PUMASOK si Nanami sa kusina.
“Magandang umaga, Nanami.” bati ni manang Eve.
“Magandang umaga rin po, manang Eve.”
“Anong nararamdaman mo ngayon?”
“Parang sasabog po ang ulo ko, eh.”
Napangiti si Eve. “Dapat kasi hindi ka na lang naglasing. Anong nangyari ba sayong bata ka?” nag-aalalang tanong nito kay Nanami.
Bumuntong-hininga si Nanami at minamasahe ang kanyang sintido. “Napakahirap ng araw ko kahapon manang. Gayunpaman, ang mga inumin na nainom ko ay hindi ang sanhi ng sakit ng aking ulo.”
“Eh ano pala ang nagpapasakit sa ulo mo?”
“May nalaman akong rebelasyon ka gabi at pagkatapos ay nadagdagan pa sa mga ginawa ko ng malasing ako.” Napakagat labing saad naman ni Nanami.
Curious na lumapit si manang Eve sa kanya at handa siyang pakinggan. “Magkwento ka sa akin, makikinig ako anong ginawa mo?”
Bumuntong-hininga ulit si Nanami at sumandal sa counter ng lababo at muling inalala ang mga nagawa niya.
“Sobrang sama manang, parang wala na akong mukhang ihaharap ngayon sa kanya.” She face palmed herself.
“Ano iyon, makikinig ako.” Hinikayat ni Eve si Nanami na magkwento siya rito habang mataman naman nakatingin ito sa kanya.
“K-kung sasabihin ko po sa iyo ang tungkol dito, sasabihin mo lang sa akin ang isang salita.”
“Aling salita naman ang sasabihin ko sayo, kung sakaling marinig ko ang kwento mo?”
“Mamatay ka na talagang bata ka!” sagot ni Nanami at nagsalin ng isang baso ng tubig. “Pero huwag kang mag-alala sa akin manang, makakaligtas ako. Lagi naman akong may paraan sa lahat ng problema ko.”
Dugtong pa niya rito.
‘Di ako makapaniwala na nasabi ko sa kanya ang madilim kong nakaraan. Ano na lang ang iisipin niya sa akin ngayon? Ano ba 'tong napasok ko? I'm sure paaalisin niya ako sooner or later.' She bites her lower lip and took a sip of the water.
“Ah paano ko naman sasabihin iyon. Sana kung ano man ang ginawa mo ay hindi sana makasama sayo,” saad naman ni manang Eve at itinuon ang pansin sa paghahalo sa kanyang niluluto.
“Kung hindi ka pa handa na ekwento sa akin ay naiintindihan ko kapag handa ka na nandito lang ako, pwede mo ako kwentuhan.”
“Salamat manang, 'wag ka pong mag-alala, sasabihin ko po sayo, kapag hindi masakit ang ulo ko.” Sabi naman ni Nanami, kaya hindi na ito pinilit ni Eve.
Lumabas na rin si Nanami sa kusina pero naistatwa siya ng makita niya si Marcel at si Venom na lumabas mula sa opisina nito sa may library.
‘Hindi, hindi ako papayag na makita niya ako. Nahihiya akong humarap sa kanya.' Bulong ni Nanami at tumingin tingin sa paligid at agad na sumugod sa maids' quarter ng makita niyang nakabukas ito.
Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at nagtago roon habang napapakagat labi.
“Anong ginagawa mo rito?” biglang sabi ng boses ni Mela.
“Oh, fu*k.” She hissed; bakit siya nandito?”
“Mela, 'wag kang maingay baka may makarinig sayo.”
“May ginawa kang kasalanan ano? kaya ka nagtatago rito na parang daga.” Natatawang tanong ni Mela sa kanya.
“Obvious ba?” nag-aalangang tanong niya.
“Teka, tama nga ako nakagawa ka na naman ng ikakagalit ni Master Venom.”
“Hindi dapat kasi ako nalasing kagabi.”
“Anong ginawa mo?”
“Totoo ba na si boss ang nag-uwi sa akin kagabi?”
Umaasa siyang bangungot lang ang mga alaalang iyon at hindi talaga siya inuwi ni Venom.
Dahan-dahang tumango naman si Mela. “Oo. Wala kang malay kagabi habang karga-karga ka ni Master Venom, akala nga namin ay may nangyari na sayong masama, lasing ka lang pala.” Natatawang kwento nito sa kanya.
Napatuptop siya ng noo at napasabi ng ‘patay kang bata ka’. Napahakbang pa siya at muntik ng mabuwal habang kinukutkot nito ang mga daliri niya sa kamay.
“Ano bang problema mo at naglasing ka kagabi?” tanong ni Mela at binigyan ng nagtatakang tingin si Nanami.
“Sobrang hiya ko sa sarili ko. Paano ko siya haharapin ngayon?” sa halip na sagutin ang tanong ni Mela ay iyon ang kanyang nasabi.
“I can't. . .I can't say kung ano ang problema ko kagabi kung bakit ako nag lasing mas may mabigat akong problema ngayon dito sa bahay na ito. Pwede mo ba akong bigyan ng favor?”
“Ah hindi kita maintindihan? Saka ano namang favor iyan?” naweweriduhan na si Mela sa mga pinagsasabi ni Nanami.
“T-Tingnan mo kung nasa sala pa si boss, please!” pakiusap niya kay Mela at hinawakan pa nito ang kamay ng huli.
“Ah pinagtataguan mo ba si Master?”
“Oo, wala pa ako sa mood magsabi kung bakit, please paki na lang kung nandyan pa siya sa labas.”
“Ano ba talaga kasi ang ginawa mo sa kanya?”
“Hindi mo maiintindihan. Mamaya ko ikukwento, sige na please!” pagmamakaawa niya.
Bumuntong-hininga naman si Mela at lumabas ng quarters nila. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito.
“Si Marcel na lang ang nakita ko.”
“Tinanong mo ba kung nasaan si boss?"
“Oo. sabi niya nasa kwarto na si master. Bakit mo sinusubukang iwasan siya? Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari kagabi?”
“Wala ah, h-hindi ko na kasi maalala.” Pagsisinungaling niya kay Mela. Pinasadahan ni Nanami ng daliri ang kanyang buhok at nagpakawala ng malalim na paghinga.
“Ang daya mo sabi mo ikukwento mo, tapos ngayon hindi mo maalala.” Napasimangot si Mela kay Nanami.
“Ah eh, dapat na pala akong pumunta sa aking silid bago pa lumabas si Boss, sige Mela diyan ka na, he he!” tawa niya at pinihit niya ang doorknob at lalabas na sana nang magsalita si Mela.
“Alam mo namang hindi mo siya maiiwasan habambuhay 'di ba?”
“Iiwasan ko siya hanggang sa handa na akong harapin ang kahihiyan ko sa kanya.” Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at hindi na pinakinggan ang sinabi ni Mela.
NAKALIGO na si Nanami at nakakulong sa kanyang kwarto. Medyo nawala na rin ang pananakit ng kanyang ulo.
Kinuha niya ang phone niya sa kama at nakita niyang may fifteen missed calls siya mula kanyang mga matalik na kaibigan.
“Sigurado akong nag-aalala na sila sa akin.” Pabulong na sabi niya at dinial ang numero ni Laila, nag-ring ito sandali, at sa ikatlong ring ay sinagot na ito.
“Oh my Gosh. Sa wakas ay tumawag ka ring bruha ka.”
“Salamat at mukhang ayos ka na. I'm glad nakauwi ka ng ligtas.”
“Oo. . . Huminto si Nanami; So uhm, narinig ba ninyo ba ni Danie ang usapan namin ni tita?”
Alam na alam ni Laila kung bakit siya tinatanong ng kaibigan niya baka iniisip nitong hinuhusgahan na nila ito.
“Hindi ah, nagulat nga kami kahapon bakit umiiyak ka.”
'Nagsisinungaling siya.' Napakunot ang noo ni Nanami and she cleared her throat.
“Alam ko narinig nyo,”
“Hmm. Nasa trabaho ako ngayon, mamaya na lang tayo mag-usap, okay?” saad nito.
“S-sige salamat sa pag-aalala.” Sabi niya rito at ibinaba na niya ang tawag. Nang may kumatok sa pinto ng kanyang silid.
“Sino iyan?”
Bumukas ang pinto at pumasok si Amalie.
“Anong kailangan mo?”
“Pumunta po ako para sabihin sa iyo na handa na ang almusal ate Nanami, baka po nagugutom ka na!” nakangiting sabi nito sa kanya.
“Oh. Sige, bababa na ako.” Tatayo na sana siya pero tumigil siya. “Pero paano ang daddy mo? Sasabay ba siya sa atin?”
“Uhm, I don't think so po?”
“Paano ba ito kailangan kong mag dahilan para hindi ako makasabay sa agahan nila, sh*t!” Humiga siya sa kama at nagkunwaring sumama ang kanyang pakiramdam.
“Pasensya na pala baby girl, hindi ako makakababa biglang sumakit ang ulo ko.” Pagdadrama niya rito.
“Po? akala ko po ba ay okay ka na?”
“Oo nga kaya lang nang tatayo ako bigla akong nahilo at bumalik ang sakit ng ulo ko.” Pinalungkot niya ang kanyang boses para kapanipaniwala.
“Paano kung tanungin ka ni daddy sa akin, ano ang sasabihin ko?” nag-aalalang tanong ng kanyang alaga.
“Sabihin mo sa kanya na patay na ako, I mean na masama ang pakiramdam ko.” Hinubad niya ang towel na nasa sa kanyang ulo at ibinaon ang kanyang mukha sa unan.
“Sige po, mukha nga pong hindi ka pa okay, kaya po magpahinga ka na at padadalhan na lang po kita ng makakain mo kay manang Eve.” Sabi naman nito at hinaplos ni Amalie ang kanyang ulo bago ito lumabas ng kwarto.
Napangiti naman si Nanami dahil halatang nag-aalala ang kanyang alaga sa kanya.
Pero napasimangot naman agad siya ng maalala ang kahihiyang ginawa niya. ‘Bakit kasi kailangan kong ikwento sa kanya ang talambuhay ko? Ano na lang ang iisipin niya sa akin ngayon? Hindi ako dapat nalasing saka hindi ko naman siya nakilala kahapon akala ko ay ibang tao ang kausap ko. Kaya pala may hawig siya kay Venom, iyon pala ay si Venom nga iyon, kakahiya.’ Bulong ni Nanami at mas lalong ibinaon nito ang mukha sa malambot niyang unan.
MABILIS na lumipas ang mga araw. Si Nanami ay nagkukulong lang sa kanyang silid pagkatapos niyang ihatid sa school si Amalie at kapag na ihatid na niya naman ito ay pagsusulat na lamang ang kanyang inaatupag o kaya ay nakikipag-chat din siya kanyang mga kaibigan at iniiwasan niyang huwag mapatambay sa ibang bahagi ng mansyon lalong lalo na sa sala.
Hindi nagku-krus ang landas nila ni Venom sa buong araw. Sinisigurado niyang hindi siya makikita ni Venom.
“Bakit ngayon pa ako nauuhaw?” tumayo siya at palihim na lumabas ng kanyang silid.
Ang pasilyo ay kasing tahimik ng tulad ng sementeryo dahil alas onse na iyon ng gabi. Siguradong nakatulog na ang lahat kaya makakalabas na siya na walang makakakita sa kanya.
Kumakalam din ang tiyan niya. Wala pa kasi siyang nakakain bukod bukod sa meryendang kinain niya kanina na dinala ni Amalie sa kanyang silid nang masundo niya ito.
Bumaba siya sa hagdan at pumasok sa kusina, ngunit nabigla siya sa gulat nang makita niya ang kanyang amo na nakatayo doon, habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Dahan-dahan siyang umatras para sana bumalik sa kanyang tulugan ng bigla niyang masagi ang isang walis na naiwan yata ng kasambahay kaya nakagawa siya ng ingay at doon nagtama ang kanilang mga mata.
Nagkatitigan silang dalawa ng mahigit dalawang minuto, hanggang sa bumalik sa katinuan si Nanami at umiwas ng tingin dito.
Dahan-dahan na lang umatras ulit si Nanami at lumabas ng kusina. Isinara niya ang pinto at sumandal doon habang habol niya ang hininga sa kaba.
“Bakit siya nandito? hindi ba dapat tulog na at malapit na maghating gabi?” bulong niya sa sarili. “God, ganito na ba ako mamamatay sa kahihiyan? aatakihin na yata ako sa puso nito dahil sa kahihiyan?”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at napaungol nang muling tumunog ang kanyang tiyan. Pero nagugutom na talaga siya at kailangan niyang makakain at makainom dahil nauuhaw na rin siya kung bakit naman kasi kahit tubig ay hindi siya nagstock sa kanyang silid.
‘Pero sandali, bakit ko ba siya iniiwasan? I was drunk when I spill out those sh*t. Magpapanggap na lang siguro akong wala akong maalala. Napakadali niyon bakit hindi ko iyon naisip.’ Kastigo niya sarili at inayos niya ang kanyang damit at pumasok ulit sa kusina.
‘Kumilos ka ng natural, Nanami, Natural okay.’ Muling bulong niya at nagpaskil siya ng isang pekeng ngiti. Tumayo siya ng tuwid at huwag na lang magsabi ng kahit ano at magpanggap na okay lang ang lahat.
Tahimik lang siyang pumuntang refrigerator at kumuha ng maiinom. Habang si Venom naman ay tahimik pa ring inuubos ang tubig habang nag-i-scroll sa kanyang telepono. Wala siyang sinabi na kahit anong salita mula nang pumasok siya ng tuluyan sa kusina.
Ibinuhos ni Nanami ang tubig sa kanyang baso at dahan-dahang ininom din iyon.
‘Bakit wala siyang sinasabi? hindi ba niya ako papagalitan or sasabihang papatayin ako? Wala ba itong maalala noong gabi? Pero teka ako ang lasing at hindi siya kaya paano niyang hindi iyon maalala. Sinadya ba niyang tumahimik tungkol doon? Or baka naman iniisip nito kung sa anong paraan niya ako papalayasin at bubulagain na lang niya ako. Dapat na ba akong mag-alala? Fvck, bakit ko ba pinapatay ang sarili ko kakaisip ng kung anu-ano? I should be glad that he is not bringing up the. . .Biglang naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang magsalita si Venom na ikinagulat niya.
“Kung nakuha mo na ang gusto mong kunin dito. Pwede bang lumabas ka na. Gusto kong mapag-isa rito.” Saad nito.
‘Di ba siya naaawa sa akin pagkatapos niyang marinig ang kwento ko? Okay, alam kong nakakahiya ako dahil naikwento ko na dito ang talambuhay ko. Pero lasing naman ako noon at hindi ko talaga siya nakilala ng gabing iyon. Pero wala ba talaga siyang dadamdamin?’ kausap niya pa sa kanyang sarili at hindi niya sinunod ang sinabi nito.
Pinunasan ni Nanami ang kanyang bibig dahil medyo sumala ang pag-inom niya ng tubig, “Ahm, boss bago ako lumabas gusto ko sanang humihingi ng paumanhin sayo dahil hindi ko nasundo si Amalie noong nakaraang linggo tapos naglasing pa ako,” nilakasan niya ang kanyang loob na humingi ng sorry dito.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Venom ngunit hindi na naman ito nagsalita pagkatapos ay itinuon muli ang atensyon nito sa hawak nitong cellphone at tila wala itong interest sa paghingi niya ng tawad dito.
‘Pero paano kung hinihintay niya lang akong sabihin ang tungkol sa pagkukwento ko at mga ginawa ko rito? Paano kung naghihintay siya ng paliwanag ko kung bakit ako naglasing? Sasabihin ko ba sa kanya or mananahimik na lang ako at magkunwaring walang maalala. Pero teka, ano bang ginagawa ko? bakit ako magsasalita tungkol doon eh magpapanggap ka ngang wala kang maaalala okay kaya just relaks?’
Naguguluhan nang kausap niya sa sarili.
Para matapos na itong pinaggagawa niya ay dinampot niya ang baso na may lamang tubig at inubos na niya iyon.
‘Napaka-uncomfortable naman kasi dito. I need to make pancakes para sana kumain, but I can’t do that with him around.’
She took another gulp. ‘Nakalimutan na yata niya ang tungkol doon kaya dapat manahimik na lang ako.’
Tinapos na ni Venom ang pag-inom ng tubig at hindi na siya nito kinausap or tiningnan man lang at inilagay na nito ang baso sa lababo at naglakad na ito, para umalis sa kusina.
Pinihit nito ang doorknob at lalabas na sana ngunit huminto ito at humarap sa kanya.
“About last week night. . .Panimula nito.
‘Oh, sh*t. Papagalitan na ba niya ako? Anong gagawin ko? Kailangan ko na bang humiling sa lupa na bumuka na at lamunin ako ng buhay?’
“Ahm, iyon po ba? Nabalitaan ko nga po kay Amalie at kina manang na ikaw daw po ang nag-uwi sa akin dito. K-kaya salamat boss, kakahiya tuloy sa inyo. Pero sana wala akong ginawang kabaliwan sa inyo. Dahil wala po akong matandaan na nangyari noong gabing nalasing ako.” Inunahan na niya itong magsalita.
“Hindi mo maalaala?” nagdududang tanong nito.
Mabilis siyang tumango. “Opo pero sana po ay wala akong ginawang kalokohan?”
“Hinalikan mo lang ako.” Biglang sabi nito kaya nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Hinalikan niya ito? Paano wala naman siyang naalala na ginawa niya iyon? Bakit hindi niya maalala ang bahaging iyon? She scan through her memories pero walang talagang eksenang hinahalikan niya ito.
“Hindi ko natatandaan na hinalikan kita boss ah, assuming ka masyado. Ang natatandaan ko lang noon nilapitan kita at kuwenintuhan ng mga nakaraan ko tapos nagpaalam na ako sayo. ‘Wag kang nambibintang boss, masama iyan.” Deri-deritsong saad niya at nakalimutan niyang magpapanggap pala siyang walang naalala.
“Oh akala ko ba wala kang maalala sa nangyari noong gabing iyon? So bakit ka nagkukunwaring walang maalala ngayon?” nakataas kilay na tanong nito, saka lang niya narealize ang sinabi niya rito ngayon.
‘So, he tricks me, para mapaamin niya ako na natatandaan ko ang pinangaggawa ko sa kanya? Kaya pala wala akong maalala na hinalikan ko nga talaga siya, fvck. Ah kainis!’