“SAAN ka pupunta?” tanong ni Chiara na nakatitig kay Mela na papalabas na ng bahay.
“Susunduin ko si Miss Amalie sa school.” Sagot ng kasambahay.
“Paano si Nanami? Nasaan siya?”
“May importante siyang gagawin.”
“Gaano kahalaga iyon at ang pagsundo kay Amalie ay kinalimutan niya?”
“Hindi ko alam. Pero ayon sa kanya, ito ay personal.”
“Anong meron sa yaya na iyan?” sabi ni Chiara. “Mas importante pa ba iyan kaysa sa pamangkin ko? Nababaliw na ba siya?” Natahimik si Mela at napataas ang kilay.
“Nandito naman ako. Ako na mismo ang susundo kay Miss Amalie sa school.”
“No need, ako na ang susundo sa pamangkin ko.”
“Pero. . .
“Ako na sabi, umalis ka na sa paningin ko at 'wag ka ng umangal pa.” Tinulak ni Chiara si Mela sa dadaanan nito at lumabas na agad ng bahay.
“Ang bruhang iyon, nanulak pa. Ang sama talaga ng ugali.” Bulong ni Mela at naiinis na pumasok na lang sa kusina.
Tuwang-tuwang lumabas si Amalie mula sa school at tumatakbo papunta sa kanyang sundo.
Ngunit agad ding nawala ang ngiti ng makita niya ang kanyang tita na nakatayo sa tabi ng sasakyan habang nag si-cellphone.
Dahan-dahang naglakad si Amalie, patungo sa sasakyan na may nakaplaster na simangot sa mukha. “Bakit po ikaw ang sumundo sa akin?”
Napalingon si Chiara mula sa kanyang cellphone papunta kay Amalie.
“Yes ako nga mahal kong pamangkin.”
“Bakit ikaw po ang nandito para sunduin ako? Nasaan ang ate Nanami ko?” tanong nito.
Napabuntong-hininga si Chiara na bahagyang nagkibit-balikat. “Ayaw niyang sunduin ka kaya nag-offer ako na ako na ang susundo sayo.”
“Nagsisinungaling ka po. Hindi aayaw si ate Nanami na sunduin ako. It’s either pinilit mo siyang 'wag akong sunduin or baka busy siya.” Depensa ni Amalie.
Bumaba si manong Roman sa sasakyan.
“Manong Roman,” tawag ni Amalie at lumapit sa matanda. “Nasaan po si Ate Nanami?”
“May importante siyang aasikasuhin iha, emergency raw sa kanila.” Sinsero nitong sagot.
“Manong!” angal ni Chiara na umagaw sa atensyon ng dalawa. “Bumalik ka nga sa kotse walang humihingi ng sagot, ikaw na matanda ka.” Galit na sabi ni Chiara sa pagsabi nito ng totoo kay Amalie.
“Hindi po ganyan ang pagkakausap sa isang elder, ang bad mo naman po tita.” Sabi naman ni Amalie at masamang tiningnan si Chiara.
“At hindi rin ganyan ang paraan para makipag-usap sa tita mo. Pumasok ka na nga sa kotse.” She snapped at binuksan ang pinto sa backseat.
Naiinis namang sumakay na lang si Amalie sa sasakyan at hindi nagpasalamat sa kanyang tita nang buksan nito ang pinto ng sasakyan. Pero bago ito masarhan ni Chiara ay nagsalita si Amalie.
“'Wag mo po ako sigawan, si ate Nanami nga ay ni minsan hindi niya ako sinigawan.”
“Sisigawan kita kung kailan ko gusto ko. Dahil pamangkin lang kita.” Galit na sinara nito ang pinto at sumakay na rin sa kotse si Chiara sa tabi ni Amalie.
Gulat na tinitigan ni Amalie ang tiyahin at hindi makapaniwala sa inasal nito. Naiiyak na naiinis siya dito.
“UMALIS ka na Miss.” mahinahong sabi ni Jovan sa babaeng kanina pa umiinom at halatang lasing na ito.
Sinamaan siya ng tingin ni Nanami. “Bakit? Natatakot ka bang baka magkalat ako dito.” Paisa isang saad ni Nanami at hindi na maayos ang salita nito.
“Hindi naman po sa ganoon kaya lang baka hindi ka na makauwi dahil sa kalasingan, bawal pa naman dito matulog.” Nakiki-usap si Jovan dito.
“Hindi pa ako lashing(lasing)!”
“Lasing ka na!”
“Sabi ko ngang hindi pa ako lashing(lasing), bakit ba ang kuhit(kulit) mo.” Namumungay na sabi ni Nanami at uminom ulit ito ng alak na patawa-tawa pa.
Itinaas naman ni Jovan ang tatlong daliri sa harap ng mukha ni Nanami, “Kung hindi ka pa nga lasing sige nga miss, ilan ito.”
Kinusot ni Nanami ang kanyang mga mata at tinitingnan ang mga daliri na nasa harapan niya at sinipat iyon habang naniningkit ang mga mata nito. “Uhm, sampu.” Ngingisi-ngising sagot nito.
“Tama ako 'noh, sinabi ko sa iyo na hindi pa ako lasing.”
Napabuntong-hininga naman si Jovan at umiling-iling. “Nasaan ang cellphone mo?”
Kumunot ang noo ni Nanami. “Anong gagawin mo sa phone ko? Teka,” she dramatically gasped, hawak ang kanyang bag at inilapit sa kanyang dibdib. “Magnanakaw ka noh?” sabay tawa nito.
“Hindi ako magnanakaw. Kailangan ko iyang cellphone mo para matawagan ko kung sino man iyang nasa contact mo para sunduin ka na rito.” Ginulo ni Jovan ang kanyang buhok dahil malapit na siyang maubusan ng pasensya kay Nanami.
“Malapit na kaming magsara dahil mamayang alas syete na iba na ang. . .ah never mine, amin na ang cellphone mo ng makauwi ka na.”
“Ayaw ko,” Nanami's snapped na nakaagaw ng atensyon ng mga nasa paligid ng bar hindi na matao doon at mangilan ngilan na lang ang napasok sa bar.
“Hindi ko kailangan ng tulong ng sinuman. Kaya ko namang umuwi mag-isa.” Sabi pa nito at tumayo na siya sa pagkaka-upo naglabas ito ng ilang libo sa wallet at saka nagpasuray-suray sa paglalakad papalabas sa bar.
Pero bago ito tuluyang makalabas ay nag dirty finger pa si Nanami sa bartender habang may ngisi sa labi.
Umiling iling naman si Jovan at bumuntong-hininga, ngayon lang siya nakakita na ganoong babae pero sa isip-isip nito ay, “Makaka-uwi kaya ito mag-isa. Sana naman ay ligtas itong makauwi.”
“MASTER nandito na tayo.” Pahayag ni Marcel at binuksan ang backseat ng sasakyan para makalabas si Venom.
Bumaba naman ito at inilagay ang kanyang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa.
“Maghihintay ako dito, ikaw na ang pumasok doon at kunin ang mga dokumento sa aking opisina.”
Yumuko naman si Marcel at sinunod ang utos ni Venom. “Sige po. Ngunit hindi mo ba iimpeksyon ang loob?”
“Hindi na muna at wala ako sa mood magalit ngayon kapag nakakita ako ng hindi maayos sa loob.”
Muling yumuko si Marcel at pumasok na sa loob ng Club at dumaan sa likod dahil mas malapit doon ang opisina ni Venom.
Makalipas ang ilang segundo ay may isang babae ang lumabas sa club at pasuray suray itong naglalakad at halos mapaluhod na ito sa lupa. Pero maya maya ay umayos ulit ito ng tayo at naglakad na ulit kahit mabuyaw pa ang lakad nito. Tumingin tingin ito sa paligid na may malawak na ngiti sa labi.
“Bakit parang baliktad ang mundo, hihihi!” Tanong nito sa sarili at pinikit pikit ang mga mata at sa pagmulat nito ay may nakita siyang lalaki na parang pamilyar sa kanya habang nakatayo ito at nakasandal sa isang sasakyan.
Guwapo ang lalaki at parang modelo kung makatayo ito. Kahit nakayuko ito ng bahagya habang nagsi-cellphone ay halata mong gwapo ito.
“D*mn, shino (sino) ang gwapong iyon hihihi?” Inayos niya ang kanyang damit at handbag at lumapit siya sa lalaki habang nakangisi at nang aakit na ngumiti.
“Helow (hello), handsome!” She grinned like an idiot na nakaagaw sa atensyon ng lalaki.
Tumingala naman si Venom mula sa kanyang cellphone at kumunot ang noo nang makita ang mukha ng babaeng bumati sa kanya.
Kumunot ang noo niya at tumingin sa paligid bago muling ibinalik ang tingin sa babae.
“Anong ginagawa mo rito?” madiing tanong nito kay Nanami, habang inilalagay nito ang kanyang telepono sa bulsa ng kanyang pantalon.
Ngumiti naman si Nanami at sinagot ang tanong ng lalaki, “Nagsasaya ako. Alam mo medyo pamilyar ka. Kilala ba kita?” nakangiti ito pero maya lang ay napakunot ang noo at kinikilala ang kausap.
Naikuyom ni Venom ang kanyang kamao. Anong ginagawa ng yaya ng kanyang anak sa harap ng kanyang club na lasing? Hindi ba dapat nasa bahay ito para alagaan ang kanyang anak?
“Amoy alak ka. Bakit ka nandito alam mo bang delikado sa isang babaeng lasing ang mag-isa sa ganitong lugar, idiot!?” angal niya kay Nanami at hahawakan sana ito sa braso ng gumiwang ito sa pagkakatayo at napaupo sa kalsada.
“Hoy.” Pinandilatan siya nito; Hindi kita kilala para hawakan ako. Hindi kita nilapitan para pagalitan ako. Lumapit ako para lang makipag-usap sa gwapong katulad mo hehehe.” Pag-iiba ng mood nito na kanina ay galit ngayon naman ay natatawa at tumayo at lumapit sa kanya at hinawak ang pisngi ni Venom.
Tinulak naman siya ni Venom papalayo sa sarili nito na tila napaso sa ginawa ni Nanami. “Huwag mo akong hawakan.” Gigil na saad niya rito.
“Aba, ang arte mo naman para hawak lang eh, sige na hahawak lang naman isa lang please!” nawala ang ngiti sa mukha ni Nanami at sumimangot ng umiwas ulit ang lalaki sa kanya.
Walang emosyon naman ang mukha ni Venom at masamang tiningnan si Nanami.
Huminga naman ng malalim ang huli at saka umupo sa lupa nang hindi niya mahawakan ang gwapong lalaki.
“Gusto mo bang makarinig ng kwento?” Mayamaya ay nagsalita ito at sumeryoso ang mukha nito.
Hindi naman umimik si Venom at pinakinggan lang nito si Nanami.
“Isang kwento ng isang babae na ang pangalan ay Nanami Heart Dela Cruz. Ay teka, parang ako yata iyon si Nanami.” She giggled at saka tumigil at ipinagpatuloy ang pagkukwento.
“Isa raw akong masamang anak dahil sa pagrerebelde dahil pinalitan ni Dad ang kinagisnan kong ina ng mamatay ito noong anim na taong gulang pa lang ako. At ang masakit pa ay ang kabit ng daddy ko ang dahilan kung bakit namatay si mommy.” Huminto ito sa pagsasalita at saka tumawa habang lumuluha.
“Imagine, naging nanay nanayan ko ang kabit ng daddy ko, kaya sinong matinong anak ang matutuwa at tatanggapin ang lahat ng iyon.” Pagpapatuloy na sabi nito na tila hindi na ito lasing; Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko at ng ibang mga tao dahil wala raw dignidad ang pamilya ko dahil pinakasalanan ng ama ko ang kabit niya, nakakatawa 'di ba?” baling nito kay Venom at saka ngumisi.
“Hoy, hindi ka ba natatawa? tawa naman diyan ang kj mo, sige kung ayaw mo tumawa ay makinig ka na lang ulit dahil hindi pa ito tapos.” Tawa ulit nito at pinagpatuloy ang pagkukwento.
“Kahit saan ako pumunta noon ay puro pangungutya ang naririnig ko. Kaya never ko pinakisamahan ng maayos ang babaeng kabit ng ama ko mula ng magkaisip ako.
Pero ito, kung makaasta sa akin ay parang siya ang tunay kung ina. Dahil lahat ng gawin ko pinakikialaman niya kaya lalo akong nag rebelde na salungat sa kagustuhan nito. Kaya siguro isang araw, kahit na nakita niya akong kinidnap noong bata pa ako ay hindi man lang niya ako tinulungan o hinanap, dahil mas gusto nitong mawala na lang ako sa landas nila ni Daddy. D-dahil nga naman puro sakit sa ulo na lang ang dala ko sa kanila.” Napalunok si Nanami sa point na iyon upang pipigilan ang mga luhang nagbabadya nang tumulo at huwag mapahagulhol.
Habang si Venom naman ay naintriga sa kinukwento ni Nanami na halos mahiga na ito sa lupa sa kalasingan.
“Ang sama niya hindi ba? pinabayaan niya ako na makuha ng baliw na kumidnap sa akin. Kunyari natakot siya pero ang totoo pinabayaan niya ako kasi matagal na niyang gusto akong mawala sa buhay niya kasi nga naman para sa kanya mapunta ang mamanahin ko. Alam mo ba noon, takot na takot ako lalo na ng maranasan ko noong ang kalupitan nang kumidnap sa akin. Lahat ng takot noon ay naramdaman ko at naranasan ko. Lalo na nang ikulong ako sa bodega ng kumidnap sa akin at ginutom ako ng limang araw. Hindi ko naman iyon sana mararanasan kung iniligtas lang ako ng babaeng iyon. P-pero dahil sa kapabayaan nito ay naranasan kong maabuso ng ibang tao na hindi ko naman deserve na maranasan. Umabot ng halos isang buwan bago ako nakatakas at nahanap. Pero ni minsan, hindi ko man lang nakita sa mukha nito ang pagsisisi dahil kapabayaan nito. Kaya lalo akong nagtanim ng galit sa kanya. Never ko siyang naringgan na humingi ng sorry sa akin. Kaya nang magkaisip ako ay pinilit kong makaalis sa puder ng ama ko, para kalimutang ang sakit na dinanas ko noon.” Mahabang kwento ni Nanami habang humihikbi.
Tumayo na ito at tinitigan si Venom na nakatitig din pala sa sa kanya. Tumabi si Nanami kay Venom na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikilala dahil sa kalasingan.
Bumulong siya tenga nito. “Alam mo bang naisip ko noon na patayin ang kabit ni Daddy. Pero wala akong karapatang gawin iyon dahil kasalanan sa Diyos iyon. P-pero alam mo ba ang pinakamasakit sa lahat. . .” Nagsimula ulit itong tumawa habang umiiyak at napaatras ng isang hakbang bago ulit nagsalita.
“Ang kinikilala kung madrasta at nag pahirap sa buhay ko, ay siya pa. . . siya pala ang tunay kong ina! Narinig mo iyon, ina ko siya at ang akala kong ina ko ay hindi ko pala totoong ina, nakakatawa 'di ba! Ang gulo ng buhay ko!!” Iyak nito habang tumatawa ng mapakla pinunasan nito ang sarili nitong mga luha bago ngumiti pero walang emosyon ang mga mata nito.
“Okay lang kung ayaw mong magsalita, I get it! Hindi mo naman ako kilala ang importante nakinig ka sa kwento ko. Wala naman kasing gugustuhing makilala sa isang babaeng may napakasamang nakaraan. I guess that was the reason why Adrian cheated on me with my ex- best friend ’di ba ang saya talaga ng buhay ko, Ohh!?” Umiiyak habang natatawa.
Hindi pa rin nakibo si Venom at malalim lang itong nakatingin sa kanya at walang mababakas na anumang emosyon sa mga mga mata rin ni Venom.
“Alam mo parang may kamukha ka talaga, pero nah, hindi ikaw iyon dahil makita lang niya ako ay galit na iyon at nakasinghal na kaya malabong pakikinggan niya ang mga kwento ko kaya hindi ikaw iyon.” Muli itong lumapit sa lalaki at nakakapagtaka, hindi siya nito tinulak palayo hindi tulad kanina.
“Huwag mong sabihin kahit kanino ang kwento ko ah, kundi hahalikan kita.” Nangiting sabi nito pero mababakas pa rin ang tinatago nitong sakit at pighati sa buhay.
“Alis na ako ah, napasarap ang kwento ko. Baka kasi kapag hindi pa ako bumalik sa arogante kong amo ay masabihan na naman niya ako ng ‘I will kill you.’ He, he! Nice meeting you, Mr. Handsome, bye!” She winked at nag flying kiss pa ito kay Venom bago ito tuluyang tumalikod at lumayo nang ilang hakbang pero huminto ulit ito pagkatapos noon.
Hindi kumibo si Venom at hindi rin siya gumalaw sa kinatatayuan at pinagmamasdan lang ang bawat kilos ni Nanami.
“Nasa bahay na pala ako!!” biglang sabi nito at muntik ng mabuwal. Ibinaba nito ang bag na hawak sa lupa at saka bigla itong humiga doon; “Home sweet home,” sigaw nito at unti-unting humiga sa kalsada at doon na ito nakatulog habang may maliit na ngiti sa labi nito.
At doon lang nagkaroon ng ekspresyon si Venom habang umiiling iling.
Sakto namang lumabas sa club si Marcel kung saan ito pumasok kanina at lumapit kay Venom.
“Eto na po ang mga dokumento, master. Hiniling sa akin ng manager na sabihin sa iyo ang ilang bagay na kailangan sa club. Kaya medyo natagalan ako sa pagbaba, kaya po ay humihingi ako ng paumanhin.” Sabi naman ni Marcel kay Venom pero wala itong sinabi sa kanya bagkus ay nakatitig lang ito sa unahan na parang may tinatanaw.
Sinundan ni Marcel ang tinititigan ng kanyang amo, kung anong nakakainterest na bagay ang nakakuha ng atensyon nito.
Kaya nanlaki ang mata ni Marcel ng makita ang yaya ni Amalie ay nakahiga sa lupa at mahimbing na natutulog.
“What the hell?”