Chapter 33

3129 Words
“BAKIT ka gumagawa ng cordon blue, gabing gabi na ah?” tanong ni manang Eve kay Nanami. “Hindi kasi nag-hapunan si boss kanina, kaya ginawan ko siya ng pagkain, manang.” Sagot ni Nanami. “Bakit? May nangyari ba?” Nagkibit-balikat lamang si Nanami. “Wala naman po.” “Ganoon ba sige tiyak na magugustuhan niya iyan.” Sang-ayon ni manang Eve sa kanya. “Sige sa maid's quarter muna ako magpapahinga. Tawagan mo ako kapag tapos ka na, okay?” “Sige po manang.” Umalis na si Eve sa kusina. Nagdagdag pa si Nanami ng sauce sa lalagyan nito nang makarinig siya ng mga yabag mula sa kanyang likuran. Sa pag-aakalang si manang Eve iyon ay nagsalita siya dito, “Malapit na akong matapos manang. . . Lumingon siya sa pinto at nakita niyang may nakatayo doon at hindi si manang Eve gaya ng inaasahan niya. Ang hawak niyang kawali ay agad na natanggal sa kanyang kamay habang nakatitig siya sa taong nasa kanyang harapan na nakaawang ang bibig. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa karaniwang seryosong boses nito. Lumipat ang tingin nito sa plato na may lamang kaunting kanin at cordon blue na ginawa niya at tumigas ang mukha nito. Dahan-dahang napalunok si Nanami at nag-isip ng kasinungalingang sasabihin ngunit ang kanyang isip ay ganap na blangko. “May tanong ako sayo, 'di ba? Bakit hindi ka nasagot?” untag nito sa kanya. “Iho?” mula sa likuran ang malumanay na boses ni manang Eve ang nakaagaw ng atensyon kina Venom at Nanami. Napatingin ito kay Nanami at saka nagsalita, “Nanami, nandito ka pa rin? Akala ko na nakaalis ka na?” tanong ni Manang Eve kay Nanami. Palihim na umiling-iling si Nanami na nagbigay ng indikasyon kay manang na 'wag magsalita, “I was waiting for your return manang bago ako umalis. Ayokong masunog kasi ang niluluto mong pagkain ni Boss.” Sabi naman ni Nanami na nagets naman ni Manang. “Oh. Salamat iha at binantayan mo ang niluluto ko. Sigurado akong pagod ka na kaya kailangan mo ng pahinga.” Sabi naman ni Manang Eve kay Nanami. “Ayos lang po ako manang Eve. I don't mind give you a helping hand.” Habang tahimik na pinagmamasdan ni Venom ang dalawang babaeng nag-uusap sa kanyang harapan habang nakaimbag ang kanyang panga. “Venom, iho, may kailangan ka ba?” tawag ni Manang Eve kay Venom. “Bakit po siya nandito?” tanong nito. “Ah ayon kasi sa kanya. . . Pinutol ni Nanami ang sasabihin ni Manang Eve at siya na ang nagsalita. “Pumunta ako rito kasi para kumuha ng tubig na maiinom. Karaniwan kasi akong nauuhaw sa kalagitnaan ng gabi.” “Para kanino naman iyang cordon bleu na nasa plato?” tanong nito at tiningnan ng ang pagkain sa mesa. “Uhm! Para sa iyo, iho. Nabalitaan kong hindi ka kumain ng ayos ng hapunan kanina kaya nagpasya akong ipaghanda ka ng makakain, sorry kung hindi kita nasabihan.” Sabi ni manang Eve. Sinamaan ni Venom ng matalim na tingin si Nanami ng sabihin iyon ni manang. Knowing for a fact na ito ang dahilan kung bakit hindi siya nakakain ng ayos kanina. “Hindi, ayos lang manang. Nandito talaga ako para hilingin na gawan mo ako ng makakain. Pero nakagawa na pala kayo kaya salamat po.” Sabi nito sa mahinahon ng boses. Ngumiti si manang Eve at yumuko kay Venom. “Walang anuman iho.” “Kapag tapos na iyan, dalhin mo na lang sa kwarto ko, manang.” Bilin ni Venom kaya tumango si Eve kay Venom. “Okay, iho!” umalis na si Venom sa kusina nang hindi tinitingnan man lang si Nanami. Pagkaalis nito ay nakahinga ng maluwag si Eve, idiniin ang palad niya sa dibdib, at sumandal sa kitchen counter. “Hindi ko po alam na magaling ka rin palang magsinungaling.” Tumawa ng mahina si Nanami. “Sa linya ng buhay ko manang? Siyempre, kailangan kong mag-isip ng kasinungalingan nang mabilis. Anong inaasahan mo po manang kapag nalaman niya na ako ang gumawa niyan, kainin kaya niya?” Natatawang sabi ni Nanami. “Pareho tayong patay kung malaman niya ang katotohanan tungkol sa pagluluto mo sa kanya ng pagkain. Maaaring matanda na ako pero ayoko pang mamatay kaagad.” Sabi naman ni Manang Eve sa nagbibirong tuno. Ngumuso naman si Nanami at pinaikot ang mga mata. “Bakit kailangang kamatayan lang ang pinakamadalas kong marinig sa bahay na ito? Ang amo ba natin ay isang uri ng isang mamamatay-tao o ano?” na ko-curious na tanong niya sa matanda. Kinuha ni Eve ang plato sa counter table at binigyan ng babalang tingin si Nanami na 'wag ng mag-usisa pa tungkol kay Venom bago lumabas ng kusina. Sumunod naman si Nanami kay Eve, “Maaari mo po bang sagutin ang tanong ko? Mamamatay tao ba si Boss Venom?” pangungulit na tanong pa rin ni Nanami habang na nakacross arms ang kamay niya sa dibdib. Pero hindi na ito pinansin ni Manang Eve na mabilis ng iniwanan si Nanami na ikinabitin sa ere ang tanong niya. NAPAHINTO si Nanami sa pagsusulat at napakunot ang kanyang mga kilay habang nakatitig sa kanyang huling pangalang isinusulat, “Chiara.” Bulong niya. “Pag-isipan mo, bakit siya nandito sa sinusulat mo? Kung kapatid siya ng yumaong asawa ni Venom, ibig sabihin ay narito siya para makasama si Amalie. Gayunpaman. . . Ipinatong ni Nanami ang kanyang baba sa kanyang palad. . .pero parang mas interesado siya kay Venom kaysa sa pamangkin nito?” Sana mali ang ang iniisip niya. Dahil kung oo, ibig sabihin, silang dalawa na nasa bahay na ito ay magkatulad ang layunin. Ang kaibahan nga lang ay siya ay para sa kanyang nobelang isinusulat, at ang babaeng clown na iyon ay para sa pansariling interest! Nang mabagot siya sa pagsusulat ay lumabas muna siya sa hardin para magpahangin at nakita niya doon si Mela. “Nandyan ka pala!” sabi ni Nanami at sinamahan si Mela sa garden. Tumingala si Mela sa kanya at ngumiti. “Kababalik mo lang ba mula sa paghatid kay Miss Amalie sa paaralan?” tanong naman ni Mela kay Nanami. “Oo. Anong ginagawa mo?” “Nagbubungkal ako ng lupa sa mga bulaklak. Kailangan silang bungkalin bago diligan para lalong maa-absorved nila ang tubig.” “Maganda nga 'yan,” nakangiting saad ni Nanami. “Kailangan mo ba ng tulong?” nagkibit-balikat naman si Mela. “Hindi naman kailangan, kaya ko naman, kung gusto mo panoorin mo na lang ako.” “Okay sige, ahm Mela. Gaano ka na ba katagal nagtatrabaho rito?” tanong niya para may pag-usapan sila habang nandoon siya. “Uhm mag-aapat na taon na mula ng umuwi sila ni Sir dito galing Cebu sa kanilang bahay bakasyunan.” “Hulaan ko, may lahing italyano si boss, tama ba?” “Obvious naman 'di ba? Malalaman mo naman sa mukha niya, kahit may dugong pinoy si Sir mas malakas pa rin ang pagiging italyano niya.” Saad naman ni Mela. “Maiba ako kumusta ang istatus niyo ni Boa?” Nahinto si Mela sa pagbubungkal ng maitanong iyon sa kanya ni Nanami. “Ah okay naman kami, bakit mo naman na itanong?” “Wala lang mukha kasing may something kayo.” “W-Wala ah, magkaibigan lang kami.” Nauutal na sabi ni Mela kay Nanami. “Sus, babae rin ako Mela, alam ko sa kapwa ko babae kong may gusto siya sa isang lalaki aminin mo na ako lang ito.” Nahihiyang tumango si Mela na may maliit na ngiti sa labi hindi na niya itinago kay Nanami. “So tama nga ako gusto mo siya, kaya 'wag mo ng itangi. Halatang halata ko na.” Natatawang sabi ni Nanami. “Honestly,” tumigil ito, “Sana hindi ko na lang siya nagustuhan.” Dugtong pa nito. “Ah, bakit naman?” “Isang buwan ka pa lang at tingnan mo, napansin mo ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero siya kahit ilang beses ko ng ipinaramdam sa kanya ay hindi man lang niya napapansin. Hindi ko alam kung sinasadya niyang magpakatanga or talagang manhid lang siya.” Nalulungkot na sabi nito. “Sigurado akong darating din na malalaman niyang mahal mo siya. Kaya 'wag kang mawawalan ng pag-asa.” Paninigurado ni Nanami nalungkot siya para kay Mela. “Sana, pero ayoko ng umasa.” Bulong ni Mela. “Oh sige, tigilan mo na ang pagsimangot mo diyan, hindi bagay sayo.” “Bakit, dahil pumapangit ako?” “Oo.” Biro na pag-sang-ayon niya dito. “Haha, nakakatawa.” Kunyari ay nagtatampo ito. Pero mayamaya lang ay nagtawanan naman silang dalawa. “Masarap sa pakiramdam na sa wakas may makakausap ako rito sa bahay na kasing edad ko. Si manang Eve kasi tagapakinig ko lang at tanging kaibigan ko rito. Pero kahit na matanda na siya ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya bagaman may pagkakaiba sa pagitan namin ay madali pa rin itong maka-relate sa akin. Kahit minsan puro sermon ang nakukuha ko rito kapag nagkakamali ako, pero kahit na ganoon ito mahal ko iyon na parang tunay ko na ring ina.” Pagkukuwento nito sa kanya. Natahimik naman si Nanami at ngumiti dito. “Hoy, salamat sa pakikinig sa akin.” “Naku wala iyon, mabuti nga at may nakakausap na rin ako rito.” Nakangiting sabi ni Nanami. MAGKASABAY sina Marcel at Boa na palabas ng CCTV area at pumunta sa opisina ni Venom. “Boss.” Yukong bati nilang dalawa. “Paano nangyari iyon?” walang emosyong tanong ni Venoma sa kanila. Inilabas ni Boa ang kanyang I-pad at inilapag sa mesa sa harap ni Venom. “Hindi ko mahanap ang lokasyon niya.” Sabi ni Boa. “Na-hack mo ba ang bawat system doon?” “Oo, master. Pero hindi ko malocate ang kinaroroonan niya.” Tumango si Boa. “Nasaan na kaya ang bastos na iyon?” Napabuntong hininga si Venom at naikuyom ang kamao. “Patuloy mo siyang hanapin kahit suongin mo ang buong Mundo ay wala ako pakialam.” Galit na dugtong ni Venom. “Oo master, gagawin ko ang makakakaya ko para mahanap siya.” Tugon naman nito. PABABA ng hagdan si Chiara at dumiretso sa kusina. Kumuha ito ng isang baso ng orange juice saka lumabas sa sala. Uupo na sana ito sa sopa nang marinig niya ang tunog ng pinto. Isa iyon sa mga maid na hindi niya alam ang pangalan. Pero nakilala niya ang kasambahay na sobrang malapit kay manang Eve at doon sa b***h na babaeng iyon. “Hoy ikaw.” Masungit niyang tawag, naagaw ang atensyon ng dalaga kaya hindi natuloy ang pagpasok nito sa kusina. “Ako po ba ang kinakausap mo?” tanong ng kasambahay na lumilinga-linga sa paligid para siguraduhing siya ang kausap niya. “May iba pa bang tao sa paligid bukod sa iyo at sa akin?” nakataas kilay na tanong ni Chiara kay Mela. “Mela po kasi ang pangalan ko at hindi hoy, kaya akala ko po hindi ako.” Sabi ni Mela. “Ako ba'y pinagloloko mo?” naiinis na tanong ni Chiara. “Hindi po, ano po ba ang kailangan mo, ma'am?” tanong ni Mela at hindi na pinansin ang pagtataray ng babae at iniba ang usapan. Wala kasi siya sa mood makipag-away sa kapatid ng yumao ng asawa ng kanyang amo. Ininom ni Chiara ang juice na hindi niya naituloy inumin kanina. “Nasaan iyong babaeng b***h na yaya ni Amalie?” “Si Miss Nanami po ba?” paniniguro ni Mela. “Bakit sino pa ba ang yaya ni Amalie, kaya nasaan siya?” “Wala po siya sa bahay ngayon. Pinuntahan niya si Miss Amalie sa paaralan para sunduin doon.” “Gaano na ba siya katagal umalis?” tanong pa ni Chiara. Nag-isip si Mela ng ilang segundo. “Sampung minuto na po ang nakalipas.” “Good, asan si Venom.” Halatang naiirita na si Mela sa hindi mabilang na mga tanong ni Chiara pero wala siyang choice kundi sagutin ang mga iyon ng hindi nagrereklamo. “Lumabas sila ni Marcel hindi pa lang nagtatagal. May dahilan ba kung bakit mo po ako tinatanong sa lahat ng ito ma'am Chiara? kasi kung wala na ay pwede na ba ako umalis? madami kasi ako gagawin kung pwede?” saad ni Mela dahil tunay naman na marami pa siyang gagawin. Sumimangot si Chiara dahil sa sinabi ni Mela. “Bakit ba, dapat may dahilan? Sige na kunin mo na itong baso at umalis ka na sa harapan ko.” She snapped, walking away while parting her hair at sinagi si Mela. “And what about her questions stupid? Tatanong tanong sa akin, kapag ako nagtanong magagalit, tsk.” Na iinis na saad ni Mela sa sarili habang dinadampot ang baso na pinaginoman ng babaeng iyon at pumunta na siya sa kusina. Habang si Chaira naman ay agad na pumunta sa kanyang kwarto habang may sinasabi, “Kailangan kong magkaroon ng time alone kasama si Venom, ngunit hindi ko ito magagawa ng madali.” Napabuntong-hininga siya habang nakaupo sa kama, “Ano ang gagawin ko?” NAGLALAKAD-LAKAD si Nanami sa loob ng kanyang kwarto, bahagyang nakabukas ang kanyang pinto dahil nakalimutan niyang sarhan iyon kanina. Dahil wala siyang magawa at tapos na rin naman niyang asikasuhin ang kanyang alaga matapos nilang maghapunan. Humiga siya sa kama nang mapagod sa paglakad-lakad at tumingin sa kisame. Siya, si Amalie, at si Chiara ay natapos nang maghapunan ng mga oras na iyon, hindi sumama sa hapag si Venom dahil wala pa ito. Huminga ng malalim si Nanami at bumuntong hininga, nagpalit ng posisyon sa sa pagkakahiga padapa sa kama. Inilabas niya ang kanyang cellphone at nagsimulang magbasa ng isang nobela na paborito niyang basahin. Siguro ay sobrang galing lang talaga ng writer na sumulat nito dahil nadala siya sa bawat salitang nababasa niya. Kinagat ni Nanami ang pang-ibabang labi, huminga nang mabigat dahil naramdaman niya ang sarili niyang nadadala sa scene ng nobela. First time niyang makaramdam ng ganito dahil karamihan sa kanyang binabasa ay walang epekto sa kanya. Pero sa kanyang nabasa ngayon ay iwan niya kung bakit siya nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Ang mga bagay na ginagawa ng lalaki mula sa nobela sa babaeng lead ay eksakto kung ano ang gustong gawin sa kanya. Pumikit si Nanami at ini-imagine ang katawan ng isang lalaki sa ibabaw niya habang hinahalikan siya nito sa leeg. Ini-imagine niyang nakapulupot ang kamay nito sa leeg niya at sa katawan niya habang sinisigaw nito ang pangalan niya. Ang kanyang kamay ay nagsimulang gumalaw pababa sa kanyang underwear, wala siyang suot na pang ibaba. Kinagat ni Nanami ang ibabang labi habang pinapasok niya ang daliri sa loob ng kanyang panty. “Ah, fu*k!” napa-ungol siya dahil sa kanyang ginagawa. Ganito pala ang nararamdaman ng iba kapag nagbabasa ng isang intemate scene sa nobela lalo na kapag nadadala sa mga binabasa or pinapanood nila. Naimagine ni Nanami na hinahalikan siya ng isang lalaki sa kanyang buong katawan at isinisigaw ang kanyang pangalan sa sarap na pareho silang nakulong sa init ng kanilang mga nararamdaman. “Sh*t!” She moaned habang pinapalawak niya ang kanyang mga binti at patuloy niyang pinapalakbay ang sarili niyang mga kamay sa kanyang katawan. Lingid sa kanyang kaalaman, may isang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya sa bahagyang nakabukas na pinto habang siya ay nadadala sa kanyang ginagawa. BASA ang buong mukha ni Nanami dahil naghilamos siya ng mukha para mawala ang mainit na pakiramdam niya kanina, bigla kasi siyang natauhan sa kanyang ginawa at itinigil ang ginagawa at ’di itinuloy ang gagawin, kaya inis siyang bumababa ng hagdan papunta sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha siya ng isang pitsel ng tubig at nagbuhos ng tubig sa hawak niyang baso at agad niya itong ininom. Gumaan ang pakiramdam niya matapos niyang makainom ng malamig na tubig. Kung makikita lamang siya ng kanyang mga kaibigan siguradong aalaskahin siya ng mga ito dahil sa kanyang pinaggagawa sa sarili. Sumandal si Nanami sa counter at uminom ulit ng tubig at nagpakawala ng malalim na paghinga. Paano niya nagawa ang ganoong bagay? Hindi niya maimagine ang kanyang itsura habang ginagawa niya iyon. Kung may ibang nakakita panigurado siyang magpapalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Oo, nagustuhan niya ang ginagawa pero hindi pa rin tama tulad sa kanya na isang dalaga at hindi pa man lang nakakatikim ng ganoong bagay. “Fvck, ang laswa mo self, 'wag mo na iyong uulitin ah?” bulong niya sa kanyang sarili at muli siyang nagsalin ng tubig sa kanyang baso. Biglang bumukas ang pinto ng kusina na nakakuha ng kanyang atensyon. Biglang lumingon si Nanami kung sino ang pumasok at nakita niya si Venom na nakatayo roon na may malalim na pagkunot-noo sa noo nito. May nangyari ba sa kanya? Nagtatakang tanong niya sa kanyang isipan habang mataman silang nagkatinginan sa isa't isa. Ang mga mata niya ay gumagala sa katawan ni Venom ng mapansin niyang nakaboxer short lang ito at kita ang magandang hubog ng mga muscle nito. He was looking so hot and sexy as always. Nakakatuwa kung paanong ilang minuto ang nakalipas mula ng ginawa niya ang bagay na iyon sa kanyang imahinasyon at nagkataon lang bang pareho sa kanyang ini-imagine ay sakto sa itsura ngayon ng kanyang amo? Napalunok si Nanami ng kanyang sariling laway at kinagat ang ibabang labi habang nagiging mababaw ang kanyang paghinga. Teka, may pagnanasa na naman ba siyang nararamdaman? Kailanman ay hindi siya nagnasa sa isang lalaking tulad nito. Kaya nakakagulat na may maramdaman siya ng ganito para dito. Lalo na at hindi naman sila nagkakausap ng matagal? Nilagpasan siya ni Venom ng tuluyan na itong makapasok sa kusina at pumunta sa refidgerator at binuksan nito at kumuha ng isang bote ng tubig. “Boss,” mahinang bati ni Nanami at bahagyang yumuko ang ulo dahil sa pagbati. Hindi siya nito pinansin at tahimik na uminom lang ng tubig at nang matapos nitong inumin ang tubig ay dinurog-durog nito ang wala ng laman na bote ng mineral at itinapon iyon sa basurahan. Nagtungo na ito sa pintuan ngunit huminto ito ng bahagya at lumingon sa kanya. Nakakuyom ang kamao nito at saka nagsalita. “Palagi mong isara ang iyong pintuan dahil sound proof naman iyon, pero kung nakabukas iyon maririnig nila ang ingay ng kahit na sinumang taong mag-iingay doon lalo na kung may kakaiba kang ginagawa.” Saad nito at saka masama siya nitong tinginan at naglakad na palabas ng kusina pagkatapos. Napaawang ang bibig ni Nanami, at halos madulas sa kanyang kamay ang basong hawak niya. “Diyos ko. Nakita niya ba ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD