Chapter 37

2543 Words
LUMINGA-linga si Adrian sa paligid para hanapin ang isang partikular na tao sa gitna ng karamihan. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at dinial ang number ni Matilda. Ilang sandali itong tumunog hanggang sa tuluyan nang sinagot ang kanyang tawag. “Adrian, nasaan ka?” “Kakarating ko lang po sa sinabi n’yong lugar. Nasaan ka po?” “Pumunta ka sa coffee shop sa tabi ng kinatatayuan mo nandiyan ako.” “Sige po.” Pinatay niya ang tawag at pumasok sa coffee shop sa kanyang likuran. Iilang tao lang sila sa shop kaya madaling namataan ni Adrian ang madrasta ni Nanami. Kumaway siya rito at naglakad palapit na may malawak na ngiti. “Tita!” tawag niya habang papalapit sa mesa kung saan ito nakaupo at saka umupo sa tapat nito. “Kailan ka po dumating tita? Kakarating mo lang ba?” Umiling ito bago nagsalita, “Hindi kaninang umaga pa ako dumating.” “Bakit hindi mo po ako tinawagan para nasundo kita sa airport.” “Masyado pang maaga at malamang tulog ka pa ng mga oras na iyon.” “Umorder muna tayo ng maiinom.” Kinaway niya ang isang waiter at nag-order. “Magandang araw ma'am and sir, what's your order?” ngumiti ang dalaga na masayang tumingin sa kanila. Tumango si Matilda sa waitres. ”Gusto ko ng capochino ikaw, Adrian anong gusto my treat ko.” Sabi nito sa binata. “Black American coffee na lang sa akin, please!” sabi naman ni Adrian. Isinulat naman ng waitres ang order nila at umalis na. Napangiti si Adrian, “Natutuwa po akong nandito ka tita. Saan ka po pala tumutuloy?” “Sa hotel ako naka check in.” “Ganoon po ba? ano po pala ang ginagawa ninyo dito tita?” Hindi nagsalita si Matilda at bumalik ang waitress na dala na ang mga order nila at inilagay sa harap nila at umalis na agad ito. Kinuha ni Matilda ang kanyang kape at ininom iyon. “Pinuntahan ko si Nanami sa tinutuluyan niya at nakausap ko siya. “Talaga tita anong sabi niya.” Excited na tanong ni Adrian sa matanda. “Adrian alam mo naman noon pa ay gusto na kita para kay Nanami.” “Opo tita. Palagi mong inaalagaan ang relasyon namin noon ni Nanami.” Nakangiting sagot naman ng binata kay Matilda. “Kaya natutuwa akong alam mo iyon.” Uminom din si Adrian nang kape bago ulit tiningan ang ginang. “Lagi ka bang tapat sa akin, Adrian?” tanong nito na ikinakunot ng noo nito. “Oo naman po. Bakit mo po naitanong?” kinakabahang tanong ng huli. “Sigurado ka bang wala kang inililihim sa akin?” tanong ulit nito na nakataas ang isang kilay sa kanya. Nag-alinlangan si Adrian bago tumango. “Opo.” “Nakausap ko si Nanami kaninang umaga at sinabi niya sa akin ang isang bagay na ikinagulat ko.” Bumagsak ang panga ni Adrian at pautal utal na nagtanong. “A-ano po a-ang sinabi niya tungkol sa akin?” “Mukhang natatakot ka, anak. Anong meron may dapat ka bang sabihin sa akin?” Napalunok si Adrian. “W-Wala naman po. I'm just wondering kung ano po talaga ang sinabi sayo ni Nanami?” “Isang bagay na inaasahan kong kasinungalingan lang mula sa kanya. Kaya tatanungin ulit kita may dapat kabang sabihin, iyong totoo Adrian at ayaw ko na magsinungaling ka pa sa akin ngayon ?” ‘Sh*t, sinabi na yata ni Nanami ang totoo.’ Napaungol siya at naikuyom ang kanyang kamao. “Wala ka bang sasabihin?” diniinan ni Matilda ang pagtatanong at pinagmasdan si Adrian mabuti. “H-humihingi po ako ng paumanhin, tita.” Kinakabahang wika nito. “Ano ang hinihingi mo ng paumanhin? Ang pagsisinungaling o ang pandaraya sa akin?” tanong ulit ni Matilda kay Adrian. ‘What the hell? Sinabi na talaga ni Nanami ang nangyari sa limang tao na ang nakalipas.’ Muling bulong sa isip ni Adrian. “Pareho po.” Umpisa nito na kinakabahan. “Diyos meyo, so totoo nga ang mga sinabi sa akin ni Nanami?” gulat at napabumuntong-hininga sabi ni Matilda at pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok. “Paano mo nagawa iyon sa kanya Adrian?” hindi makapaniwala si Matilda na totoo nga ang mga sinabi ni Nanami sa kanya. “Hindi ko po sinasadya ang nangyari tita, bigla na lang pong nangyari ang lahat. Pero po maniwala kayo tita nagsisisi na po ako sa nagawa ko kay Nanami.” “So niloko mo nga siya at sa ex best friend pa talaga ni Nanami mo siya ipinagpalit?” Napahinto ito sa sinasabi; “Grabe ka. Hindi ko alam ang gagawin sa iyo ng ama ni Nanami kapag nalaman niya ito. Hindi lang si Nanami ang niloko mo, nagsinungaling ka pa sa amin na si Nanami ang nakipaghiwalay sayo? Ginawa mo kaming mga tanga?” naiinis na saad ni Matilda. Mabilis na lumuhod si Adrian sa paanan ng magiging biyenan niya sana, “Tita, sorry nagkamali ako natakot lang ako na kapag nalaman nyo ang totoo ay magalit kayo sa akin, at saka ho ay nagsisisi na talaga ako sa nagawa ko kay Nanami, maniwala kayo sa akin.” Mahabang paliwanag nito kay Matilda. Luminga-linga si Matilda para makita ang mga nasa coffee shop na nakatingin sa kanila at karamihan sa kanila ay may mga mapanghusga ang mukha. “Anong ginagawa mo, tumayo ka nga hindi mo ko kailangang luhuran ako hindi ako santa, stand-up okay!” pabulong na utos niya sa binata dahil hindi ito komportable sa ginawa nito. “Nagkamali ako sa inyo ni tito, tita. I’m so sorry sa pagsisinungaling ko tungkol sa amin ni Nanami. I should have come and clean but I swear, I am still in love with Nanami at nagsisisi na po talaga ako sa panloloko ko sa kanya, please forgive me tita, Matilda.” “Pero niloko mo siya.” Madiing sambit naman ni Matilda at pinatayo niya si Adrian. Tumayo naman ito dahil marami na ang nakikiusosyo sa kanila kaya bumalik siya sa pagkaka-upo. “Sige na pinatawad na kita. At alam kong nagsisisi ka na sa ginawa mo sa kanya. Sige bibigyan kita ng second chance, basta titigil ka na sa pakikipagrelasyon sa Precillang iyon, maliwanag!?” saad nito at parang wala na dito ang nangyari kanina. Bigla naman nagkaroon ng kasiyahan ang mukha ng binata at nakahinga nang maluwag. “Pinatawad mo na po ba ako tita?” “Hindi ito tungkol sa paghingi mo ng tawad. Ayaw na ni Nanami na makipagbalikan sayo at pakasalan ka. Pero hindi ako papayag na hindi iyon mangyari. Masyado na akong gumastos at nag-imbita ng mga tao mula sa mga kasosyo namin sa kompanya. Paano ko sasabihin sa kanila na ang kasal ay biglang nakansela nang walang makatwirang paliwanag? Dahil ayaw ko rin mangyaring ipaalam ko sa mga tao na niloko mo kaming mag-asawa lalong lalo na si Nanami, dahil nakakahiya iyon.” Saad nito dahil ayaw nitong kaawaan ng mga taong nakakakilala sa kanyang anak na hindi matutuloy ang kasal dahil niloko ito ng nobyo nito ayaw din niyang makaladkad sa kahihiyaan ang kanilang pangalan. “Salamat po humihingi po ulit ako ng sorry, promise po tita, hinding hindi ko na po lolokohin si Nanami.” Masayang wika ni Adrian. Napabuntong-hininga naman si Matilda. “Siguraduhin mong papayag siya na pakasalan ka. Kung ano man ang gagawin mo o kung paano mo ito gagawin ay bahala ka na!” sabay duro nito kay Adrian. “Kailangan mong pakasalan si Nanami para hindi ito mapahiya sa mga tao maliwanag at 'wag na 'wag mo na ulit lolokohin ang anak ko, I mean ang anak ng asawa ko kundi mananagot ka sa akin, hindi mo alam kung paano ako magalit kaya umayos ka.” Dugtong pa nito at saka inubos na nito ang kape. Tumango naman si Adrian. “Gagawin ko po tita. Pero paano po si tito? Magagalit siya sa akin kapag nalaman niya ang tungkol sa kasinungalingan at panloloko ko?” kinakabahan nitong tanong dahil hindi pwedeng mabaliwala ang paghihirap niya para lamang makuha ulit si Nanami. “Ako na ang bahala sa kanya. Ang kailangan mo lang gawin ay mapatawad ka ni Nanami at matuloy ang kasalang ito. Maliwanag!” “Opo tita, marami pong salamat." “Mabuti.” Tumayo na ito at kinuha ang bag nito at nag-iwan ng pera para doon sa inorder nilang kape. “Sige na aalis na ako, siguraduhin mo lang na hindi mo nasasaktan si Nanami sa pangalawang pagkakataon, kundi magsisisi kang niloko mo siya. I'm leaving.” She checked her wristwatch. Tumayo na rin si Adrian. “Opo makakaasa ka po, Salamat po ulit. Aalis na rin po ako, sabay na po tayo!” Tumango naman si Matilda at sabay na silang umalis ng coffee shop. TUMAKBO papasok si Amalie sa loob ng kusina habang na iinis pa rin dahil gabi na wala pa rin ang ate Nanami niya. Nagluluto ng hapunan sina manang Eve at Mela ng makita ni Amalie. “Nasaan po si Ate Nanami ko?” tanong ng bata. Bumuntong-hininga si Eve at hinarap si Mela na dahan-dahang umiling sabay kibit-balikat. “Sigurado akong pauwi na siya. Hindi mo kailangang mag-alala, iha.” “Nag-aalala po ako? Eight pm na po pero hindi pa umuuwi si Ate Nanami kung saan man siya pumunta. Paano kung nasa napahamak na po siya? Paano kung. . . “Huwag kang mag-isip ng ganyan, Iha, walang masamang mangyayari kay Miss Nanami.” Sabi naman ni manang Eve kay Amalie. “Oo nga miss Amalie, sige tatawagan ko siya ngayon para malaman natin kung okay lang siya or pauwi na siya.” Sabi naman ni Mela at kinuha ang cellphone nito at naghanap siya sa kanyang listahan ng mga contact para tawagan ito pero wala siyang mahanap na contact kay Nanami kaya naalala niyang wala siyang number nito. “Hulaan ko po, wala kang number niya tama po ba?” tanong nang bata at binigyan ng nandududang tingin si Mela. “Uhm baka merong contact si manang Eve.” Sabay baling nila kay manang. “W-wala rin akong contact sa kanya.” Sagot naman nito. Napailing si Amalie sa pagkabigo. “Po, bakit po hindi niyo hiningi sa kanya ang contact niya sa cellphone? Saan po si Daddy baka meron siyang number ni ate Nanami? Dapat nasa kanya ang number nito para may contact po tayo sa ganitong sitwasyon, hindi po ba?” tanong nito sa kanila. Napakamot naman ng ulo sina manang Eve at Mela. “Wala pa ang daddy mo. Umalis siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakauwi.” Ani ni manang Eve. Napasimangot naman lalo si Amalie dahil wala silang contact kay Nanami at hindi nila ito makakausap. “Sige po aakyat na po na lang po ako sa taas. Pakitawag na lang po ako kapag nandiyan na si ate Nanami.” Malungkot na sabi na lamang ni Amalie at lumabas na sa kusina. “Ipaalala mo nga sa akin na kunin ang numero ni Miss. Nanami, kapag bumalik na siya.” Sabi naman ni Manang Eve kay Mela na agad namang tumango at tahimik na silang nagpatuloy sa pagluluto. KINAUMAGAHAN biglang napamulat ng mga mata si Nanami. At iniunat ang kanyang dalawang braso habang humikab na pinapagala ang tingin sa paligid ng silid na kinaroroonan niya. ‘I'm at home?’ bulong niya sabay ayos ng pagkakaupo sa kama. Ang huling bagay na natatandaan niya ay ang pagpasok niya sa isang bar at pag-order ng isang bote ng tequila para maibsan ang sama ng loob na nararamdaman niya tungkol sa nalaman niyang rebelasyon sa kanyang pagkatao. Bumangon siya sa kama at magtutungo sana sa banyo nang may pumasok sa kanyang silid nang hindi man lang kumakatok. Nanlaki ang mata ni Nanami at gulat na napatitig sa pumasok dahil sa pagpasok nito ng hindi man lang nagpapaalam. “Kumatok ka naman, baby girl muntik na akong atakihin sa puso sayo.” “Nasaan ka po kahapon?” tanong ni Amalie at hindi pinansin ang sinabi niya. “Ahm, may pinuntahan lang ako.” Pagsisinungaling niya rito. “Alam mo po ba kung gaano ako nag-alala sayo? Hindi man lang namin ikaw na tawagan nina manang at ate Mela dahil wala ka man lang pong number ng cellphone mo sa kanila.” Naiinis na saad ni Amalie na parang naiiyak na. “Pwede bang huminahon ka? Nakauwi naman ako, ’di ba? Ligtas at walang masamang nangyari.” “Pasalamat ka po kay daddy. Kung hindi dahil sa kanya na kung hindi ka niya iniuwi ay hindi ka makakauwi ng ayos at baka kung ano pa po ang nangyari sayo roon sa daan na hinigaan nyo.” Naiinis na may pag-aalalang sabi nito. “Oo nga. . .teka, anong sinabi mo?” lumapit pa si Nanami kay Amalie at yumuko siya para magpantay ang mukha nila ng kanyang alaga. “A-anong sinabi mo, pakiulit nga!” naguguluhang tanong nito. “Uhm na nag-alala po ako sayo?” ulit naman ni Amalie. “Hindi, hindi iyon. Iyong huling sinabi mo.” Pangungulit niya pa rito. “Uhm. . .” Tumigil si Amalie at inalala ang huling sinabi, “Kung hindi ka inuwi ni daddy ay baka may masama nang nangyari sayo kung saan ka niya nakitang nakahiga?” “Ang daddy mo ang umuwi sa akin dito?” Sigaw ni Nanami na ikinagulat ng bata. “God, ate Nanami bakit ka sumisigaw!?” napaatras si Amalie at ipinatong ang palad sa dibdib nito. “Hindi mo naman po kailangang sumigaw eh.” Simangot ang bata. “Teka, ang daddy mo nga ang nag-uwi sa akin dito, how? Saan naman niya ako na. . . .Napaawang ang bibig ni Nanami at nagsimulang pumasok ang mga alaala sa kanyang isipan kahapon ng malinaw na niyang naalala ngayon. Bumagsak si Nanami sa sahig na tila nakakita ng multo. “Ate Nanami, okay ka lang po ba?” ang-aalang tanong ni Amalie na ikinapikit ng mga kanyang mata dahil sa sakit ng kanyang ulo at mga flashback ng mga pinaggagawa at pinagsasabi niya kahapon. Umiling iling si Nanami at biglang hindi mapakali. “Nasaktan ka po ba? May nangyari ba sayo? Tawagan ko ba si daddy para magpacheck up. . . . “HUWAG!!” agad namang pinutol ni Nanami ang sasabihin niya na ikinagulat muli ng bata. “Ano po bang nangyayari talaga sayo ate Nanami, nag-aalala na po ako sayo?” Nag-aalalang saad nito na hindi alam ang gagawin. “Makinig ka Amalie, mamamatay na yata ako.” Tulala pa rin saad nito. “Ano po?” “Lumapit ka sa akin bilis,” mabilis namang lumapit si Amalie sa harapan ng yaya niya dahil nag-aalala na talaga siya dito. Niyakap naman ni Nanami ang alaga at sinabing, “Mahal mo ba ako?” “Oo naman po.” “Ngayon na ang oras para ipakita mo sa akin kung gaano mo ako kamahal.” “Anong ibig mong sabihin hindi po talaga kita maintindihan ate Nanami?” Nag-alinlangan si Nanami sa sasabihin pero naibigkas pa rin niya ito, “Iligtas mo ako sa kahihiyan lalong lalo na sa daddy mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD