“LONG time no see, Mr. Borromeo!” Napangisi si Hernandez.
“I didn't know you missed me that much to the point of asking your men to come to get me from the airport.”
“Kung ako sayo ay pipiliin kong mabuti ang aking mga sasabihin.” Sabi naman ni Marcel.
Humalakhak naman si Hernandez at umiling-iling.
“Nakikita kong isa ka pa ring tapat na aso, Marcel sa amo mong tigre,” sabi naman ni Hernandez na may pang uuyam sa mukha.
“Anong sinabi mo? Say it again and i will kill you!” sabi naman ni Marcel na nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata.
Tumawa si Hernandez dahil malalim ang epekto ng kanyang mga salita kay Marcel. At ano ang gagawin mo, tuta?” nang uuyam na hamon nito.
“Ikaw!” sambit ni Marcel at akmang sasakalin ito ng pigilan ito ni Venom.
“Step back, Marcel.” Sabi ni Venom sa madilim ang mukha at pinipigilan ang kanang kamay ni Marcel sa anumang gagawin nito.
Napayuko si Marcel. Ginawa niya ang sinabi sa kanya ni Venom at tumayo sa likod ng kanyang amo, kaya grabi ang pilyong ngiti sa labi ng lalaki nang parang asong bahag ang buntot ang kanang kamay ni Venom na sumunod dito.
Naglabas si Venom ng isang pakete ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at naglabas ng isang stick at sinindihan ito at bumuga ng usok sa hangin.
“At nakikita kong para ka na ring asong gala na pinagtaksilan ng iyong amo at itinapon na lang sa lansangan.” Balik na pang iinsulto nito sa lalaki kaya naikuyom ng mahigpit ni Hernandez ang kanyang kamao.
“Hinding-hindi ko ipagkakanulo si Dee, tandaan mo iyan.”
Humithit si Venom ng mas maraming usok sa sigarilyo at ibinuga iyon sa mukha ng lalaki. “Ganoon ba? Ibig sabihin alam mo kung nasaan siya?” pinisil ni Venom ang panga ng lalaki at saka ngumisi.
Napangisi rin si Hernandez. “I knew you brought me here for this. But guess what, sinayang mo lang ang oras at effort mo dahil wala akong sasabihin sayo.” Matigas ang mukhang tumingin kay Venom.
“Sige, kung iyan ang gusto mo hindi kita pipilitin.” At umatras si Venom.
Tumalikod na siya sa lalaki matapos apakan ang sigarilyong malapit ng maubos at hinarap ni Venom si Marcel.
“Ito na ang pagkakataon mo. Gawin mo ang lahat ng gusto mo sa kanya hanggang sa magsalita siya.” Umalis na siya roon sa malaking bodega na nakahiwalay sa mansyon kung saan nakatira si Venom.
Pero kahit magsisigaw ito roon ay walang makakarinig doon na kahit sino dahil bukod sa medyo may kalayuan ito sa mansyon niya ay sound proof pa ang buong bodega, kaya walang makakarinig sa ingay ng sinumang tao nasa loob niyon.
“Magiging masaya ang gagawin natin ngayon, Hernandez kaya ihanda mo na ang sarili mo.” Sabay sabi naman ni Marcel na nakangiti na at sinimulan na nitong pahirapan ang lalaki.
Sinimulan ni Marcel na basagin ang mukha ng lalaki sa pamamagitan ng pagsuntok dito nang paulit ulit habang may madilim na ngiti sa mukha ni Marcel ng makaalis ang kanyang master.
“SALAMAT sa pagkain manang.” Sabi ni Rodel sa kasambahay na naglalabas ng maruruming pinggan sa kusina.
Napataas naman ang kilay si Matilda ng marinig ang sinabi ng asawa, “Ano ang silbi ng pagpapasalamat sa kanila? Trabaho naman nila iyon eh.” Mataray na tanong ni Matilda sa asawa.
“Bakit hindi, dapat lagi tayong nagpapasalamat sa lahat ng tao na nakakatulong sa atin.”
Lumabas na ang mga kasambahay sa dining room at naiwan ang mag-asawa.
“Ugh, what ever!” iniirap naman ni Matilda ang kanyang mga mata sa ere dahil sa sinabi ng kanyang asawa bago muling nagsalita.
“May kailangan tayong pag-usapan.”
“Ano naman iyon?”
“Tungkol ito sa relasyon ng anak mo kay Adrian.”
“Nakausap mo na ba si Nanami, tungkol diyan?”
“Bakit ko pa siya kakausapin. Saka nagsisisi na si Adrian sa ginawa nito kay Nanami, ano pa bang dapat kong malaman. Sadyang matigas lang talaga ang puso anak mo kaya ayaw niyang kausapin ang fiance nito, sabay ’di na ako magtataka ako nga ni hindi niya matanggap bilang ina niya!” nakasimangot na saad nito.
“Kasalanan mo naman kaya ganoon na lang siya na sayo. Saka anak ko siya at mas mahalaga siya akin at ang kanyang kapakanan kaysa sa anumang bagay.” Sagit naman nito bago uminom ng tubig.
“Pero mas mahalaga na makasal na ang anak mo, para naman mag stay na siya rito para naman makatulong na siya sa kompanya mo.”
“Ano bang problema mo? bakit ka nagsasalita ng ganyan?” hindi makapaniwalang saad ng asawa nitong si Rodel.
“Dahil hindi mo nga magawang pilitin ang anak mo na makauwi dito, kaya iyang kasal na lang ang alam kong paraan para mapilitan siyang magstay dito sa atin ayaw mo bang mangyari iyon.” Galit na sabi ni Matilda.
“Gusto ko pero mas gusto ko na uuwi siya dito dahil kusa siyang babalik dito ayon sa kagustuhan niya kaysa napipilitan lang siya sa lahat ng gusto mo. Kaya hindi ka niya matanggap tanggap bilang nanay niya dahil sa mga ipinapakita mong kontra sa kanya. Saka bakit ba atat na atat kang ipakasal si Nanami sa manlolokong iyon?” nagtitimpi sa galit na tanong naman ni Rodel sa asawa.
“Dahil ang mga kaibigan natin at karamihan sa mga maimpluwensyang tao na kilala ko ay inaasahan na ito. Alam mo ba kung gaanong nakahihiya kung malalaman nilang hindi na matutuloy ang kasal ng anak natin.
Kukutyain nila tayo at ang mas malala pa, baka makita nila tayo bilang isang katatawanan.” Galit na sabi nito sa kanya.
“So sa madaling salita, mas nag-aalala ka tungkol sa reputasyon at imahe mo, iyon ba? kaysa sa anak natin?” lalong hindi makapaniwalang sigaw nito.
“Reputasyon natin, hindi lang reputasyon ko Rodel.”
“Hindi talaga ako makapaniwala sa iyo na ganyan na talaga ang ugali mo noon pa man. Puro reputasyon iyang nasa isip mo kaya nga hindi ko masabi sabi sa anak natin na ikaw talaga ang tunay na ina ni Nanami, dahil sa nakaraan mo kaya nga mo ako noon niloko 'di ba!” galit na tumayo si Rodel at masama niyang tiningnan ang asawa.
“Alam mo kung ano ang mga pinagdaanan ko dahil sa tunay kong pagkatao hindi ba kaya nga nagawa kung ipamigay si Nanami sa inyong mag-asawa ng iwan mo ako noon. Dahil ayaw kong lumaki siya na isang kaladkarin ang kanyang tunay na ina niya. Dahil a-ayaw kong maranasan ni Nanami iyon.” Naiiyak na sabi ni Matilda at napuno na dahil sa katigasan ng asawa.
“Matilda!” nawala ang galit sa mga mata ng asawa.
“Ano?” galit pa ring sabi nito.
“Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo noon, pero alam ng Diyos kung gaano ko pinagsisihan na hindi kita napanindigan noon. Kaya nga hinanap kita ng mamatay si Stella, dahil gusto kong bumawi sayo at makilala ka ng anak natin, pero nagbago ka ng pakasalan na kita at ang masakit pa ay hinahayaan mong isipin ni Nanami na madrasta ka lang niya. Kahit ang totoo ikaw talaga ang tunay na ina niya at si Stella ang totoong madrasta niya. Kaya sana hinihiling ko sa iyo ng paulit-ulit na sana mawala na iyang galit mo sa akin at magpakatotoo ka na sa sarili mo lalong lalo na kay Nanami, anak mo siya honey, maiintindihan ka niya.”
PAGOD na pumasok si Venom sa silid nilang mag-asawa at hinubad ang kanyang suit at necktie. Tahimik siyang humikab at nagtungo sa banyo, ngunit saktong bubuksan na sana niya ang pinto ng banyo ng mahuli niya ang paggalaw mula sa kanyang kama.
Kung sino man ang nakahiga sa kama at nakatakip ang katawan mula sa ulo hanggang sa paa nito ay iisa lang ang maglalakas-loob na pumasok sa kanilang silid ng kanyang yumaong asawa, kaya napangiti siya.
Hinubad niya ang kanyang sando at itinira lang niya ang kanyang boxer short at inihagis iyon sa sopa. Isang ngiti ang nakaplaster sa kanyang mukha habang patungo sa kama.
“My princess!” mahina niyang tawag at hinalikan ang noo ng kanyang anak dahil iyon lang ang bukod tanging nakalabas dito.
“My princess?” tawag niya ulit at dahan-dahang tinanggal ang takip sa mukha nito.
Pero nanlaki bigla ang mga mata niya nang tumambad sa harapan niya ang mukha ng isang magandang babae.
“Ikaw!” sigaw niya sa gulat.
Napadilat naman ang mga mata ng babae ng makita nito kung sino ang umisturbo ng kanyang pagtulog.
“What the fvck are you doing in my room?”
Kaya mabilis na bumangon si Nanami sa kama.
“S-sir Venom?” gulat na rin saad ni Nanami.
“Sorry boss, nakatulog pala ako rito!” hinging paumanhin niya sa amo at tarantang napasandal sa dashboard ng kama.
“Aba’t talagang sinasagad mo ang pasensya kong babae ka, sino ang nagbigay sayo ng karapatang mahiga sa kama ng asawa ko?” Nag aapoy na sa galit si Venom dahil kalabisan na talaga ang mga pagkakamaling ginagawa ng babaeng ito sa bahay niya.
And God, he fvcking kissed her forehead. Sh*t, akala niya ay ang anak niya lang ang natutulog sa kama na iyon. Pero ang pakialamira pa lang yaya ng kanyang anak ang makikita niyang nakahiga.
“You, y-your a crossed the line off, kalabisan na ang pagiging pakialamera mo sa lahat ng bagay dito at ang panghihimasok mo sa privacy na pag-aari ko na walang pahintulot mula sa akin ay ang pinakamalaki mo nang kasalanang nagawa sa akin.” Mabilis na sabi nito ng mga katagang iyon.
Galit na talaga siya, I swear at gustong gusto na niyang tirisin ang babaeng nasa kanyang harapan.
Napakagat labi naman si Nanami at ilang segundong hindi nakaimik. Pero ng makabawi ay muli siyang nagsalita.
“W-wait teka lang, hindi mo naman kailangan sumigaw at magalit kung hindi mo naman alam ang totoo kung bakit ako napunta sa silid mo. Kaya hindi mo kailangan ma-high blood dahil hindi ko kagustuhan na mapunta sa silid mo okay! At saka kaya ako nandito dahil hinanap ko si Amalie na akala namin ay nawawala mabuti at nahanap ko siya dito!” Mahabang paliwanag ni Nanami at hinanap si Amalie sa kanyang tabi, ngunit wala na ito roon.
“I don't care, kung anong dahilan at kung iniimbento mo iyang palusot mo hindi iyan uubra sa akin ngayon. Dahil alam ko naman na ugali mong makialam kaya lumabas ka sa silid na ito at mag-impake kana because you're fired! Naiintindihan mo lumayas ka na kung ayaw mo pang mamatay dahil sagad na sagad na ako sa mga ginagawa mo!!” sigaw nito at hindi nakinig sa paliwanag ni Nanami.
“Iyan na naman, kailangan ba lagi mo akong takutin tuwing di ko sinasadyang magkamali? ang kamatayan ba talaga ay mukhang biro lamang sa iyo? But I'm not scared dahil sanay na ako sayo kung ayaw mo akong magpaliwanag oh edi huwag, at kung iyan ang ikakasaya mo na paalisin ako then fine aalis na ako,” balik sigaw ni Nanami kay Venom na hindi makahuma sa matalas at mabilis na pagsasalita nito.
“Pero bago ako aalis ito muna sayo pampabawi ko sa lahat ng pang-iinsulto at pananakit mo sa akin mula ng tumuntong ako sa bulok mong mansyon.” Sabi ni Nanami sabay sampal nito kay Venom.
Sa lakas niyon ay napabaling ang mukha ni Venom kaya sa isang kisap-mata ay nakatayo na ito malapit kay Nanami.
Wala pang babae ang sumampal sa kanya ng ganito kahit ang asawa niya pa, pero itong babae sa kanyang harapan ay nagawa siya nitong sampalin. Pero imbis na magalit ay tela natuwa pa ang puso niya ng dumapo ang palad ng dalaga sa kanyang mukha.
Habang si Nanami naman ay napapakagat labi at tila natauhan sa ginawa nito sa lalaki. Dahil sa totoo lang ay kinakabahan din siya ng sampalin niya ito kanina.
Pero dahil paaalisin na rin naman siya nito ay mabuti na iyong nakabawi siya sa mga ginawa nito sa kanya lalo na ng ikulong siya sa isang kulungan na nagpabalik ng kanyang bangungot.
Hahawakan sana siya ni Venom sa braso para ilabas ito doon at sa silid nilang mag-asawa nang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas si Amalie at napatingin sa kanila at sa kamay ng kanyang daddy na nakahawak sa braso ng kanyang yaya.
“Daddy, anong gagawin mo?” saad ni Amalie.
Ikinaway naman ni Venom ang kanyang kamay sa ere na parang humahabol ng isang lamok.
“Ako wala naman hinahahabol ko lang iyon lamok sa balikat ng yaya mo!” palusot ni Venom sa anak at ibinababa ang kamay. Matapang man siya sa ibang tao pero sa anak niya ay ayaw niya ipakita ang dark side niya dahil ayaw niya matakot ang anak niya sa kanya.
Isang ideya naman ang pumasok sa isipan ni Nanami at napangiti ito ng lihim.
Kaagad naman siyang nagsimulang umiyak na umagaw sa atensyon ng mag-ama.
“Yaya, okay ka lang ba?” tumakbo ang bata kay Nanami at tarantang nag aalalang yumakap dito.
“Bakit siya umiiyak Daddy? Sinaktan mo ba siya?” tanong nito sa kanyang ama.
“Wala akong ginawa my princess.” Depensa naman ni Venom at nagtatakang tumingin kay Nanami.
“Kung gayon po, bakit siya umiiyak?” at nagsimula na rin umiyak si Amalie dahil nadadala ito sa iyak ng kanyang yaya.
“My princess, bakit ka na rin umiiyak diyan? Wala akong ginawa sa yaya mo pinagsabihan ko lang siya!” tanong ni Venom.
“Eh, kasi po umiiyak ang yaya ko. Tinakot mo ba siya, daddy?” nagdududang tingin nito kay Venom na napapakamot sa ulo.
“Hindi niya ako tinakot Amalie or sinaktan pero nagalit siya at pinaaalis na niya ako at tanggal na raw ako sa pagiging yaya mo dahil lang nakatulog ako sa silid na ito!” sisinok sinok pang sabi ni Nanami at ginalingan pa ang pag-arte.
“Daddy, why did you do that?” sigaw ni Amalie na pinandilatan pa ng mga mata ang ama.
‘She is doing this on purpose.’ Sabi ni Venom sa sarili habang nakatitig kay Nanami ng masama pero tinakpan nito ng kamay ang mukha kaya hindi niya napansin na ngumiti si Nanami ng habang kunyaring umihikbi-hikbi pa.
Napabuntong-hininga naman si Venom at ginulo ang buhok. “My Princess, lumagpas na kasi siya sa pangingialam sa mga utos ko. Hindi siya dapat nasa kwarto namin ng mommy mo, alam mo naman na ikaw lang pinapayagan kong pumasok dito.”
“But Dad kung paalisin mo po si yaya, paalisin mo na rin po ako.” Madiing saad nito kaya napakunot ang noo ni Venom
“What!?”
“Paalisin mo rin po ako, daddy. Dahil ako ang dahilan kung bakit siya pumasok dito.”
“Anong sinasabi mo? totoo ba iyan or pinagtatakpan mo lang ang kapalpakan ng yaya mo? para hindi ko siya mapaalis dito?”
nagdududang tanong naman ni Venom.
“That’s truth dad, dahil iyon naman po talaga ang totoo kaya po kung tanggalin mo po si ate Nanami bilang ang yaya ko ay paalisin mo na rin po ako dito, sasama na lang po ako. . .
“Enough, walang aalis okay, hindi ko na rin paalisin ang yaya mo!” sumusukong sambit naman ni Nanami.
Napangiti naman ulit si Nanami at tumigil na sa paghikbi at pinunasan ang mga luha.
“Ibig po sabihin hindi na matanggal si Ate Nanami bilang yaya ko?” tanong ni Amalie na natuwa sa kanyang ama.
Nag-aalinlangan naman si Venom na tumango “O-Oo.”
“Yehey!” tumalon-talon pa si Amalie habang nakangiti ng malawak. “Salamat, daddy.”
“Maraming salamat, boss.” Biglang natahimik si Nanami sa pag iyak at malawak din ang ngiting tumingin ito kay Venom at sa pangalawang pagkakataon ay kinindatan siya nito. Talagang nang iinsulto pa ito kapag nawawalan ng saysay ang galit niya dito.
“Okay, daddy narinig mo iyon ate Nanami, hindi ka na niya paalisin.” Hinawakan ni Amalie ang kamay ni Nanami at masaya ang dalawang lumabas ng silid ni Venom at saopisina nito.
“Fvck! Mukhang naisahan naman siya ni Nanami.” Ngunit hindi niya namalayan na napapangiti na pala siya ng mga oras na iyon.