Chapter 32

2302 Words
“ETO na ang order mo.” Saad ng bartender at nagpa-slide ng isang shot ng martini. Madali itong nasalo ni Adrian at sabay tungga ng alak. “Alam mo talaga kung ano ang gusto ko.” Nakangiting sabi nito. “Anong inaasahan mo? Tutal, regular ka naman na dito.” “Isang shot pa nga. Bitin ako.” Hingi niya dahil naubos na ang inorder niya dito. “Parang wala ka yata sa mood? Anong nangyari?” tanong ng bartender habang nagsasalin ng isa pang-shot ng martini at ibinigay ito sa kanya. “Hindi mo ba nakikita na namamaga ang ilong ko?” inilapit niya ang kanyang mukha sa kausap. “Ah, hindi ko napansin dahil malamlam ang ilaw dito sa bar. Ano bang nangyari diyan?” “May isang babaeng amazona lang naman ang sumuntok sa ilong ko.” Ininom ni Adrian ang isa pang baso ng alak at iniabot muli ang walang laman na baso sa bartender. Kinuha naman nito iyon at nilagyan pa ulit ng alak. “Ano naman kasi ginawa mo baka naman pwersahan mong hinalikan kaya ka sinuntok?” natatawang tanong nito. “Hindi ah, talagang palengkera lang iyong babaeng iyon.” Nakasimangot na sagot naman niya rito. “Ewan ko sayo.” “Alam ko na para naman mawala iyang pagka asar mo, mag hunting ka na lang ng babae dito, maya maya ay may mga babae na diyang magsisi datingan.” Suhestyon ng kausap niya. “Ayoko hindi ako pwede malink sa ibang babae ngayon. Dahil may kailangan pa akong trabauhin.” “Hulaan ko, Fiancee mo?” Kumunot ang noo ni Adrian. “Paano mo nalaman na engaged na ako?” “May suot kang engagement ring sa daliri mo. To be honest, nagulat ako. Hindi kasi kita nakikitang ‘commitment’ type.” “Hindi naman iyan ang engagement ring namin.” “So bakit mo suot iyan?” Nagkibit balikat si Adrian. “Ito ay para sa personal na dahilan ko. Hindi pa tayo close para sabihin ko sayo.” “Aray naman ang tagal na nating nag-uusap tuwing nandito ka.” Nagkunwaring nasaktan ang bartender. “Kaya akala ko magkaibigan tayo.” Umiiling iling na saad nito. “Hindi ko nga alam ang pangalan mo, kaibigan.” Sabi ni Adrian at idiniin ang bahaging 'kaibigan'. “Pero alam ko ang pangalan mo.” Nakangising sagot naman nito. “Good for you, huh.” Napataas ang kilay ni Adrian. “Kung sasabihin ko sa iyo ang aking pangalan, magkukwento ka na ba ng personal life mo?” tanong ng bartender. Nagkibit balikat si Adrian, habang ibinababa ang basong hawak at ibinalik ang walang laman dito. “Siguro.” “Okay, I'm Jovan.” “Jovan?” “Jovan Estrada ang pangalan ko. Eto na ang pang-apat na shot mo.” “Na-miss mo ang bilang, it's fifth shot.” Napaungol si Adrian at kinuha ang inumin mula sa bartender. “One shot of tequila please!” Agaw atensyon ng isang babae na nakatayo sa tabi ni Adrian. “Okay ma'am.” Sabi naman ni Jovan sa babae at sinimulang ilagay ang order ng babae. “Hi.” Kumaway ito sa lalaking nasa gilid tapat ng bartender, na si Adrian. “Hi too.” “Parang pamilyar ka, nagkita na ba tayo?” Tanong ng babae kay Adrian. “Hindi ako sure.” Sagot naman ni Adrian. “Hmm. Hindi ito ang unang pagkakataon mo dito, tama ba?” “Hindi.” “Kung ganoon ay dapat nakilala kita dito. Ako nga pala si Linda.” Iniunat nito ang kamay. Nagdadalawang isip si Adrian bago tinanggap na pakikipagkamay ng babae. “Adrian!” “Ang gwapo mo naman,” malanding saad ng babae. “Salamat.” Ngumisi siya. Naputol ang tinginan ng dalawa ng sumabat si Jovan at ibinigay ang order ng babae. “Salamat, Johan.” “It’s Jovan not Johan.” Pagtatama ng bartender sa babae. “Sorry, mali pala ako ng rinig kagabi ng pangalan mo.” Sabi ng babae at humarap naman ito kaagad kay Adrian. “Ikinagagalak kong makilala ka, Adrian, Enjoy your night.” Lumapit ito sa kanya at bumulong sa tenga niya. “Ilang milya lang ang layo ko rito, baka gusto mong sumama.” Sabi nito at kinindatan siya bago naglakad ito palayo sa kanya habang umiindayog ang malaki nitong balakang. Pinagmamasdan ito ni Adrian hanggang sa nakipag-blend na ito sa karamihan at nawala sa kanyang paningin. “Interesado sa kanya?” tanong ni Jovan na muling nakuha ang atensyon ni Adrian. “Sino siya?” “Linda Comer ang pangalan niyon. Siya ang pinakamahusay na stripper dito sa club.” Sagot naman ni Jovan sa kanya. “Isa siyang stripper?” “Hindi ba obvious?” “Hmm.” Kinuha ni Adrian ang kanyang huling shot at tumayo na. “Aalis ka na agad na hindi mo pa na ikinuwento ang fiance mo.” “Sa ibang pagkakataon na lang, sasabihin ko sa iyo. Pero sa ngayon ay kailangan ng isang magandang sisiw ang atensyon ko.” Sabi niya sabay kindat ni Adrian sa lalaki. Nagets naman ni Jovan ang ibig sabihin ni Adrian kaya napapailing na lang ito. Nakangisi namang naglakad na palayo si Adrian sa counter at tumungo sa mga taong masayang nagkakagulo sa bar na iyon. “SIR, nandito ang mukha ko saan ka po ba nakatingin.” Bigla sabi ni Nanami kaya nahimasmasan si Venom sa pagkakatigil mabuti na lang at pabulong lang iyon sinabi ni Nanami kay Venom. Huminga nang malalim si Venom para bumalik siya kanyang katinuan at inilihis ang mga mata sa dibdib ng babae. Nagnanasa ba siya sa katawan nito? Nagtataka siya, hindi siya makapaniwalang gagawa ito ng ganoon. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang mamatay ang kanyang pinakamamahal na asawa ay hindi na siya naatract sa katawan ng ibang babae. Napahinga si Venom ng malalim at ibinaba niya ang tissue box sa mesa at agad na tumayo at uminom ng tubig, bago ito lumabas ng dining room. “Anong nangyari doon?” biglang sumimangot si Chaira. “Anong ginawa mo kay Venom?” napangiwi si Nanami at nagkukunwaring nagkibit balikat. “Alam ko may sinasabi ka sa kanya, b*tch ka talaga. Sinadya mo naman 'yon kanina diba?” nagbabaga ang tingin ni Chiara kay Nanami. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. At kung wala kang importanteng sasabihin then shut up.” “Did you just asked me to shut up?” tanong ni Chiara sa nakaawang ang bibig. Iniirap ni Nanami ang kanyang mga mata. “Sige, huwag kang tumahimik at patuloy ka na lang tumatahol na parang aso.” Habang si Amalie ay pilit na pinipigilan ang tawa na nagbabantang kumawala sa kanyang bibig. Napakamot ng ulo si Nanami, dahil naririndi na siya sa bunganga ng clown na karaharap niya. Napabaling naman ang tingin ni Chiara kay Amalie nang marinig niya ang pagpipigil nitong matawa. “Anong nakakatawa, ah? Bakit ka tumatawa?” inis na sabi nito sa pamangkin. “Huwag mo pong ilabas ang galit or inis sa akin. Hindi po ako ang nang-iinsulto sa iyo.” Inosenteng sabi namanni Amalie. “Hoy Clown, 'wag mong pagbalingan ang bata sa inis mo, lalo ka tuloy pumapangit kapag ganyan ang itsura mo.” Napangisi si Nanami. Naikuyom na lamang ni Chiara ang kanyang kamao, habang tumatayo na ito sa kanyang pagkaka-upo. “Alam ko kung bakit ka narito. Pero 'di mo makukuha si Venom sa akin, tandaan mo iyan, mapapaalis kita rito sa kahit sa anong paraan.” Gigil na saad nito. Napasandal naman si Nanami sa upuan na may nakakalokong ngisi sa mukha. “As if naman na makakaya mo. Tingnan natin kung sino ang unang mapapaalis sa bahay na ito. Ikaw o ako!” Taas noong sagot naman ni Nanami. “Hinahamon mo ba ako?” Nagkibit-balikat lang si Nanami. “You called the shot, tinatanggap ko ang hamon mo. Bakit? Takot ka ba?” “Makikita natin.” Inis pa rin sagot nito at naglakad na ito papalabas ng kusina na sambakol ang pagmumukha dahil sa inis sa yaya ng kanyang pamangkin. Bumuntong hininga lang si Nanami at nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari. “Kakain pa po ba tayo? Umalis na sina daddy at tita. Hindi po ba tayo magmumukhang masama kung ipagpatuloy natin ang pagkain na parang walang nangyari?” tanong ng bata. “Hindi ka na ba nagugutom?” “Nagugutom pa po pero_ “Kung ganoon, kumain ka pa ng pagkain mo. Huwag kang mag-alala, kakain pa si daddy mo bago matulog mamaya at ang tita mo naman, she can die for all I care.” “Ikaw talaga ate Nanami, ang pilya mo kay Tita.” Natatawang sabi ng alaga niya at bumalik sa pagkain nito. “Pero ate Nanami, hindi ka ba muna magpapalit ng damit mo? Basang basa ka pa po!” “Kapag tapos na akong kumain, magbibihis na ako. Kaya 'wag ka ng mag-alala, pakabusog ka lang diyan.” Tumango tango naman si Amalie at magana na silang ipinagpatuloy ang pagkain nila. SAMANTALA sa silid ni Venom. “Fu*k!” sinuntok nito ang pader dahil na naiinis sa sarili. Bakit niya hinayaang mangyari iyon? How the hell did he get swayed by her stupid trick? Nakagat ni Venom ang ibabang labi na halos maglabasan na ang dugo sa kanyang labi dahil sa inis at pagkabalisa. She keeps crossing the damn line and too bad hindi niya magagawang alisin ang babaeng iyon dahil sa kanyang anak. Bakit kailangang mahalin ng kanyang anak ang isang babaeng ganoon? Ang kanyang anak ang dahilan kung bakit wala siyang magawang matinding parusa sa malditang yayang iyon. Walang taong nangahas na tingnan siya ng ganoon sa kanyang mga mata o kausapin siya tulad ng ginagawa ng babaeng iyon. Nasaksihan pa nito ang kanyang kahinaan. Bagama’t wala siyang sinabi tungkol sa gabing iyon ng makita siya nitong pinahihirapan ang kanyang sarili, ngunit hindi ibig sabihin na nakalimutan na nito ang nakita niya sa kanya. Alam niyang nakatatak na iyon sa isipan ng babae, kaya dapat niyang bantayan ang bawat kilos nito. Inilabas ni Venom ang isang bote ng vodka at uminom na diretso sa bote na agad nangalahati bago niya binitawan. “I’m fu*king wants to get that woman out of my house. Pero paano?” tanong niya sa sarili, sabay lagok ulit ng vodka. “Paano ko siya aalisin dito?” “SA TINGIN ko hindi mo kailangang mag-alala, Chiara, kung tutuusin, yaya lang ang babaeng iyan sa tingin mo papatulan iyan ni Venom.” Sabi ni Ariana sa kanya sa kabilang lingya. “Diyan ka nagkakamali, Ariana. Hindi lang siya basta yaya lang dahil mukhang gustong gusto talaga siya ni Amalie. Pero alam mo Ariana may isang bagay sa kanya na hindi ko talaga mawari at parang pamilyar sa akin ang Nanaming iyon parang nakita ko na siya somewhere.” Sabi ni Chiara. “Ano naman iyon?” “Tulad nga ng sinabi ko, hindi ko mawari,” Napabuntong-hininga siya. “Ah basta, kailangan ko siyang paalisin sa bahay na ito kahit sa anong paraan,” “Chiara, sa tingin ko hindi magandang ideya iyan.” “Bakit hindi?” “Kasi mali. Nandiyan ang babae para magtrabaho para sa pera. Ang pagpapalayas sa kanya sa bahay na hindi mo naman pag-aari ay kalabisan kay Venom,” katwiran ni Ariana. “Oh, please. Trust me, mukhang hindi nandito ang babae para magtrabaho para sa pera. Hindi na ako magtataka kung malalaman kong nandito talaga siya sa isang misyon.” “Misyon? katulad mo.” Komento ni Ariana. “Excuse me?” sabi ni Chiara at alam nito ang tinutukoy ng kaibigan. “Let's be honest with ourselves, Chiara nandiyan ka rin sa isang misyon at hindi mo maitatanggi iyon.” “Nandito lang ako para ibalik ang pag-aari ko. Wala akong nakikitang mali roon.” “Kung makapagsalita ka parang object at hindi tao si Venom. Siya ang asawa ng kapatid mo remember, mahiya ka naman.” “Tse, tumigil ka, Ariana!” putol ni Chiara sa inis. “Hindi kita tinawagan para makinig sa pintas mo or whatsoever. Akin si Venom, okay? walang ibang makikinabang sa kanya, ako lang.” “At bakit inagaw ba si Venom ng yaya na iyon?” “Hindi, pero iyon ang nararamdaman kung gagawin niya lalo na ng makita ko ang ginawa nito kanina. Kaya ano tutulungan mo ba ako, Oo o hindi?” Napabuntong-hininga naman si Ariana. “Sabi mo mabait si Amalie sa yaya niya, 'di ba?” “Oo.” “Kung ganoon ay gawin mo ang lahat para mahalin ka ni Amalie tulad ng pagmamahal niya sa kanyang yaya. Tutal Ikaw naman ang tiyahin niya.” “Eh kasi nakakainis naman ang batang iyon. The last time we talked, muntik ko na siyang sakalin. I don't think I can get her to like me dahil hindi naman niya ako gusto in the first place. (Tsaka parang mas bilib ito sa yaya niya kaysa sa akin.)” Ibinulong niya ang mga huling salita. “Normal lang iyan, dahil hindi ka naman kasi niya pa nakikilala ng matagal, Chiara. Pero anak siya ng kapatid mo, kaya alam kong makukuha mo pa rin ang loob nito.” Paliwanag ni Ariana kay Chiara. “Iyan na nga she is Nanami's daughter, that's why I hate her. But anyway, mag-isip ka pa ng ibang magagawa ko.” Sabi niya. Natahimik sandali si Ariana. “May plano ako pero. . .it's kinda evil. Kaya sa tingin ko hindi mo dapat gawin ito.” Sabi naman ni Ariana at nag aalangang sabihin ito sa kaibigan. “Hmmn, sound interesting,” sabat naman ni Chiara at ngumiti ng palihis. “Sa tingin ko magugustuhan ko ang planong ito. Tell me makikinig ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD