NAGLALAKAD-lakad si manang Eve sa buong bahay habang humihikab para mawala ang kanyang antok at nang makapasok siya sa kusina ay napakunot ang noo niya ng makita ang yaya ni Amalie na gumagawa naman ng cordon bleu.
“Humingi ba ng cordon bleu si Venom?” tanong nito na nakakuha ng atensyon ni Nanami.
“Oh manang Eve, hindi naman po. Akin lang po ito nagutom po kasi ako kaya ako nagluto kakain muna ako bago ko sunduin si Amalie. At saka po wala si boss.” Sagot naman ni Nanami.
“Pwede ka namang magsabi sa akin, at ako na sana ang gumawa niyan.” Sabi naman ni Manang Eve.
Kinaway ni Nanami ang kamay niya at magalang na ngumiti kay manang Eve. “Nah, huwag ka na pong mag-alala, manang Eve. Kaya ko naman at saka 'di mo naman po ako kailangan na pagsilbihan. Pero manang baka gusto mo rin kumain nito?”
“Sa tingin ko nga ay parang nagugutom na rin ako, kaya sige pahingi ako niyan.”
“Sige, po manang ikaw pa ba.” Dinagdagan na niya ang ginawa niya para sa kanila ni Manang.
“‘Eto manang, sana magustuhan mo ang lasa.”
“Mukhang masarap nga iyan, dahil nagustuhan nga ni Venom.” Nakangiting sang-ayon naman ni manang Eve.
“At alam mo bang ito rin ang paboritong lutuin ni Nanami na asawa ni Venom para sa kanya.”
“N-Nanami rin po ang pangalan ng asawa ni Boss?” hindi makapaniwalang tanong ni Nanami kay manang Eve.
Nakagat ni manang Eve, ang pang-ibabang labi, alam niyang may nasabi siya na hindi niya dapat nasabi. “Ahm! Ang sarap ng gawa mo,” pag-iiba ng usapan na sabi ni Manang.
Alam ni Nanami na umiiwas lang si manang Eve na pag-usapan nila ang asawa ni Venom, ngunit ’di niya alam na kapangalan pala niya ang yumaong asawa ng lalaki. Kaya ba ganoon na lang kaayaw nito na banggitin ang pangalan niya.
Ngumiti na lamang si Nanami sa matanda at nagpasalamat, “Salamat manang, natutuwa naman akong nasarapan ka.”
Tumango si manang Eve, “Salamat, sa meryenda, anak,”
“Walang anuman po manang, pero manang bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na Nanami din po pala ang pangalan ng nanay ni Amalie?”
Natahimik naman si Manang ng ilang segundo pero sinagot naman nito ang kanyang tanong.
“Hindi naman kasi mahalaga, iyon iha! Sige na at may gagawin pa pala ako at hahanapin ko si Mela at siya ang paglulutuin ko ng hapunan natin.” Sabi nito at lumabas na ito ng kusina.
Ipinagpatuloy na lamang ni Nanami ang pagkain niya habang umiinom ng mainit na gatas habang napapaisip ng malalim.
“ANONG pinag-usapan niyo ni Nanami kanina?” tanong ni Mela habang nagdidilig ng mga bulaklak sa hardin.
“Uhm, nagpapakilala lang kami sa isa't isa. Ano nga ulit ang sinabi mo tungkol kay Nanami noong nakaraang linggo?”
“Hindi ko siya gusto.”
“Bakit hindi? kasi ayon sa nakita ko, she is really a nice person with a positive vibe naman.”
“Sa totoo lang gusto ko siya. Kahit kanina ko lang siya nakilala at nakita ay kita ko sa kanya na mabait siya dahil nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit ilang beses na siyang nasabon ni Master.” Sinabi pa ni Boa.
Kumunot ang noo ni Mela at tinitigan si Boa ng mataman. “Sa akin anong una mong tingin ng una tayong magkakilala?”
“Ano. . .tungkol sayo?” Inulit ni Boa ang tanong na medyo nalilito sa sinabi ni Mela.
“Hindi ba ganyan ang tingin mo sa akin, tulad ng tingin mo kay Nanami?” tanong nito.
Nagkibit balikat si Boa, “Oo naman pero mas mabait ka nga lang kay Nanami kaya lang madhid naman.” Sagot naman ni Boa na ang tinutukoy ay para kay Marcel.
“Ah, anong manhid mas manhid ka pa nga kaysa sa akin,” saad nito at nagalit sa sinabi niya.
Tumayo si Boa, “Okay, hindi ko naintindihan. Kung saan nanggagaling ang lahat ng usapan na ito? Bakit bigla kang nagalit?”
“Bakit hindi ako magagalit? sinabihan mo lang naman akong manhid? Ikaw nga ang mas manhid sa ating dalawa. Ano, gusto mo siya? Gusto mo siyang ligawan, iyon ba? Ito ba yung sinasabi mong 'Love at first sight' sa kanya huh?”
“Kumalma ka nga. Walang love at first sight dito, okay? Dahil lang sa sinabi kong gusto ko si Nanami ay hindi ibig sabihin na mahal ko siya o gusto ko siyang ligawan. Gusto ko lang ang personalidad niya iyon lang. Ano bang nangyayari sayo, Mela?”
Pinandilatan siya nito ng mga mata. “Hindi mo ba nakikita?”
“Ang ano?” naguguluhang sabi ni Boa.
“You see, manhid ka talaga! ’di mo nakikitang. . .huminga si Mela ng malalim at saka pinutol ang gusto nitong sabihin.
“Nagseselos ka ba kay Nanami?” hindi makapaniwalang sabi ni Boa at saka pinaka titigan si Mela.
Umiling naman ang huli at saka binitawan ang hawak nitong host at pinatay ang gripo na pinagkakabitan nito.
“You know what, just forget that this stupid conversation with you. Wala akong pakialam sayo o kay Nanami. Gawin mo ang anumang gusto mo.” Umatras ito at saka padabog na pumasok sa loob ng bahay. Habang naiwan namang naguguluhan si Boa sa inasal ni Mela sa kanya.
“Mela!” tawag ni Boa, ngunit hindi na siya nito pinansin.
“May nagawa ba akong mali?” tanong ni Boa sa sarili.
TUMAKBO si Mela sa kusina habang umiiyak. Nagluluto naman si Eve ng hapunan dahil nakita niya si Mela na may ginagawa kanina kaya siya na lang ang nagluto.
Mamaya ay napatingala ito mula sa niluluto at tiningnan si Mela na nagtataka dahil umiiyak ito.
“Mela, umiiyak ka ba?” nag-aalalang tanong niya.
Ngumuso si Mela at napasinghot pa at mabilis na umiwas ng tingin kay Eve. “Hindi po, napuwing lang po ako!”
Umiling si Eve dahil hindi siya naniniwala at humakbang palapit sa dalaga. “Tigilan mo nga ako sa pagsisinungaling mo, sa tanda ko bang ito ay gagawin mo pa akong tanga. Halata namang umiiyak ka! May nangyari ba?”
“Manang Eve!” Napaiyak na ito at hindi na itinago pa sa matanda. Niyakap siya ni Eve na agad namang gumanti sa yakap.
“B-bakit hindi niya makita na mahal ko siya, manang?”
Nagpakawala ng hininga si Eve, hinaplos ang buhok at likod ni Mela. “Tumigil ka na sa pag-iyak. Malalaman din niya na mahal mo siya.” Pag-aalo ni Eve kay Mela.
“Baka po hindi na niya iyon makita ni Boa manang, I swear, may gusto na siyang iba.”
“Sino naman ang gusto ni Boa?” tanong ni Eve dahil alam niya ang nararamdaman ni Mela kay Boa.
“Si Nanami po!”
“Shhh! ayos lang iyan tahan na, baka nagkamali ka lang nang hinala.”
Bumukas ang pinto kaya naagaw ang atensyon ng dalawa kaya hindi nakasagot si Mela. Si Nanami iyon na may hawak na maruming plato at isang basong wala ng laman.
Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Mela nang titigan nito si Nanami.
“May problema ba?” tanong ni Nanami kay Mela na nagtataka kung bakit ganoon na lang ang tingin nito sa kanya.
“Kasalanan mo ang lahat ng ito!” sabi naman ni Mela at padabog na lumabas ng kusina.
“Okay lang po ba siya manang? Anong ginawa ko?” tanong niya kay Eve.
Napabuntong-hininga naman ang matanda at saka umiling. “Huwag mo na siyang pansinin, iha. Inilalabas lang niya ang kanyang mga frustration at saka may pinag-dadaan lang iyon.” Kinuha nito ang plato at baso mula kay Nanami.
“Naku manang ako na po ang maghuhugas niyan!” sinubukang bawiin ni Nanami na kunin ang kanyang pinagkainan ngunit inilayo iyon ni Eve.
“Ako na huwag kang mag-alala.” Tutol naman ni Eve sa kanya.
“Salamat po, pero ano po ba ang dahilan at parang may galit si Mela sa akin? Wala naman po akong natatandaan na may ginawa akong ikakagalit niya?”
“'Wag mo ng intindihan si Mela, saka mo na lang alamin sa kanya kapag ’di na mainit ang ulo noon sayo.” Tikom ang bibig na sabi ni Eve, kaya tumango na lamang si Nanami bago lumabas ng kusina para sunduin si Amalie sa school nito.
IBINABA ni Venom ang sigarilyong hinihithit niya sa ashtray habang nakasandal sa upuan. Napatitig siya sa wall clock at ang oras ay Six o'clock in the evening.
Mahigit apat na oras nang pinahihirapan ni Marcel si Hernandez.
Rinig narinig iyon ni Venom ang sakit na sigaw na nagmumula sa kwartong hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Tumayo siya. At inaayos ang kanyang kasuotan habang papalabas ng kinaroroonan niya patungo sa pasilyo kung saan lumakas ang tunog ng mga hiyaw.
Umalingawngaw ang mga yabag niya sa madilim na daanan habang naglalakad ito.
Nagkalat ang mga guwardiya sa hallway at yumuyuko ang mga ito kapag nakita nila si Venom habang ang ilan sa kanila ay nagsasalita ng kaunting paggalang ngunit hindi niya ito pinansin.
Nanatiling blanko ang ekspresyon sa mukha niya at sa iisang direksyon lang ang kanyang tingin.
Sa wakas, narating niya ang pinto at narinig ang panibagong sigaw ni Hernandez. Isang gwardya na nakatayo sa harap ng pinto ang mabilis na nagbukas para sa kanya nakayuko ang ulo nito tanda ng paggalang sa kanya. Nilampasan siya ni Venom at pumasok sa loob niyon.
“Anong nangyayari dito?” tanong niya sa mapanganib ngunit mababa namang tono, matapos makapasok kung saan nagaganap ang pagpapahirap sa kanilang bihag.
Si Hernandez ay halos hindi na makilala. May dugo siya sa buong mukha at damit. Nakalatag ang ilan sa mga ngipin nito sa mesa. Amoy dugo at pawis ang buong lugar na iyon.
“Master Venom.” Yumuko si Marcel at umatras mula sa maputlang lalaking pinahihirapan nito.
Ipinasok ni Venom ang kanyang mga kamay sa loob kanyang bulsa ng pantalon at saka lumapit sa nakaupong bihag.
“Sobra naman iyang ginawa mo sa kanya Marcel.” Walang emosyong tanong niya sa kanyang kanang kamay na si Marcel.
“Hindi po kasi siya nakikipagtulungan. Kaya iyan ang napala niya.” Paliwanag ni Marcel sa kanya.
“Kahit anong sabihin o gawin ko sa kanya, tikom pa rin ang bibig ng bastard na iyan.” Dugtong pa nito.
“Hmmn.”
“Sa tingin mo ba ganyan na lang ako kadaling matakot kahit anong gawin nyo wala ako aaminin.” Nagsimulang tumawa si Hernandez kahit bugbog sarado na ito. “Nagsasayang ka lang ng oras, Borromeo.”
“Alam kong hindi ka magsasalita kahit gaano ka pa niya pahirapan. I only wanted him to have his fun which he did, judging by your appearance now.”
“What are you talking about?” tanong ng lalaki na mukhang nalilito.
Napangiti si Venom sa sulok ng kanyang labi, kapag ganyan na ang reaksyon nito ay dapat ka ng kabahan. Habang si Hernandez ay mukhang naguguluhan pa rin habang nakakunot noo. “Ano-anong sinasabi mo?”
“Alam ko kung anong klase kang lalaki noong una palang kitang titigan. Gayunpaman, madali tayong masira kapag ang ating kahinaan ay nakikita.” Pinitik niya ang kanyang mga daliri at pumasok si Boa na may hawak na tablet.
“Ikaw ay isang ama na nagmamalasakit sa kanyang asawa, kaawa-awang mag-iina.” Dugtong pa ni Venom habang umiiling iling pa.
Nanlaki ang mga mata ni Hernandez. “P-Paano mo sila nahanap?” natulalang saad nito.
“Nagulat ka ba? Well, hindi dapat. Ang mga bagay na tulad nito ay dapat mo ng asahan mula sa akin.” Saad niya at huminto sa pagsasalita.
“Sa ngayon, may pagkakataon kang iligtas ang iyong mag-iina. Or pwede naman itikom mo na lang ang bibig mo habang buhay dahil loyal ka sa amo mo diba?
Kaya nga lang mamatay naman ang mag-iina mo. . .So ano magsasalita ka ba or tatawagan ko na ang hinire kong papatay sa mag-iina mo, so mamili ka?” seryosong sabi ni Venom.
Iniharap ni Boa ang screen ng tablet sa lalaki na makikita ang pamilya nito habang tumatawa at nagkukwentuhan sa sala kasama ng mga kasambahay nila, habang ang kanyang pitong taong gulang na anak nitong lalaki ay naglalaro ng laruan.
Napakagat labi si Hernandez na halos umagos na ng dugo roon sa tindi ng tensyon nito.
Bago siya umalis ay naitago na niya ang kanyang pamilya pero bakit nahanap pa rin ito ng Borromeong ito na nasa harapan nito.
“Wala ka ng oras mag-isip dahil kapag ako nainip ay mabilis ko na lang silang ipapatay.” Singhal ni Venom dito.
“H-hindi ko talaga alam kung nasaan ngayon si Mr. Dee, maniwala kayo. Mahigit limang taon na rin kaming hindi nag-uusap. I swear.” Napaungol na ito sa sakit at takot dahil damay na ang pamilya niyang iniingatan.
“Inaasahan mo bang maniniwala ako?”
“Maniwala ka, pangako. Nawala siya pagkatapos ng nangyari limang taon na ang nakakaraan.” Nanginginig na sabi nito habang naluluha na dahil alam niyang hindi na ito nagbibiro pa.
“Marcel, ipaalam mo sa mga utusan mo doon na patayin na ang. . .
“WAIT!” Sumigaw na si Hernandez. Lalo na nang makita niyang may mga lalaki ngang nakapalibot sa bahay bakasyunan nila kung saan niya itinago ang kanyang mag-ina.
Napangiwi ito sa sakit dahil sa pag sigaw niya. Bumabalot sa kanyang bibig at panga ang dugo na nanggaling sa sugat niya sa noo ng hinawin iyon ni Marcel kanina. Napalingon silang lahat kay Mr. Hernandez.
“Please hindi ko talaga alam kung nasaan si Mr. Dee, pero mabibigyan kita ng clue kung saan mo siya mahahanap.” Nahihirapan nitong saad dahil nanghihina na ito dahil sa grabing pagtutorture dito.
Lumabas ng kwarto si Venom matapos sabihin ni Hernandez ang clue kung nasaan ang Dee na iyon. Malalim ang pagsimangot sa mukha nito matapos marinig ang clue na iyon.
Makalipas ang ilang segundo, narinig niya ang malalakas na putok ng baril na umalingawngaw sa buong silid na iyon.