Chapter 34

4422 Words
PUMIKIT si Venom at itinaas ang ulo, habang diretsong nakaharap sa umaagos na tubig. Kakauwi lang niya at balak sana niyang silipin muna ang kanyang anak kung tulog na ito. Pero nang madaanan niya ang silid ng yaya nito ay may naulinigan siyang parang nanaginip, kaya na curious siya kaya nilapitan niya ang nakaawang nitong pintuan nang makita niyang bahagyang nakabukas iyon. May kung anong pwersa ang gusto siyang pasilipin sa nakabukas na silid nito. Kaya sa hindi niya alam na dahilan ay sumilip naman siya at nagulat siya sa kanyang nakita. Si Nanami na nakahiga habang bahagyang umuungol habang naglalakbay ang sarili nitong mga kamay, sa sarili nitong katawan na tanging saplot lang nito ay sando at underwear lamang. Ilang minuto siyang natulala at nang makabawi sa pagkabigla ay mabilis siyang umalis doon at tumungo na lamang sa kanyang silid at kalimutan na niyang silipin ang kanyang anak. Kaya heto siya ngayon nasa tapat ng kanyang shower habang naliligo ng malamig na tubig sa kanyang katawan. 'Ano ang ginagawa nito sa kanya? Bakit siya nakakaramdam ng ganito nang makita niya ang ginagawa ni Nanami sa sarili nito?’ Napaungol siya at dinagdagan pa ang lamig ng tubig para maibsan ang nararamdaman niyang init sa katawan. Hindi siya kumibo o lumayo nang tumama sa balat niya ang malamig na malamig na tubig na iyon. Nasa loob ng kanyang isipan ang imahe ni Nanami habang nakahiga ito sa kama habang pinapaligaya nito ang sarili nitong katawan, kahit anong pilit niyang iwaksi ito ay patuloy pa rin itong nakikita sa kanyang isipan. Ang halinghing nito na parang sarap na sarap habang hinihimas ang sarili nitong katawan at kung paano nito paligayahin ang sarili sa sarili nitong hagod. Bakit hindi niya maalis sa kanyang isipan ang nakita niya rito? Bumaba ang tingin niya sa sariling alaga at nakita niya kung gaano iyon napukaw. Five f*cking good years and he has never felt this way until now. Mula nang mamatay ang kanyang mahal na asawa ay may bahagi sa kanyang sarili ang ibinaon sa lupa kasama ng katawan ng kanyang asawa na hindi na siya muli pang makakaramdam ng ganito sa kahit na sinong babaeng makikita o makasama. Kinagat ni Venom ang kanyang ibabang labi, at muling umuungol habang ibinaba ang kanyang ulo na ngayon ay nakaharap na sa sahig. “Kailangan ko na talagang paalisin ang babaeng iyon sa bahay niya. Dahil hindi na niya alam kung makokontrol pa niya ang kanyang sarili sa babaeng iyon. Bumuntong-hininga siya at pinakalma ang kanyang sarili at tinapos na ang pagligo. Bumaba siya sa kusina para uminom ng malamig na tubig pero natigilan siya ng makitang nandoon ang yaya ng kanyang anak. PUMASOK sa loob ng silid nilang mag-asawa ang ama ni Nanami, habang hinuhubad ang necktie. Ngunit napatigil ito nang makita ang asawa niyang nag-iimpake ng mga damit. “Mahal anong ginagawa mo?” tanong niya at pinapanood ang pagtiklop ng mga damit nito sa isang traveling bag. “Oh, nandiyan ka na pala honey.“ Ngumiti ito sa kanya pero hindi ito tumigil sa ginagawa nito. “Oo. Bakit ka nag iimpake ng mga damit? May pupuntahan ka ba?” Tumango lang si Matilda at tinapos na ang ginagawa. “Saan? At bakit hindi mo sinabi sa akin? Magbabakasyon ka bang hindi ako kasama?" “Well, hindi ako magbabakasyon.” Kumunot ang noo ng asawa nito at nagtanong ulit. “Anong ibig mong sabihin?” “Tinawagan ko si Adrian kanina. Gusto kong malaman kung nakausap na ba niya si Nanami at kung pareho na silang bumalik sa pagiging magkasintahan. Pero guess what, umiiwas pa rin daw ang baliw mong anak kay Adrian.” Huminga ng malalim si Rodel at umiling iling. “Huwag mong sabihin sa akin na pupuntahan mo ang anak mo?” “Kung iyan ang iniisip mo, tama ka!” “What akala ko nangako kang hinding- “Hindi ko siya pakikialaman!” putol nito sa sasabihin sa asawa. “Oo, at sinira mo ang pangako mo. Bakit ang hilig mong ipakasal si Nanami sa Adrian na iyon?” “Ilang beses ko bang sasabihin sayo, na kailangan ko itong gawin, dahil naipabalita ko na naikakasal na ang anak natin. At ayaw kong mapahiya tayo sa kanila.” Madiing sagot nito sa kanya. “Noong sinabi ko sa iyo ang tungkol sa sakit ni Nanami at kailangan niya ang kalinga ng isang ina, hindi mo man lang siya napuntahan para bisitahin. Kahit na ang kanyang buhay ay nanganganib na. Pero dahil sa lintik na kasal na iyan ay handa kang puntahan siya doon. Nakikilala mo pa ba ang sarili mo?” galit na sabi ni Rodel at hinawakan ng mahigpit ang asawa sa braso nito. “Huwag kang mag simula ngayon, Rodel please. Hindi ako handang makinig sa sermon mo, okay? ako ay isang masamang ina sige na, masama na kung masama. Gusto ko lang kung ano ang makabubuti para sa iyo, sa akin, at sa ating kompanya." “Pero paano naman si Nanami?” Tinapos ni Matilda ang pag-impake ng kanyang mga damit at isinara ang zipper niyon, “Pinili niya ang kanyang landas na mag-isa nang umalis siya dito sa puder natin. Iyon ang nakatatak sa isip ko, wala naman siyang pakialam sa akin, bilang nanay niya. Pero ako iniisip ko ang reputasyon natin at buhay niya, kaya nga gusto ko siyang iuwi dito.” “Hindi ka niya itinuturing na ina, dahil ayaw mo sabihin na ikaw ang tunay niyang ina, at hindi si Edna.” Sagot naman ng tatay ni Nanami. “Pwede ba Rodel, sabihin mo na lang ang address ng anak natin para mapuntahan ko na siya.” “Nangako ako na hindi ko na siya guguluhin pa at tutuparin ko ang pangako kong iyon hanggang sa mamatay ako.” Matigas na tutol naman nito kay Matilda. “Rodel!” Naiinis na itong napasigaw sa asawa. “Ayoko!” “Ano ba, ibigay mo na. Gusto kong malaman kung bakit niya iniiwasan ang mga tawag ni Adrian. At saka wala na akong oras. Kailangan maganap na ang kasal na matagal ko ng pinaghandaan. Hindi ko na hahayaang ipahiya ulit ako ng batang iyon. Hindi kailanman.” She cleared her throat at kinuha ang maleta niya. “Ano, ihahatid mo ba ako sa airport o ano?” “Hindi na ba mababago ang isip mo, hindi ba?” tanong ni Rodel sa kanya matapos nitong mapabuntong hininga ng malalim. “Never!” “Sige kung iyan ang gusto mo, sana lang tama iyang ginagawa mo, dahil kapag napahamak ang anak natin sa kagagawan mo hinding hindi kita mapapatawad.” “Oo na Oo na, ano sasabihin mo na sa akin saan ang address niya sa Maynila?” “Itetext ko na lang pero hindi ba huli na para pumunta sa Maynila gabi na?” “Ang mag biyahe sa gabi ang pinakagusto ko, honey, don't worry wala akong gagawin sa anak natin. Kukumbinsihin ko lang siyang sumama na sa akin pauwi dito.” Sagot ni Matilda sa mahinahong tono. “DANIE, may kumakatok sa pintuan, bumaba ka muna saglit at tingnan kung sino ang nasa pinto. May niluluto kasi ako baka masunog please!” sabi ni Laila kay Danie. “Coming!” sagot naman nito at nagmadali namang bumaba si Danie at binuksan ang pinto. “Salamat naman at binuksan mo na ang pinto, akala ko ay aabutin na ako dito ng ilang dekada.” Bungad ng isang may edad nang babae kay Danie na ikinakunot ng noo nito. “Ikaw, parang pamilyar ka.” Bulong ni Danie sa bisita. “Nasaan si Nanami?” matigas na tanong ni Matilda. “Si Nanami?” Nanlaki agad ang mga mata ni Danie ng maalala ang ginang. “Oh, no, madrasta ni Nanami.” Bulong nito. “Sino iyan sis?” tanong ni Laila mula sa likod ni Danie. “Step mom ni Nanami,” sagot naman ni Danie kay Laila na hindi inaalis ang tingin sa may edad ng babae. Nagmamadaling namang binuksan pa ni Laila ang pinto nang mas malawak para tignan ang bisita nila. Nanlaki din ang mata ni Laila at napamura sa isip. Pumasok si Matilda sa apartment nila Nanami kahit hindi pa nila ito inaanyayahan ito. “Bakit po ba kayo napadalaw tita, Matilda?” tanong ni Laila. “Nasaan si Nanami?” tanong ng ginang. “Wala po siya dito.” Sabay silang sumagot ni Danie. Napakunot ang noo ni Matilda habang nakatingin sa kanila. “Wala siya dito? Sa ganitong oras at araw? linggo ngayon ah?” “Sobrang abala siya sa trabaho niya tita kaya wala siya dito,” sabi ni Laila at hindi sinabing hindi na doon nakatira ang kaibigan. “Iyon ba ang dahilan kung bakit siya nagpasya na isantabi ang kanyang relasyon kay Adrian dahil sobrang workaholic niya na kahit linggo may work pa rin siya?” hindi makapaniwalang saad ni Matilda. “Huh!” sabay na sagot ng dalawa at hindi nagustuhan ang sinabi ng matanda. “Nagsumbong sa akin si Adrian, tungkol sa kawalan ng interes ni Nanami sa kasal at sa relasyon nila. Bakit pa niya tinanggap ang proposal in the first place kung wala siyang pakialam doon?” “Hindi mo po naiintindihan ang sinabi mo, ’nay.” Mahinahong sabi ni Laila at asar na tinawag itong inay. “Huwag mo akong tatawaging inay. Hindi ako matanda!” iritableng sagot ni Matilda; At ano ang hindi ko naiintindihan, ha? Sana ay hindi niloloko ni Nanami si Adrian dahil kasalanan iyon.” “Wala ka pong alam sa nangyari sa dalawa kung anuman po ang sinabi ng magaling na lalaking iyon kay Nanami ay hindi iyon totoo. Saka po naranasan mo na po bang mag-alala kay Nanami gaya ng pag-aalala mo kay Adrian na walang kwenta?” sabi ni Laila bago pa niya na pigilan ang sarili. “Excuse me?” ipinikit ni Matilda ang kanyang mga mata sa inis at saka masamang tiningnan si Laila. Dahan-dahan namang umiling si Danie patungo sa kanyang matalik na kaibigan, tahimik na sinasabi sa kanya na huwag ng magsalita ng anuman sa nanay ni Nanami. She might be annoying b***h but nothing change the fact na siya pa rin madrasta ni Nanami. “Ako po ay humihingi ng paumanhin tita.” Mahinang saad ni Laila kahit na inis na siya sa nanay ni Nanami at kinagat nito ang ibabang labi. “Ikaw!” tinuro ni Matilda si Laila. “Gusto kong tawagan mo si Nanami ngayon din at sabihin sa kanya ang pagdating ko. Agad-agad.” Utos nito kay Laila at saka pumasok ito sa kusina nila. “Bakit siya pupunta sa kusina?” bulong ni Danie at nanlilisik ang tingin sa nakasarang pinto ng kusina kung saan pumasok si Matilda. “Ang taray talaga ng madrasta ni Nanami kung maka asta kay Nanami ay parang siya ang tunay na ina nito.” Naiinis na pa ring saad ni Laila, habang nakatingin sa kusina. “Huwag mo na lang siyang pansinin, Danie, Alam mo naman na ganoon na iyon, simula’t sapol. Ang taas ng tingin sa sarili, kung ’di naman sa daddy ni Nanami, wala siya sa kinalalagyan nito. Kaya nga nagtataka ako kung paano nakaligtas si Nanami sa mga araw ng kanyang pagkabata ng nasa kanila pa ito at kasama ang isang babaeng tulad nito.” Mahabang sabi naman ni Laila at napabuntong hininga. “Maiba ako, tatawagan mo ba talaga si Nanami at pauuwiin para lang sa madrasta niya?” tanong ni Danie at tumingin kay Laila. Nagkibit-balikat naman si Laila at kinuha ang phone niya. “May choice ba ako? Sana lang ay handa na si Nanami na harapin muli ang kanyang madrasta after all these years.” Sagot ni Laila at dinial ang number ni Nanami. BUMABA si Amalie sa sasakyan at nagpaalam sa kanyang yaya at driver bago nagmamadaling pumasok sa school building. Umattend ng piano lesson si Amalie, muntik na nilang makalimutang may piano lesson ito ng Sunday dahil iyon lang ang available na rest day ng kanyang tutor sa music. “Manong pwede po ba ihatid mo muna ako sa isang bookstore may bibilhin po kasi akong libro isang oras pa naman bago natin sunduin si Amalie.” Pakiusap ni Nanami sa driver. “Oo, naman!” pinaandar nito ang sasakyan palabas ng compound ng school para ihatid si Nanami sa National bookstore na malapit sa eskwelahan ni Amalie. Nagring ang phone ni Nanami kaya dinukot niya ito sa bulsa at nakita ang caller ID. Isang malaking ngiti ang sumilay sa labi niya nang sagutin niya ang tawag. “Hello, bitch.” Sagot ni Nanami sa tumawag. “Nanami!” sagot ni Laila, hindi tumugma sa kanyang excited na enerhiya ang boses ng kanyang matalik na kaibigan. “Hey! Ayos ka lang?” “Kailangan mong umuwi.” “Saan sa apartment natin? Teka, nasa workplace ka ba?” “Wala nasa bahay kami ngayon ni Danie dahil linggo at walang pasok.” “Ay Oo, nga pala! So bakit mo ako pinapauwi, may nangyari ba?” nag-alalang tanong ni Nanami. “Sa tingin ko, ikaw mismo ang dapat na pumunta dito para malaman mo, sige na magmadali ka ah!” sagot nito at agad na ibinaba ang tawag at iniwan si Nanami sa estado ng pagkalito. “Uhm, Manong?” “Ano iyon?” “Pwede mo ba akong ihatid sa bus stop?” “Ah, bakit? akala ko sa bookstore tayo pupunta?” “Nakatanggap lang po ako ng tawag. Pinapunta ako ng kaibigan ko at hindi maganda ang boses niya sa telepono. Natatakot ako na baka may nangyari sa kanila.” “Sige basta bago mag isang oras ay dapat makabalik tayo agad ah.” Saad naman ng driver. “Iyon nga po ang problema kung sakaling hindi ako makabalik agad, bago umuwi si Amalie ay mangyaring hilingin kay Mela na siya muna ang sumundo kay Amalie, Please po emergency lang!” Nag-alinlangan man ay tumango na lang ang driver at mukhang may emergency nga talaga itong pupuntahan. “Sige. Sana hindi ka malagay dito sa gulo, Miss Nanami, kapag nalaman ni Venom iyan!” “Ako pong bahala, manong, salamat!” sagot na lang ni Nanami para maihatid na siya nito sa may sakayan ng bus. CHAPTER 35 NANG makarating si Nanami sa apartment nilang magkakaibigan ay pumasok agad ito sa loob at hindi na nag-abalang kumakatok. Nag-aalala siyang inilibot ang kanyang tingin sa loob ng sala. Ang una niyang nakita sa sala ay si Danie. “Hoy, babae.” Bumangon ito sa couch at niyakap siya. “Kumusta ka na?” dugtong nito. “Ayos lang ako. May problema ba bakit nyo ba ako pinauwi may nangyari ba?” tanong niya at tumingin sa paligid. “Nasaan si Laila?” “Nasa kusina.” Sagot nito. “LAILA, NANDITO AKO!” Sigaw ni Nanami. Bumukas ang pinto ng kusina at lumabas si Laila. “Hello, baby girl.” Ngumiti ito at nagyakapan sila. “Kumusta?” “Uhm, I was fine until you called me over like that. Ganoon mo na ba ako ka-miss, ha kaya mo ako pinauwi? Malungkot ka sa telepono at nag-alala. Iniisip ko na baka may nangyari sa inyo.” Si Nanami at hinampas pa si Laila sa braso. “Mabuti naman at dumating ka na?” sabi naman ng pamilyar na boses mula sa hagdanan na umagaw sa atensyon ng tatlong magkakaibigan. Sumikip ang dibdib ni Nanami. Dahan-dahan niyang nilingon ang hagdanan at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang ginang na hindi niya gugustuhing makita. “Matagal tayong hindi nagkita,” Ngumisi si Matilda kay Nanami. Magkatapat na nakaupo sina Nanami at Matilda na parehong nakatitig sa isa’t isa. Walang umiimik sa kanila. Umalis sa sala sina Danie at Laila para bigyan ng privacy ang dalawa. Tila mahaba ang katahimikan hanggang sa tuluyang binasag ito ni Matilda. “Dalawang linggo na lang kasal mo , bakit hindi ka pa rin nakikipag-ayos kay Adrian?” “Pumunta ka lang ba rito dahil diyan? Hindi na ako ikakasal kay Adrian matapos ng ginagawa niya sa akin, five years ago.” Galit na saad ni Nanami sa kanyang madrasta na kung makaasta sa kanya ay para niyang sariling ina. “Nagbibiro ka hindi ba?” “Hindi ako nagbibiro, hindi na ako nakikipag-balikan sa kanya at lalong lalo na ang magpakasal pa sa manlolokong iyon.” Matigas na sabi niya rito. Tumawa si Matilda at masama niyang tinitigan si Nanami. “Wala na akong nararamdaman para sa kanya. Ang naramdaman ko para sa kanya ay namatay na limang taon na ang nakakaraan.” “Ano bang pinagsasabi mo? tinanggap mo ang proposal niya noon, hindi ba?” “Noon iyon, pero matapos niya akong lokohin never na akong magpapakasal sa kanya.” “Kung ano man ang pinagsasabing kasinungaling si Adrian sa inyo ni dad ay hindi iyon totoo. Never na kaming engaged in the first place. Naghiwalay kami five years ago dahil nahuli ko sila ni Precilla na naghahalikan.” Galit na kwento niya sa madrasta. “Sinungaling ka, alam kung ikaw ang nagloko sa kanya dahil naniniwala ako kay Adrian.” Sagot naman ni Matilda at hindi pinaniniwalaan si Nanami. “Hindi ko naman hinihiling sa inyo ni Dad na paniwalaan ako. P-pero alam ng Diyos na siya ang nagloko hindi ako.” May paninindigang saad ni Nanami. “I'm sorry for agreeing with the lie of your so perfect son-in-law kaya walang kasal dahil hindi ako magpapakasal sa isang manloloko at sinungaling na bastard gaya ni Adrian.” “Nagsisinungaling ka lang Nanami kahit kailan talaga ay gagawin mo ang lahat para lang suwayin kami ng ama mo. Alam mo ba kung gaano karaming maimpluwensyang tao ang naghihintay sa kasalang ito? May ideya ka ba kung gaano tayo mapapahiya kapag nabaliwala ang kasalang ito. Madami sa kasusyo ng daddy mo na expected na magpapakasal ka. Tapos babaliwain mo na lang ba ang reputasyon ng pamilyang ito at isipan tayo na wala tayong isang salita?” galit na wika nito. “Wala akong pakialam! alam ko naman na sarili mo lang ang iniisip mo dahil ayaw mo pahiya sa mga amiga mo na kailanman ’di ka nila itinuturing na amiga.” Napasigaw na si Nanami dahil sa sobrang inis. “Listen, I don't care what’s going on between you and Adrian, but one thing is for sure, ikakasal ka sa kanya.” Sabat naman nito kaya napangisi si Nanami. “So tama nga ako sarili ninyo lang ni Daddy ang iniisip nyo. Paano naman ang damdamin ko? Sabagay wala ka naman pakialam sa nararamdaman ko dahil hindi mo naman ako anak. Gusto mo lang pasakitan ako dahil sa mommy ko. Ako ang pinag-babalingan mo ng dahil inagaw ni mommy si Daddy sayo.” Galit na ring saad ni Nanami. “’Ni hindi mo pinapakinggan ang sinabi ko. Niloko ako ni Adrian at ipinagpalit sa ex-best friend ko na si Precilla, five years ago kaya iyon ang dahilan ng break up namin. Kaya hindi ko siya pakakasalan. Hindi kailanman.” Dugtong pa ni Nanami at tumayo na siya sa pagkaka-upo. “Hindi mo alam ang sinasabi mo para sayo itong ginagawa ko? Hindi totoo iyang sinasabi mo na ikaw ang ginagantihan ko sa pang-aagaw ng ina-inahan mo, kaya kita ginaganito, wala kang alam sa mga pangyayari.” Napatayo na rin si Matilda at nilapitan si Nanami. “A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Nanami at saka masamang tiningnan si Matilda ng marinig niya ang sinabi nito tungkol sa kanyang mommy. “Panahon na siguro para malaman mo ang totoo.” Napabuntong hininga si Matilda. Oras na siguro para sabihin niya ang totoo kay Nanami. Dahil iyon lang ang paraan para maisama niya ito pauwi at ng maipakasal na niya ang kanyang anak dahil nakahanda na ang lahat. “'Wag mo na pong bilugin ang ulo ko kaya kung anuman iyang mga kasinungalingan mo na sasabihin sa akin ay hindi na magbabago ang isip ko. H-hindi ko pakakasalan si Adrian. Sabihin mo iyan kay Daddy.” Aalis na sana si Nanami nang magsalita si Matilda. “Magpapakasal ka kay Adrian sa ayaw o sa gusto mo.” Kaya marahas na napalingon muli si Nanami sa madrasta niya habang may naguguluhang ekspresyon. “Hindi kita susundin dahil wala kang karapatan na kontrolin ako, madrasta lang kita kaya 'wag kang umastang parang ikaw ang tunay kong ina, dahil hindi ikaw si mommy.” Naiinis na naiiyak si Nanami dahil sa pagiging pakialamera nito sa buhay niya kahit noon pa. Aalis na si Nanami ng magsalita si Matilda. “Bumalik ka rito, hindi pa tayo tapos mag-usap may karapatan ako dahil ako ang tunay mong ina.” Sigaw ni Matilda na pumuno sa buong sala. Napahinto naman sa paglalakad si Nanami at na istatwa sa kanyang kinatatayuan. “Makinig kang mabuti. Ako ang tunay mong ina at hindi ang kinagisnan mong mommy na si Edna.” Simula ni Matilda sa malumanay nang boses. Marahas na lumingon si Nanami at sa pagkakataon na ito ay hindi na nito kinokontrol ang sarili dahil kalabisan na ang mga kasinungalingan nito. Para lamang makipagbalikan siya sa manlolokong iyon at ipakasal ito. “'Wag ka hong magbiro ng ganyan, tigilan nyo iyan habang may paggalang pa ako sainyo. H-hindi na kayo nakakatuwa bakit kita magiging sariling ina eh! sabi ng mommy ay kabit ka lang ni dad at sila mommy at daddy ang tunay na nagmamahalan.” Nanginig na tanong ni Nanami dahil sa galit. “Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko dahil sayo? Naranasan kong kutyain dahil pagiging madrasta moo at kabit ni daddy. Muntik na akong magpakamatay dahil hindi ko matanggap na pinagpalit ni daddy si mommy dahil sayo. Kasalanan mo ang lahat! Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Anong kasalanan ang nagawa ko para magkaroon ako ng madrastang katulad mo? Tapos ngayon sasabihin mong ikaw ang tunay kong ina? Napakasama mo talaga.” Umiiyak na si Nanami habang inilalabas niya ang matagal na niyang hinanakit dito dahil hindi na niya kinakaya ang kasamaan ng madrasta niya mula pa noon. “Kung ayaw mong maniwala ay itanong mo na lang sa daddy mo pero sinasabi ko sayo Nanami ako ang tunay mong ina. Nasa sayo na lang iyan kung paniniwalaan mo ako at ang daddy mo. Kaya kapag nalaman mo ang totoo. Umuwi ka na sa bahay dahil tuloy ang kasal niyo ni Adrian sa ayaw mo man o sa gusto.” Sabi nito sa nakataas na kilay at hindi man lang ito nakitaan ni Nanami ng lungkot o kahit anumang emosyon. Kinuha lamang nito ang handbag at tinungo ang pinto. Binuksan nito iyon at saka ibinalik ang tingin kay Nanami na hindi gumagalaw habang lalong bumuhos ang mga luha nito sa mga mata. “Kahit lumuha ka riyan ng dugo ay hindi mo na mababago na ako ang tunay mong ina, na isang kabit ng daddy mo dahil na rin sa kagagawan ng kinilala mong ina.” Huling sabi nito bago ito tuluyang umalis ng may ngiti sa labi. Saktong pagkasara ng pinto ni Matilda ay napaiyak na ng tudo si Nanami habang nagagalit at napapasigaw. Habang nag simulang bumalik ang mga alaala niya noong bata pa siya hanggang sa puntong naglayas siya dahil sa kasamaan na pinaggagawa ng kanyang madrasta na magiging posibleng tunay niya palang ina. Ang nakaraan ay bumalik sa kanya upang multuhin siya at sa pagkakataong ito ay dumating ito sa anyo ng isang punyal na tumutusok sa kanyang dibdib na nagbabalak na patayin siya dahil sa rebelasyong narinig niya mula rito. Hindi niya matanggap na magiging ina niya ang tulad ni Matilda na walang ibang ginawa sa kanya kundi ang saktan siya ng paulit ulit. Bumaba ng hagdan sina Danie at Laila na nagulat din sa kanilang narinig tungkol kay Nanami. Niyakap siya ng mga ito kaya lalo siyang humagulhol sa pag-iyak. “N-Nanami!” mahinang tawag ni Laila na nagpipigil ng luha. Pinunasan ni Nanami ang mga luha niya matapos niyang umiiyak. “I. . .I should go.” “Pero_” si Laila na hindi alam ang gagawin o sasabihin sa kanyang umiiyak na kaibigan. “Ayos lang ako,” Tumalikod na siya at lumabas ng apartment nila kahit anong tawag ng dalawa ay hindi ito nagpapigil sa pag-alis. “Hindi siya okay, tama?” tanong ni Danie kay Laila. Umiling si Laila at pinagmasdan ang papalayong si Nanami. UMUPO si Nanami sa gilid ng kalsada habang nakatingin sa mga sasakyan ng bus, at mga taong pabalik-balik sa kanyang harapan. “Makinig kang mabuti. Ako ang tunay mong ina at hindi ang kinagisnan mong mommy na si Edna.” Ang mga salita ni Matilda ay umalingaw-ngaw sa isipan ni Nanami na nagbabalik sa mga hindi niya gustong alaala. Malakas na umiling si Nanami at nagsimulang tumawa na nakakuha ng atensyon ng mga dumadaan. “Nagsisinungaling lang si Matilda, hindi siya ang tunay kong ina, si mommy Edna lang ang kanyang mommy at wala ng iba. Kailangan ko ng inumin para kumalma ako.” Bulong niya at tumigil sa pagtawa na parang nababaliw dahil maya-maya ang tawa ay naging iyak na. “Isang bote ng tequila, please!” utos ni Nanami habang umuupo sa isa sa mga upuan sa may bar counter. “Ang ibig mong sabihin ay isang shot ng tequila tama?” tanong ng bartender na si Jovan at baka kasi nagkamali lang siya ng pandinig. Sinamaan siya ng tingin ni Nanami. “Isang bote nga ’di ba, magbabayad ako kahit gaano pa iyan kamahal kaya bigyan mo ako isang bote.” Wala sa mood at galit na sabi ni Nanami. “Ahhm, oo nga po isang bote, heto na.” Inilabas ni Jovan ang isang bote ng tequila at iniabot sa kanya. “May mga kasama ka ba at isang bote ang inorder mo.” Curious na tanong ni Jovan sa babae. “Ako mismo ang iinom bakit bawal ba? saka pwede ba isipin mo na lang ang sarili mong problema.” Binuksan niya ang bote at uminom iyon ng agaran na halos makalahati na ni Nanami ang laman niyon. Tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Jovan habang walang tigil siya sa pag-inom. Masyado pang maaga para uminom ng ganoon kalakas na alcohol ang isang magandang babaeng tulad nito, pero parang walang pakialam ang dalaga tungkol doon at parang may matindi itong mabigat na problemang dinadala? AN: HI morning pasensya na kung now lang nag update busy lang ka ayan double update tayo ngayon enjoy reading guys
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD