalie?” tanong ni Nanami habang nakakunot ang noo. “Oo. Kailangan natin siyang hanapin ng maigi bago bumalik si Venom, kung hindi ay malalagot tayong lahat at makakatikim ng galit ni Venom.” Nanginginig na sabi ni Manang Eve sa kanya. Nag-alala na rin siya dahil sabi nito ay matutulog lang ito kaya hindi na niya ito inisturbo kanina pagkatapos nilang mananghalian kanina. “Hanapin n'yo lang si Amalie rito manang aakyat lang ako sa taas.” Nagmamadaling sabi ni Nanami at hindi na pinakinggan ang sinasabi ni manang sa kanya. Pagkarating niya sa taas ay hinanap niya ito doon binuksan niya ang lahat ng silid na naroon, pero wala roon ang kanyang alaga. Pumunta rin siya sa opisina ni Venom ngunit wala rin doon ang bata. Binuksan niya ang isa pang pinto na nandoon sa opisina at ito pala ay isa pang silid na naka-konekta sa opisina ni Venom. Aalis na sana si Nanami roon, dahil hindi rin niya nakita si Amalie nang mapansin niya ang paggalaw sa ibabaw ng kama sa makapal na duvet na nakatakip doon. “Amalie ikaw ba iyan?” nagmamadali siyang lumapit sa kama at nandoon nga ang bata. “Anong ginagawa mo rito?” Umupo ng tuwid si Amalie at pupungas pungas na nagsalita. “Natutulog po!” “Bakit dito ka natutulog? Alam mo bang lahat kami ay nag-aaalang hinahanap ka at akala namin ay nawawala ka na.” Inis na may halong pag-alalang tanong ni Nanami. “Sorry po, hindi po kasi ako makatulog sa silid ko. Masakit po ang ulo ko at kailangan ko ng kaunting ginhawa. Ang pabango ni mommy ang hinahanap hanap ko kapag hindi po ako makatulog ng ayos kaya itong lihim pong silid ni Daddy ang madalas kong hinihigaan sa tuwing ‘di po ako makatulog ng ayos.” Mahaba namang paliwanag nito sa kanya habang may malungkot na mga mata. “Ah I see! So, nawala na ba ang sakit ng ulo mo?“ tanong ni Nanami na dahan-dahang umupo sa kama. “Hindi pa po pero mas okay na po ako kaysa kanina.” “Sana sinabi mong masakit ang ulo mo sa akin or kay manang Eve. Para nabigyan ka ng tamang gamot. Gamot kasi ang kailangan mo at hindi ang pabango ng mommy mo.” “Eww, ayaw ko po kasi ng gamot ate Nanami.” Napahilamos ng mukha si Amalie. Tumawa naman si Nanami at tumango bilang pagsang-ayon. “Ako rin.“ Inilapag niya ang notebook ng bata sa kama. “Heto na pala ang assignment mo, may sagot na iyan.” “Talaga po!” masayang sabi naman ni Amalie. “Wow. Thank you Ate Nanami!” “Ahm, kanino nga palang silid itong pinuntahan mo?” tanong ni Nanami habang sinisimulan niyang imasahe ang ulo ni Amalie para mabawasan ang sakit ng ulo nito. “Kina mommy at daddy po, noong buhay pa si Mommy, dito sila natutulog noon.” Napapapikit na sagot ng bata dahil nasasarapan ito sa paghilot niya. “Talaga, maganda ang silid gusto ko ang ambiance nito maaliwalas.” Sabi naman niya dito. Ngumiti naman si Amalie habang nakapikit na ang mga mata at ilang segundo lang ay nakatulog na ito. Ipinagpatuloy ni Nanami ang pagmamasahe sa ulo ni Amalie hanggang sa hindi nito namalayan na nakatulog na din pala siya katabi ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD