Chapter 39

2496 Words
NAPA lunok si Nanami nang kanyang sariling laway, dahil pakiramdam niya ay parang siyang isang kriminal na iniimbestigahan ng mga pulis. “Ahm!" bumuntong-hininga siya; I was drunk that night and can you please forget everything I said that time?” “May matalas akong memorya kaya imposibleng makalimutan ko ang iyon.” Nang-aasar na sagot nito at namulsa pa. “Isipin mo na lang na hindi mo ako kilala noong nakapag kwento ako, please boss, dahil hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang kahihiyan ko.” Nakikiusap na saad niya. “Marunong ka rin palang mahiya?” bulong na saad nito at ibinaba ang tingin sa kanya. ‘Teka, bakit unfair niya? He knows about my childhood past but his past story ay wala man lang akong alam sa kanya.’ “Tatanggalin mo na ba ako bilang yaya ni Amalie?” deritsahang tanong niya na ikinibit balikat lamang ni Venom, pero hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon. Nawala ang pagkapahiya niya at bumalik ang matapang at walang takot na niyang personalidad na ipinakita niya noong una pa lang silang magkita. “Alam mo wala na akong pakialam sa iisipin mo tungkol sa akin tutal ganyan naman na ang ugali mo na mapangmata. Kaya kung sisantehin mo ako ay nasasa iyo na iyan? Or pwede mo ring ituloy ang pagbabanta palagi sa akin na papatayin mo ako, tutal doon ka naman yata sasaya.” Pinagkrus niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at tinaasan niya ng kilay ito napahiya na siya rito kaya ano pa ba ang kinakatakot niya. Lumapit si Venom sa kanya kaya napaatras siya. “Matapang ka pa rin sa kabila ng alam ko na ang lahat-lahat tungkol sayo. Pero bakit noong magising ka kinaumagahan ay ginugol mga araw sa pagtatago sa silid mo at iniiwasan mo pa nga ako? Tapos ngayon aasta ka sa akin na para bang ako pa ang may kasalanan na nasabi mo sa akin ang kwento ng buhay mo.” Mahabang sabi nito. Wala siyang masabi tungkol doon kaya nanatili siyang tahimik. “Alam mo ba kung gaano kita gustong tanggalin? Pero ayaw kong isipin ng anak ko na sa mababaw lang na dahilan ay paalisin na agad kita. Alam ko naman na kakampihan ka ng anak ko so, ano pa ang point para paalisin kita?” “Dahil diyan ka namang magaling hindi ba, wala kang puso, kaya alam kong kayang kaya mo akong paalisin sa pamamahay mo na kahit walang abiso ng anak mo.” Matapang na sabi niya at sa isang iglap lang ay hawak na nito ang leeg niya pero hindi siya nagpakita ng takot sa mga mata niya at nakipagtitigan pa nga siya rito. “Kung sa tingin mo ay makokonsensya ako sa mga pinagsasabi mo, hindi ako madadala diyan. Masuwerte ka lang at malakas ka sa anak ko, pero kung hindi ko lang mahal ang anak ko ay matagal na kita napatay dahil diyan sa talas ng dila mo.” Banta nito at mapanuri siyang tinitigan. Mayamaya lang ay lumuwag ang pagkakahawak sa kanyang leeg at bumaba ang tingin ni Venom sa mapupulang labi niya kaya napalunok ito at kitang kita iyon ni Nanami. Lumamlam ang mga mata ni Venom at hindi inaalis ang tingin nito sa mga labi ni Nanami. Wala sa loob na inilagay ni Nanami ang kamay sa dibdib ni Venom para sana itulak ito ng bahagya dahil naramdaman niyang lumuwag na ang pagkakasal nito sa kanya. Pero natigil siya sa pagtulak ng humigpit ulit ang hawak nito sa kanyang leeg. Tumigas ang mukha ni Venom at naramdaman niya ang biglaang pag-ukit ng ngisi sa mukha nito. Ang mga salita niya ay hindi ang ikinagalit nito sa mga oras na iyon kundi ang epekto ni Nanami sa kanya ng matitigan nito ang labi ng dalaga. Binuksan ni Venom ng kamay nito sa leeg niya at umatras ng isang hakbang. “Ipagdasal mo lang na hindi magbago ang pagkagusto sayo ni Amalie. Dahil kapag nangyari iyon, alam mo na ang susunod na mangyayari sayo.” Pagkasabi nito ay agad na nitong binitiwan ang leeg ni Nanami. Tumalikod na ito at naglakad papalabas ng kusina, pero huminto ito sa may tapat ng pintuan at saka sinabi ang mga sumunod na salita na ikinagulat ni Nanami. “Huwag mong tingnan ang iyong sarili bilang isang produkto nang mapaglaro mong nakaraan. Walang ipinanganak sa mundo na walang pagsubok na hindi mo kakayanin. Kung hindi ka minahal ng tunay mong ina, ay sapilitan ka niyang isasama pauwi sa inyo at wala kang magagawa kundi sundin ang kagustuhan nito dahil may karapatan siyang iuwi ka sa ayaw mo man o sa gusto mo. Dahil kahit bali-baliktarin man ang sitwasyon siya pa rin ang tunay mong ina, kahit na hindi mo siya kinikilalang tunay mong ina. Pero hinayaan ka niyang manatili sa gusto mong gawin.” Bahagya itong lumingon sa kanya at kita ang niya ang pagbabago ng ekspresyon nito mula sa galit ay lumamlam ang tingin nito sa kanya bago ito umalis ng tuluyan. Halos ilang minuto rin siyang natulala habang gulat pa ring na nakatingin sa may pintuan. “Anong nangyari?” tanong niya sa sarili sa mahinang boses at kumurap-kurap. Si Venom ba talaga ang nagsabi ng mga katagang iyon? KINABUKASAN, Magandang umaga, manang Eve.” Masayang bati ni Nanami habang papasok sa kusina. “Oh, Magandang umaga rin iha. Mukhang good mood ka ngayon ah?” masayang puna sa kanya ni Eve. “Opo manang, maganda lang ang tulog ko kagabi.” Sabi niya at kumuha ng maiinom. Tumingin si Nanami sa paligid na parang may hinahanap, “Nasaan po pala si Mela?” “Nasa garden na naman iyon.” Sagot naman nito. “Ay ganoon po ba? sige po pupuntahan ko po muna siya roon.” Umalis na siya sa kusina at masayang pinuntahan si Mela papunta sa harden. Habang patungo siya doon ay hindi niya mawaglit sa kanyang isipan ang paulit-ulit na pagreplay sa isip niya ang huling mga sinabi ni Venom sa kanya. Iyon ang pinakamagandang salita na sinabi nito sa kanya kahit na may pagtatalo sa kanilang dalawa kagabi sa pagitan nila. Panghahawakan niya ang munting pag-asa na may kabaitan din sa katawan ang isang Dark Venom Borromeo. ‘Paanong ang isang malamig na lalaki na tulad ng kanyang boss ay nakapagsalita ng ganoon sa kanya ’di ba dapat wala siyang pakialam sa mga narinig niyang kwento ko sa kanya?’ Pero alam niyang may nagbago rito matapos ang nangyari sa pagitan nila kagabi. Sana magkaroon na talaga ng pagbabago sa ugali nito at hindi na maging bato at arogante ang pag-uugali nito ngayon. Hindi ito naawa sa kanya gaya ng ginagawa ng karamihan sa kanya at ayaw niyang kaawaan siya ng sinuman. Kahit na ang kanyang mga kaibigan. Pero kahit ganoon ay alam niyang naiintindihan nito ang kanyang sitwasyon kaya nakapag sabi ito ganoong mga kataga. Mas gusto pa rin niyang maintindihan siya ng tao kaysa sa kaawaan kapag tungkol sa kanyang nakaraan. Naputol ang pag-iisip ni Nanami nang biglang may nabangga siya. Napaatras siya at sinubukang 'wag matumba. “Bulag ka ba!?” Isang galit na boses ang biglang nagsalita. “How dare you, you walk into me like that, huh!” “Pareho tayong may kasalanan dito kaya bakit ako sinisisi mo?” naiinis na sagot ni Nanami. “Aba ang kapal naman ng mukha mo, ikaw na nga ang parang lutang diyan kaya 'di mo ako nakitang paparating.” Ngumuso si Chiara at tinaasan siya ng kilay. “Sinabi ko naman sayo na lagi kang lumayo sa landas ko, kung ayaw mo akong makita,” Sagot naman ni Nanami kay Chiara. “Ako ang nagsabi niyan sayo na huwag kang humarang sa dadaan ko ‘di ba dahil sa susunod ay hindi na ako magiging mabait sayo. At dahil humarang ka humanda ka sa magiging epekto nito.” Mahinang saad nito pero sapat na para marinig niya. “Ayaw ko makipag-away sayo ngayon, maganda ang gising ko kaya ’wag mong sirain.” Saad naman ni Nanami, ngunit lumapit pa ito sa kanya at sa gulat niya ay kusa ito nagpasubsob sa sahig at kunyaring umiyak. Napataas naman ang kilay niya dahil sa ginagawa nito, habang si Chiara ay napangisi naman nang makita niyang nasa likod nila si Venom. “Pabayaan mo na ako. Ano bang ginawa ko sayong masama? Bakit mo ako tinulak.” Umiiyak na sabi ni Chiara kaya napakunot ang noo ni Nanami. “Ano bang pinagsasabi mo?” “Ang gusto ko lang naman ay makasama ang pamangkin ko, krimen ba iyon? Gusto kong tuparin ang hiling ng yumaong kapatid ko, bakit hindi mo ako payagan?” lalo itong umiyak at matiyagang naghihintay na mapansin sila ni Venom pero busy ito sa kausap nito habang naka side view ito sa may bintana mula sa kinatatayuan nito. Naguguluhang tinitigan naman ni Nanami ang babae, at naweweriduhan sa ginawa nito. Iniisip niya kung anong pinaggagawa nito. Tumingin siya sa paligid at baka may makita sa kanila at baka isipin pa ng mga tao sa bahay na ito ay totong tinulak niya si Chira kahit hindi naman. “Sandali lang naman, ano bang pinagsasabi mo riyan saka tumayo ka nga baliw ka ba at nagpatumba ka ng sarili mo hindi naman kita tinulak,” hinarap niya muli si Chiara at naiirita sa mga pinaggagawa nito. Nang maunawaan niya ang ginagawa nito ay napabuntong hininga siya, ‘So sinusubukan mo akong i-frame up ah.’ Saad niya sa mahinang boses. Tumingala si Chiara sa kanya at ngumisi at nilakasan pa nito ang pekeng iyak at nagsimula na naman itong nagsalita. “Please tigilan mo na ako nasaktan na nga ako.” Sa pagkakataong iyon ay nakita naman ni Nanami si Amalie na naglalakad palapit kanila habang busy itong nakatutok sa tablet nito, kaya nakaisip din siya ng panglaban kay Chiara. ‘You want this game ah, tingnan natin kung sino ang mananalo ngayon sa atin,’ Sa isip ni Nanami at nagkunwari rin itong napaluhod na ikinagulat ni Chiara. ‘Sa lagay na iyan ikaw lang ang marunong umarti.” Sa isip pa ulit ni Nanami habang napapangisi ng palihim. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Chiara at nawala ito sa kunyaring pag-iyak. “Tingnan natin kung sino ang mapapahiya sa atin ngayon, Miss labanos.” She smirked and cleared her throat. “SORRY, MISS CHIARA, HINDI KO KAYANG UMALIS DITO. MAHAL NA MAHAL KO LANG ANG PAMANGKIN MO, KAYA PARANG AWA MO NA 'WAG MO AKONG PAALISIN BILANG YAYA NIYA, PLEASE.” She said in the top of her voice n agad namang naagaw ang atensyon nina Amalie at Venom nang magsimulang umiyak ng mas malakas si Nanami habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. “Ate Nanami!” sumugod si Amalie at agad na binitiwan nito ang tablet na hawak at lumapit sa kanya at niyakap siya. “A-ano pong nangyayari? Bakit ka umiiyak? Anong ginawa po saiyo ni tita Chiara?” “Hindi ko naman sinasadyang maitulak siya nagmamakaawa lang naman ako sa kanya na huwag niya akong palayasin. Kaya baby girl, pakiusap mo naman ang tiyahin mo dahil gusto niya akong tanggalin bilang yaya mo, alam mo naman na walang ibang work si yaya 'di ba?” kunyaring umiiyak na pakiusap niya sa alaga. Napanganga si Chiara sa gulat at hindi makapaniwala sa nangyayari dahil parang nagkabaliktad na ang sitwasyon nila ni Nanami. “Bakit mo po sinaktan si ate Nanami? Anong ginawa niya sayo? Ang bad mo po talaga tita!” umiyak na ring si Amalie habang niyakap si Nanami. Lumapit na rin sa kanila si Venom at nag-aalalang nilapitan nito si Amalie dahil nakita nitong umiiyak ang kanyang anak, “My Princess, bakit ka umiiyak?” “Pinapaalis po kasi ni tita si ate Nanami dad. Hindi ko alam kung bakit? tapos naitulak pa raw po siya ni Tita Chiara.” Umiyak naman nasagot ng bata sa ama nito pero ang pinagtaka ni Nanami ay wala naman siyang nasabi na itinulak siya ni Chiara. Umiling naman si Chiara, “I swear hindi ko siya pinapaalis at itinulak, ako nga ang itinulak niya kaya nagpapanggap lang siya.” Napatayong saad nito. “Hindi mo po ba nakikitang umiiyak si ate Nanami? Paano siya magpapanggap?” sabat naman ni Amalie sa tiyahin nito. “Maniwala ka sa akin hindi ko. . . “Enough!” sigaw ni Venom; “Di ba binalaan na kita na huwag kang gagawa ng kalokohan sa bahay na ito? How dare you make my daughter’s liar? ano iyan pinapalabas mong nag-iimbento lang ng kwento ang anak ko?” galit na sabi ni Venom kay Chiara. “I swear, I, I. . . Madiing hinawakan ni Venom ang braso ni Chiara at galit na nagbabaga ang mga mata nito habang tinitigan si Chiara. “Ang pagmamahal ko sa kapatid mo ang pumipigil sa akin sa paggawa ng anumang bagay sayo Chiara. But I swear if you ever make my daughters again cry. I don't care to know who you are, kaya umayos ka kung ayaw mong kaladkarin kita paalis sa bahay ko at baka hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sayo.” Tinulak nito si Chiara kaya napa-upo ulit ito sa sahig. “Ate Nanami, don't cry na po, hindi ako papayag na umalis ka rito.” Pang-aalo ni Amalie kay Nanami. “My princess, tumayo ka na riyan.” Sabi ni Venom at inakay ang kanyang anak patayo kaya kumawala ito kay Nanami. “Ate Nanami, makakatayo po ba kayo?” ‘Dagdagan pa natin ng kaunti ang eksena, para lalong maasar ang babaeng ito na masama ang tingin sa akin.’ sabi ni Nanami sa sarili. Mariin niyang ipinilig ang kanyang ulo at pinalungkot lalo ang mukha niya. “H-hindi ko kaya. Masakit ang binti ko napilayan yata ako baby girl.” Sabi niya. Binaling ni Amalie tingin sa kanyang tiyahin bago ito tumingala sa kanyang ama. “Daddy, pwede mo bang tulungan si ate Nanami ko na makatayo? Hindi siya makalakad mag-isa hindi ko rin po siya kayang buhatin, please Daddy.” Pakiusap nito kay Venom. “Tatawagin ko si Marcel para siya ang. . . “Dad, 'wag na po. Wala si Kuya Marcel ikaw na lang po bumuhat sa kanya. Hindi ko po kayang pagmasdan ang yaya ko na nahihirapang tumayo.” Napamura sa isip si Venom bago nito binuhat si Nanami. Mabilis namang ipinulupot ni Nanami ang mga braso sa leeg ni Venom. “I can't believe I'm doing this.” He mumbled under his breath at nagsimulang maglakad pataas papunta sa silid ni Nanami. Gulat na sinundan sila ni Chiara at masamang tiningnan si Nanami na naparang enjoy na enjoy sa pagbuhat dito ng kanyang pinakamamahal na lalaki. Maingat na sinilip ni Nanami si Chiara at nginitian ito ng matamis na parang nang-aasar. She winked with Chiara, before resting her head back on Venom’s shoulder. Naikuyom ni Chiara ang kanyang kamao dahil sa galit dahil naisahan siya ni Nanami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD