Chapter 35

2019 Words
NANG makarating si Nanami sa apartment nilang magkakaibigan ay pumasok agad ito sa loob at hindi na nag-abalang kumakatok. Nag-aalala siyang inilibot ang kanyang tingin sa loob ng sala. Ang una niyang nakita sa sala ay si Danie. “Hoy, babae.” Bumangon ito sa couch at niyakap siya. “Kumusta ka na?” dugtong nito. “Ayos lang ako. May problema ba bakit nyo ba ako pinauwi may nangyari ba?” tanong niya at tumingin sa paligid. “Nasaan si Laila?” “Nasa kusina.” Sagot nito. “LAILA, NANDITO AKO!” Sigaw ni Nanami. Bumukas ang pinto ng kusina at lumabas si Laila. “Hello, baby girl.” Ngumiti ito at nagyakapan sila. “Kumusta?” “Uhm, I was fine until you called me over like that. Ganoon mo na ba ako ka-miss, ha kaya mo ako pinauwi? Malungkot ka sa telepono at nag-alala. Iniisip ko na baka may nangyari sa inyo.” Si Nanami at hinampas pa si Laila sa braso. “Mabuti naman at dumating ka na?” sabi naman ng pamilyar na boses mula sa hagdanan na umagaw sa atensyon ng tatlong magkakaibigan. Sumikip ang dibdib ni Nanami. Dahan-dahan niyang nilingon ang hagdanan at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang ginang na hindi niya gugustuhing makita. “Matagal tayong hindi nagkita,” Ngumisi si Matilda kay Nanami. Magkatapat na nakaupo sina Nanami at Matilda na parehong nakatitig sa isa’t isa. Walang umiimik sa kanila. Umalis sa sala sina Danie at Laila para bigyan ng privacy ang dalawa. Tila mahaba ang katahimikan hanggang sa tuluyang binasag ito ni Matilda. “Dalawang linggo na lang kasal mo , bakit hindi ka pa rin nakikipag-ayos kay Adrian?” “Pumunta ka lang ba rito dahil diyan? Hindi na ako ikakasal kay Adrian matapos ng ginagawa niya sa akin, five years ago.” Galit na saad ni Nanami sa kanyang madrasta na kung makaasta sa kanya ay para niyang sariling ina. “Nagbibiro ka hindi ba?” “Hindi ako nagbibiro, hindi na ako nakikipag-balikan sa kanya at lalong lalo na ang magpakasal pa sa manlolokong iyon.” Matigas na sabi niya rito. Tumawa si Matilda at masama niyang tinitigan si Nanami. “Wala na akong nararamdaman para sa kanya. Ang naramdaman ko para sa kanya ay namatay na limang taon na ang nakakaraan.” “Ano bang pinagsasabi mo? tinanggap mo ang proposal niya noon, hindi ba?” “Noon iyon, pero matapos niya akong lokohin never na akong magpapakasal sa kanya.” “Kung ano man ang pinagsasabing kasinungaling si Adrian sa inyo ni dad ay hindi iyon totoo. Never na kaming engaged in the first place. Naghiwalay kami five years ago dahil nahuli ko sila ni Precilla na naghahalikan.” Galit na kwento niya sa madrasta. “Sinungaling ka, alam kung ikaw ang nagloko sa kanya dahil naniniwala ako kay Adrian.” Sagot naman ni Matilda at hindi pinaniniwalaan si Nanami. “Hindi ko naman hinihiling sa inyo ni Dad na paniwalaan ako. P-pero alam ng Diyos na siya ang nagloko hindi ako.” May paninindigang saad ni Nanami. “I'm sorry for agreeing with the lie of your so perfect son-in-law kaya walang kasal dahil hindi ako magpapakasal sa isang manloloko at sinungaling na bastard gaya ni Adrian.” “Nagsisinungaling ka lang Nanami kahit kailan talaga ay gagawin mo ang lahat para lang suwayin kami ng ama mo. Alam mo ba kung gaano karaming maimpluwensyang tao ang naghihintay sa kasalang ito? May ideya ka ba kung gaano tayo mapapahiya kapag nabaliwala ang kasalang ito. Madami sa kasusyo ng daddy mo na expected na magpapakasal ka. Tapos babaliwain mo na lang ba ang reputasyon ng pamilyang ito at isipan tayo na wala tayong isang salita?” galit na wika nito. “Wala akong pakialam! alam ko naman na sarili mo lang ang iniisip mo dahil ayaw mo pahiya sa mga amiga mo na kailanman ’di ka nila itinuturing na amiga.” Napasigaw na si Nanami dahil sa sobrang inis. “Listen, I don't care what’s going on between you and Adrian, but one thing is for sure, ikakasal ka sa kanya.” Sabat naman nito kaya napangisi si Nanami. “So tama nga ako sarili ninyo lang ni Daddy ang iniisip nyo. Paano naman ang damdamin ko? Sabagay wala ka naman pakialam sa nararamdaman ko dahil hindi mo naman ako anak. Gusto mo lang pasakitan ako dahil sa mommy ko. Ako ang pinag-babalingan mo ng dahil inagaw ni mommy si Daddy sayo.” Galit na ring saad ni Nanami. “’Ni hindi mo pinapakinggan ang sinabi ko. Niloko ako ni Adrian at ipinagpalit sa ex-best friend ko na si Precilla, five years ago kaya iyon ang dahilan ng break up namin. Kaya hindi ko siya pakakasalan. Hindi kailanman.” Dugtong pa ni Nanami at tumayo na siya sa pagkaka-upo. “Hindi mo alam ang sinasabi mo para sayo itong ginagawa ko? Hindi totoo iyang sinasabi mo na ikaw ang ginagantihan ko sa pang-aagaw ng ina-inahan mo, kaya kita ginaganito, wala kang alam sa mga pangyayari.” Napatayo na rin si Matilda at nilapitan si Nanami. “A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Nanami at saka masamang tiningnan si Matilda ng marinig niya ang sinabi nito tungkol sa kanyang mommy. “Panahon na siguro para malaman mo ang totoo.” Napabuntong hininga si Matilda. Oras na siguro para sabihin niya ang totoo kay Nanami. Dahil iyon lang ang paraan para maisama niya ito pauwi at ng maipakasal na niya ang kanyang anak dahil nakahanda na ang lahat. “'Wag mo na pong bilugin ang ulo ko kaya kung anuman iyang mga kasinungalingan mo na sasabihin sa akin ay hindi na magbabago ang isip ko. H-hindi ko pakakasalan si Adrian. Sabihin mo iyan kay Daddy.” Aalis na sana si Nanami nang magsalita si Matilda. “Magpapakasal ka kay Adrian sa ayaw o sa gusto mo.” Kaya marahas na napalingon muli si Nanami sa madrasta niya habang may naguguluhang ekspresyon. “Hindi kita susundin dahil wala kang karapatan na kontrolin ako, madrasta lang kita kaya 'wag kang umastang parang ikaw ang tunay kong ina, dahil hindi ikaw si mommy.” Naiinis na naiiyak si Nanami dahil sa pagiging pakialamera nito sa buhay niya kahit noon pa. Aalis na si Nanami ng magsalita si Matilda. “Bumalik ka rito, hindi pa tayo tapos mag-usap may karapatan ako dahil ako ang tunay mong ina.” Sigaw ni Matilda na pumuno sa buong sala. Napahinto naman sa paglalakad si Nanami at na istatwa sa kanyang kinatatayuan. “Makinig kang mabuti. Ako ang tunay mong ina at hindi ang kinagisnan mong mommy na si Edna.” Simula ni Matilda sa malumanay nang boses. Marahas na lumingon si Nanami at sa pagkakataon na ito ay hindi na nito kinokontrol ang sarili dahil kalabisan na ang mga kasinungalingan nito. Para lamang makipagbalikan siya sa manlolokong iyon at ipakasal ito. “'Wag ka hong magbiro ng ganyan, tigilan nyo iyan habang may paggalang pa ako sainyo. H-hindi na kayo nakakatuwa bakit kita magiging sariling ina eh! sabi ng mommy ay kabit ka lang ni dad at sila mommy at daddy ang tunay na nagmamahalan.” Nanginig na tanong ni Nanami dahil sa galit. “Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko dahil sayo? Naranasan kong kutyain dahil pagiging madrasta moo at kabit ni daddy. Muntik na akong magpakamatay dahil hindi ko matanggap na pinagpalit ni daddy si mommy dahil sayo. Kasalanan mo ang lahat! Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Anong kasalanan ang nagawa ko para magkaroon ako ng madrastang katulad mo? Tapos ngayon sasabihin mong ikaw ang tunay kong ina? Napakasama mo talaga.” Umiiyak na si Nanami habang inilalabas niya ang matagal na niyang hinanakit dito dahil hindi na niya kinakaya ang kasamaan ng madrasta niya mula pa noon. “Kung ayaw mong maniwala ay itanong mo na lang sa daddy mo pero sinasabi ko sayo Nanami ako ang tunay mong ina. Nasa sayo na lang iyan kung paniniwalaan mo ako at ang daddy mo. Kaya kapag nalaman mo ang totoo. Umuwi ka na sa bahay dahil tuloy ang kasal niyo ni Adrian sa ayaw mo man o sa gusto.” Sabi nito sa nakataas na kilay at hindi man lang ito nakitaan ni Nanami ng lungkot o kahit anumang emosyon. Kinuha lamang nito ang handbag at tinungo ang pinto. Binuksan nito iyon at saka ibinalik ang tingin kay Nanami na hindi gumagalaw habang lalong bumuhos ang mga luha nito sa mga mata. “Kahit lumuha ka riyan ng dugo ay hindi mo na mababago na ako ang tunay mong ina, na isang kabit ng daddy mo dahil na rin sa kagagawan ng kinilala mong ina.” Huling sabi nito bago ito tuluyang umalis ng may ngiti sa labi. Saktong pagkasara ng pinto ni Matilda ay napaiyak na ng tudo si Nanami habang nagagalit at napapasigaw. Habang nag simulang bumalik ang mga alaala niya noong bata pa siya hanggang sa puntong naglayas siya dahil sa kasamaan na pinaggagawa ng kanyang madrasta na magiging posibleng tunay niya palang ina. Ang nakaraan ay bumalik sa kanya upang multuhin siya at sa pagkakataong ito ay dumating ito sa anyo ng isang punyal na tumutusok sa kanyang dibdib na nagbabalak na patayin siya dahil sa rebelasyong narinig niya mula rito. Hindi niya matanggap na magiging ina niya ang tulad ni Matilda na walang ibang ginawa sa kanya kundi ang saktan siya ng paulit ulit. Bumaba ng hagdan sina Danie at Laila na nagulat din sa kanilang narinig tungkol kay Nanami. Niyakap siya ng mga ito kaya lalo siyang humagulhol sa pag-iyak. “N-Nanami!” mahinang tawag ni Laila na nagpipigil ng luha. Pinunasan ni Nanami ang mga luha niya matapos niyang umiiyak. “I. . .I should go.” “Pero_” si Laila na hindi alam ang gagawin o sasabihin sa kanyang umiiyak na kaibigan. “Ayos lang ako,” Tumalikod na siya at lumabas ng apartment nila kahit anong tawag ng dalawa ay hindi ito nagpapigil sa pag-alis. “Hindi siya okay, tama?” tanong ni Danie kay Laila. Umiling si Laila at pinagmasdan ang papalayong si Nanami. UMUPO si Nanami sa gilid ng kalsada habang nakatingin sa mga sasakyan ng bus, at mga taong pabalik-balik sa kanyang harapan. “Makinig kang mabuti. Ako ang tunay mong ina at hindi ang kinagisnan mong mommy na si Edna.” Ang mga salita ni Matilda ay umalingaw-ngaw sa isipan ni Nanami na nagbabalik sa mga hindi niya gustong alaala. Malakas na umiling si Nanami at nagsimulang tumawa na nakakuha ng atensyon ng mga dumadaan. “Nagsisinungaling lang si Matilda, hindi siya ang tunay kong ina, si mommy Edna lang ang kanyang mommy at wala ng iba. Kailangan ko ng inumin para kumalma ako.” Bulong niya at tumigil sa pagtawa na parang nababaliw dahil maya-maya ang tawa ay naging iyak na. “Isang bote ng tequila, please!” utos ni Nanami habang umuupo sa isa sa mga upuan sa may bar counter. “Ang ibig mong sabihin ay isang shot ng tequila tama?” tanong ng bartender na si Jovan at baka kasi nagkamali lang siya ng pandinig. Sinamaan siya ng tingin ni Nanami. “Isang bote nga ’di ba, magbabayad ako kahit gaano pa iyan kamahal kaya bigyan mo ako isang bote.” Wala sa mood at galit na sabi ni Nanami. “Ahhm, oo nga po isang bote, heto na.” Inilabas ni Jovan ang isang bote ng tequila at iniabot sa kanya. “May mga kasama ka ba at isang bote ang inorder mo.” Curious na tanong ni Jovan sa babae. “Ako mismo ang iinom bakit bawal ba? saka pwede ba isipin mo na lang ang sarili mong problema.” Binuksan niya ang bote at uminom iyon ng agaran na halos makalahati na ni Nanami ang laman niyon. Tahimik naman siyang pinagmamasdan ni Jovan habang walang tigil siya sa pag-inom. Masyado pang maaga para uminom ng ganoon kalakas na alcohol ang isang magandang babaeng tulad nito, pero parang walang pakialam ang dalaga tungkol doon at parang may matindi itong mabigat na problemang dinadala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD