KALALABAS lang ni Laila sa isang restaurant nang may nabangga siya kaya nalaglag ang bag na hawak niya sa lupa.
“Sorry miss.” Isang pamilyar na boses ang humihingi ng tawad sa kanya, kinuha nito ang kanyang bag sa sahig at iniabot sa kanya.
Tumingala si Laila para tingnan kung sino iyon at agad na kumunot ang kanya noo.
Nang mapag sino niya ang nakabanggan ay inagaw niya ang bag mula sa pagkakahawak nito.
“Laila long time no see.” Napangisi si Adrian.
“Buhay ka pa pala.” Tinaasan niya ito ng kilay at lalagpasan na sana dahil nainiis siya sa pagmumukha nito, ngunit hinarangan siya nito kaya napatigil siya sa paglakad.
“Umalis ka sa dadaan ko!” seryosong sabi niya sa lalaki.
“Eto naman para makipag kumustahan lang sayo!”
“Nasusuka ako sa pagmumukha mo kaya umalis ka diyan kundi sisipain kita.” She hissed at sinubukang tumalikod.
“Ang harsh mo naman. Tsaka ikakasal na ako sa bestfriend mo dahil magkakabalikan na kami, hindi ba dapat mas maging mabait ka sa akin?” ngumiti ito.
Naikuyom ni Laila ang kanyang kamao at masamang tiningnan si Adrian.
“Hinding-hindi ka ikakasal kay Nanami matapos mong lokohin siya, pakakasal pa kaya siya sayo ang kapal naman ng mukha mo. At ang bobo mong isipin na nakalimutan na niya ang ginawa mo sa kanya limang taon na ang nakakaraan. Wala ka bang kahihiyan?”
“Kahihiyan? tungkol saan naman?” tanong nito na nagkukunwaring 'di alam ang sinasabi ng dalaga.
“Makinig ka, wala akong oras para kausapin ka. Umalis ka na bago pa ako makagawa ng bagay na pagsisisihan nating dalawa.” Pagbabanta niya.
Ipinasok naman nito ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at ngumisi.
“Pikon ka naman agad ano naman ang gagawin mo?”
Lumapit si Laila sa lalaki at hinawakan ito sa kwelyo ng shirt nito. “Isa pang salita, Adrian, may kalalagyan ka sa akin.” Galit na sabi ni Laila.
Binigyan siya ito ng tingin na tila nang aasar. “Takot naman ako. Para ka para palang si Nanami. Now I see why they say ‘birds of the same feathers flock together’ Guess what, I love a woman like you. . .
Hindi na nito natuloy ang sasabihin para lalong asarin si Laila ng biglang bigyan ito ni ng dalaga ng sapak sa mukha.
Bago binitawan ni Laila ang kwelyo ng shirt ng lalaki. Habang hawak naman ng huli ang dumudugong ilong nito. Ngumisi naman si Laila at hinipan ang kamaong dumapo sa ilong ng lalaki na may pagmamalaki sa sarili.
“Mahilig din akong manira ng mukha sa tulad mong manloloko. Here's my advice to you, jerk, go to the hospital. I think I shifted your nose.” Tinulak niya pa ito at nagsimulang maglakad palayo samula lalaki.
Napapamura namang umaaray ito sa ginawa sa kanya ni Laila.
Habang ngingisi-ngising sumakay si Laila sa kotse niya at pinaandar ito papalayo sa restaurant.
“Fvck,” ungol ni Adrian at masamang pinagmasdan ang sasakyan na papalayo sa kanyang kinaroroonan nito.
MAY kumatok sa pinto ng maids quarter na kinaroroonan nila manang Eve at Mela.
Bubuksan na sana ito ni Mela ngunit hiniling ni Eve na manatili sa likod ng matanda habang ito na ang bumukas ng pinto.
“Miss Nanami, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Eve na umaatras sa nakabukas na pintuan para makapasok si Nanami.
“Salamat po manang.” Pumasok si Nanami. “Nandiyan po ba si Mela?”
Napakunot ang noo ni Mela ngunit hindi ito umimik habang tumango naman si Manang Eve kay Nanami.
“Sige. Bibigyan ko kayo ng privacy.” Lumabas si manang Eve ng kwarto at isinara ang pinto para makapag-usap ang dalawa.
“Hi.” Awkward na sabi ni Nanami.
Humarap si Mela kay Nanami. “Pwede bang maupo?” tanong ni Nanami.
“O-Oo naman.” Umusog ng konti si Mela para makaupo si Nanami sa kama.
“Salamat kumusta ka na? Anong nararamdaman mo ngayon?” tanong ni Nanami.
“Wala akong sakit kaya bakit mo ako kinukumusta?” tanong naman ni Mela.
“Uhm, nakita kasi kitang umiiyak sa kusina kanina. Kaya nga tinanong ko kung okay ka lang.”
Natahimik naman si Mela at hindi umimik.
“Makinig ka hindi ko alam kung bakit ka_
“Ako ang dapat humihingi ng paumanhin sayo dahil sa inasal ko kanina.” Pinutol ni Mela ang sasabihin ni Nanami.
“Nagsosorry ka?” hndi makapaniwalang tanong ni Nanami.
Napairap naman si Mela na parang tinanong lang siya ni Nanami ng katangahan.
“Bakit parang gulat ka riyan?”
“Dahil first time mo akong kinausap ng matagal na hindi seryoso ang mukha mo.”
“Nagkamali ako kanina, dahil nagalit ako sayo na walang dahilan kaya tama lang na humingi ako ng tawad sayo. Walang dapat ipagtataka doon.”
Pinagkrus ni Nanami ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at pinagmasdan si Mela na nag-aabang sa sasabihin ni Nanami tungkol sa paghingi niya ng tawad.
Maya maya pa ay natawa si Nanami, ngunit tumigil naman ito agad ng sumabay si Mela sa kanyang pagtawa nadala yata sa pagtawa niya.
“Teka, bakit ka tumatawa?” tanong ni Mela sa pagitan ng pagtawa.
“Natawa lang ako dahil ’di kasi maipinta ang mukha mo kanina sa garden ng makita mo akong kausap si Boa. Laki kasi ng selos mo? But don't worry hindi ako interesado pa sa mga lalaki kaya wala ka dapat ipag alala. Ikaw bakit ka rin tumawa?” tanong naman ni Nanami na natatawa pa rin.
“Nadala ako sa tawa mo, pero halata ba talaga sa mukha ko kanina?”
Ngunit ’di na sumagot si Nanami at nagpatuloy na lang sa pagtawa kaya natawa na rin ulit si Mela hanggang sa pumasok si manang Eve at nakita silang nagtatawanan.
“Okay lang ba kayo diyan? bakit kayo tumatawa?” tanong nito sa nagtatakang mukha.
Huminto sila pagtawa at humarap kay manang Eve at makalipas ang ilang segundo ay muli silang humagalpak ng tawa.
“TAMA si Boa, maganda ka nga.” Nakangiting sabi ni Mela kay Nanami.
“Sinabi niya iyon?”
“Oo,”
“Don't worry maganda ka rin 'di lang niya makita.” Sabi naman ni Nanami kaya namula si Mela.
“Nakakatuwa na makita kayong dalawa na nag-uusap na nang ganyan.” Sabi ni manang Eve.
“Naging maldita ba ako sa iyo?” tanong ni Mela kay Nanami.
“Sa totoo lang, hindi ko naman iyon siniseryoso. At naiintindihan ko kung bakit ka ganyan sa akin. Mayroong ibang mga tao na nangangailangan ng oras upang magtiwala sa isang tao at isa ka na roon kaya hindi kita huhusgahan diyan.” Sabi naman ni Nanami.
“Pasensya na kung ganyan ang pagkakakilala mo sa akin, pero mabait naman ako nag-aalala lang ako kay miss Amalie, kasi ayaw ko magkaroon siya ng yaya na pabababayaan lang siya.” Paliwanag naman ni Mela sa kanya.
“Okay na iyon basta sa susunod 'wag mo na lang ako tarayan kasi ’di bagay sayo.” Nakakaintindi namang sabi ni Nanami.
Tumayo si Mela at inilahad ang kamay kay Nanami. “So paano magkaibigan na tayo. Miss Nanami.”
Ngumiti naman si Nanami at tumayo na rin at nakipagkamay kay Mela. “Oo naman, ikaw lang naman ang hinihintay ko na sabihin mo iyan. Friends?”
“Friend!” sabay sabi nina Nanami at Mela. Napangiti naman si manang Eve sa dalawang babae dahil maayos na ang mga ito.
NASA SILID na niya si Nanami at nag-iisip ng paraan para mapaamo niya ang matigas na kalooban ng kanyang amo. Kailangan niya ng higit pang mga eksena para sa kanyang nobela at ngayon ang magandang pagkakataon para magawa niya iyon.
May kumatok sa pintuan niya kaya, naputol ang pag-iisip niya.
“Sino iyan?”
Bumukas ang pinto at sumilip ni Amalie.
“Ate Nanami, handa na po ang hapunan.”
“Oh. Sige. Sasabay ba sa atin ang daddy mo?”
“Syempre po.”
“Mabuti naman sige susunod ako sayo.”
“Sige po!” umalis na ito.
“Parang alam ko na ang gagawin ko para mapaamo ko siya.” Sumilay ang maganda niyang ngiti sa labi.
Makalipas ang ilang minuto, nakasuot na siya ng white deep v-neck crop top at black tight shorts, kitang-kita ang kanyang sexy at mapuputing legs. Itinaas niya ang kanyang buhok sa isang messy bun at napangiti nang matitigan niya ang kanyang repleksyon sa salamin hindi naman kasi siya nagsusuot ng uniform kaya free lang bawat suotin niya at walang sumisita sa kanya kahit si Venom.
“Let the scene begin.” She smirked, dangerously.
Bumaba na siya at naabutan niya si Amalie at ang babaeng clown doon.
Naglakad si Nanami papasok at napangiwi nang makita si Chiara. Pero pinalitan pa rin niya nang ngiti ang kanyang ekspresyon kahit na naiinis siya sa presensya ng babaeng clown na ito.
“Nandito ka pa pala akala ko umalis ka na.” Nakasimangot na sabi ni Clown sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay.
“Bakit mo naman naisip na aalis ako rito? Saka kung may aalis sa bahay na ito, ikaw iyon.” Gumanti naman siya ng sagot dito.
“Walang pupuntahan ang yaya ko kaya dito lang siya.” Sabat naman ni Amalie.
“Narinig mo ang bata. Wala akong pupuntahan.” Kumindat si Nanami sa kanyang alaga.
Habang si Chiara naman ay nangangalit sa galit, tinitigan ng masama ang bata at si Nanami.
Sakto namang pumasok si Venom sa dinning room kaya tumahimik na ang hitad.
Ang presensya nito at awtoridad ay nangingibabaw. Nakakunot ang noo nito nang maupo ito sa unahan ng mesa na kanilang kinakainan. Nasa left side nito si Amalie habang nasa right side nito si Chiara. Habang si Nanami, naman ay nasa tabi ni Amalie.
“Natutuwang sumasama ka na po sa amin sa hapunan, daddy.” Sabi ni Amalie na binasag ang katahimikan.
“May choice ba ako?” nakangiting tanong nito.
Ngumisi ang alaga niya at saka umiling.
Habang Eve at Mela ay hinatid lang ang pagkain at saka lumabas na sila ng dinning room.
Tahimik na kumakain ang lahat hanggang sa may nagpasyang basagin ito.
“Paano mo nalaman na fried rice ang paborito kong pagkain?” tanong ni Chiara na nakangiti kay Venom.
“Malay ko sa paborito mo! Wala akong kinalaman diyan.” Saad ni Venom.
“Pahiya ka clown este ma'am Chiara May mamema lang.” Bulong ni Nanami kaya natawa si Amalie dahil narinig niya ang sinabi ng yaya niya.
Napahiya talaga si Chiara kaya napakagat ito ng labi at ibinaba ang tingin sa pagkain.
“My Princess?”
“Bakit po daddy?”
“Sapat na ba ang pagkain na iyan para sa iyo?”
Iniangat nito ang kanyang ulo. “Oo naman po, ang sarap nga po, eh kayo daddy?”
Nagkibit-balikat lamang si Venom at saka nagsalita. “Ayos lang.”
“Mabuti naman po at nagustuhan ninyo daddy.” Masayang sabi naman ni Amalie sa ama.
Muling tumahimik ang paligid ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ito binasag ni Chiara kundi si Nanami naman ang nakabasag niyon dahil sa kanyang sigaw.
“Ayy!!” Napatayo si Nanami sa gulat at napatitig siya sa kanyang damit na ngayon ay basang-basa na ng tubig.
“Ate Nanami, okay ka lang po ba?” mabilis na nag-aalalang tanong ni Amalie.
“Oo. Napamali ako ng buhos ng tubig imbis sa baso ko ay ang sarili ko ang nabuhusan ko. Pero hindi mo kailangang mag-alala basa lang ito.” She said, using her hand to wipe herself even though it was quite useless.
“Daddy, pwede mo ba siyang bigyan ng tissue?” pagmamakaawa ni Amalie sa kanyang ama dahil mas malapit dito ang lalagyan ng tissue.
“Kaya naman niya iyang abutin.” Baliwalang sabi ni Venom at ipinagpatuloy ang pagkain na walang pakialam kay Nanami.
“Actually, hindi ko abot masyadong malayo.” Nag pout si Nanami na halatang nagpapaawa.
Napasinghap si Venom sa inis bago dumukot sa tissue at iniabot sa yaya ng anak nang hindi ito tinitigan.
Kukunin na sana ito ni Nanami ngunit nadulas ang tissue at nahulog sa lupa.
“Daddy.” Saway ni Amalie.
“Hindi ko kasalanan, okay?” He hissed, yumuko ito para kunin ang tissue. “Here,” Ibinigay nito sa pangalawang pagkakataon ang tissue kay Nanami, kaya napatitig ito kanya sa pagkakataong iyon. Nang kukunin na niya iyon mula dito.
Bumaba ang tingin nito sa damit ni Nanami kaya nakita nito ang dibdib ni Nanami na bumakat dahil sa basang damit nito.
Literal na wala itong suot na bra kaya napalunok si Venom sa tanawing nakikita, hindi umaalis ang mga mata nito sa kanyang bakat na ni**ples.
Lihim na napangiti si Nanami dahil gumana ang plano niya.
“Sir, nandito ang mukha ko saan ka po ba nakatingin.” Bigla sabi niya kaya nahimasmasan si Venom sa pagkakatigil.