Chapter 40

1997 Words
KUMAKAIN sina Matilda at Rodel ng hapunan ng mga oras na iyon. Nakauwi na kasi si Matilda galing sa kung saan nakatira ang kanyang anak na si Nanami. Kumagat ng kaunti si Matilda sa pritong manok na hinihiwa niya nang biglang magsalita ang kanyang asawa. “Anong nangyari sa pagpunta mo sa anak natin?” tanong nito. “Hindi masama.” Sagot ni Matilda sa asawa. “Anong hindi na masama?” inulit ni Rodel ang sinabi ng kanyang asawa; “Mukhang hindi maganda ang mga pinagsasabi mo kay Nanami?” “Well, tama nga ang sinabi ni Adrian sa akin, na si Nanami nga ang nakipagkalas sa kanya, dahil naging busy ito sa pagsusulat sa walang kwentang publishing na iyan kaya nagkalamat ang relasyon ng dalawa.” Walang ganang sagot ni Matilda. “Anong ibig mong sabihin?” “Siya rin ang umayaw sa kasal na matagal ko ng pinagplanuhan. Ayaw na niyang magpakasal dahil mas mahal ng anak natin ang passion niya.” “Bakit anak mo ba ang nagsabi ng lahat ng iyan o baka gawa-gawa lang ng lalaking iyon at siya talaga ang nagkulang sa anak natin?” hindi na niniwalang saad ni Rodel. “Bakit ko siya tatanungin sapat na ang mga ipinakita sa akin ni Adrian na katibayan na anak mo ang umayaw? pero don't worry matutuloy pa rin ang kasal niya kay Adrian in thats final. I don't care to know the reason why she don't want to marry him.” Galit na baling ni Matilda kay Rodel. “So mas papaniwalaan mo ang lalaking iyon kaysa sa sarili mong anak, ni hindi mo pa nga naririnig ang side niya hindi mo rin yata siya binisita?” Inirap naman ni Matilda ang kanyang mga mata pero hindi ito nagsalita. Agad namang naintindihan ni Rodel ang pananahimik ng asawa. “Paano mo nagawa ito, Matilda? Hindi ako makapaniwala na gagawin mo talaga iyan?” “S-sinabi mo na ba sa kanya ang lahat?” na ang tinutukoy nito ay ang pag-amin ni Matilda na siya ang tunay na ina ni Nanami at tumango naman ang ginang. “Itigil mo ’yang kahibangan mo Matilda kung ayaw mong magalit ako sayo ng tuluyan.” Galit na saad nito sa asawa. “Pero maganda na rin iyang sinabi mo na kay Nanami ang lahat mabubunutan na ako ng tinik dahil sa tagal na pagtatago ko sa kanya ang buong katotohanan. Kakausapin ko siya sa makalawa at aalamin ko kung tunay ang sinabi ng lalaking iyon sa anak natin, at kapag totoo ako na mismo ang magpapakasal sa dalawang iyon pero kapag napatunayan ko na nagsisinungaling ang lalaking iyon. Mangingialam na ako sa mga pinaggagawa mo kay Nanami.” Inis naman na pinukpok ni Matilda ang kanyang kamay sa mesa at galit itong inaway ang asawa. “Alam mo ikaw kaya natigas ang ulo ng anak mo, dahil sa pangungunsente mo. Kaya umalis siya sa puder natin ng maraming taong nakalilipas dahil sayo. Kaya sino na ngayon ang mamahala ng kompanya mo kapag namatay tayo kung wala si Nanami? Naisip mo na ba iyon? Ginagawa ko ang lahat para pumirmi ang anak natin sa atin. Pero ikaw imbis na suportahan mo ako ay mas iniisip mo pa rin ang mararamdaman ng anak natin.” Pag-iiba ng topic ni Matilda para mawala sa isip nito ang pakikipagkita nito kay Nanami. “Dahil ayaw ko siyang ipresure ng maaga na mamahala siya sa kompanya mahirap mag manage ng negosyo kung wala pa naman sa diwa ni Nanami ang mamahala gusto ko munang matupad niya ang pangarap niya bago ko siya pilitin na pamahalaan ang mga negosyong maiiwan natin sa kanya.” “Alam mo Rodel, walang mararating sa buhay si Nanami sa pagsusulat, nagsasayang lang ng oras ang anak natin sa walang kabuluhang pangarap na iyan. Mahal ni Adrian si Nanami kaya gusto kong magkabalikan sila at matuloy ang kanilang kasal. Kung ayaw mo akong suportahan ay manahimik ka na lang at isipin mo na lang ang kompanya mo tutal wala naman ibang mamahala diyan kundi ikaw, dahil nga pinayagan mo ang anak natin sa pangarap niya. Kaya magtiis ka riyan at 'wag mo na akong pakikialaman sa gagawin ko sa anak natin kung ayaw mong iwanan ko kayo.” Mahabang saad nito na may halong pagbabanta. Galit na tumayo si Rodel at masamang pinagmasdan ang babaeng minahal niya ng buong puso at saka umiling iling. Wala na ang dating babaeng masiyahin at kahit mahirap ay may positibong pananaw at mabait at mapagmahal. Nilamon na ito ng karangyaan na ibinigay niya rito at sakit na idinulot niya rito ng iwanan niya ito noon. “You know what!” pinunasan ni Rodel ng napkin ang kanyang bibig at tumayo na; Nawalan na ako ng gana kaya kumain ka na lang mag-isa.” ‘Kung wala akong malalaman sayo ako na mismo ang dapat na kausapin sa ating anak. Sigurado akong sasabihin niya sa akin ang totoong nangyari sa pagitan nila ng Adrian na iyon.’ sa isip nito bago nito iniwan ang asawa. “ARRGH!!” napasigaw si Chiara at sinimulang ibagsak ang lahat ng gamit na nasa dressing table niya dahil sa inis kay Nanami. Hinawakan niya ang nakatayong salamin at inihampas sa sahig kaya nabasag ang salamin at nagkapira-piraso iyon, lumipad din kung saan-saan ang lahat ng kanyang mahawakang gamit. “How dare her?” she rumbled, pinulot ang isang baso mula sa sahig at hinawakan ng mahigpit sa kaliwang kamay, nabasag iyon at tumusok ito sa palad niya at nagsimulang bumulwak ang dugo ngunit wala siyang maramdamang sakit. Galit na galit si Chiara, naramdaman niya ang pagnanais na sirain ang atribidang babaeng sagabal sa kanyang mga plano. Pinahiya siya ng mga ito at pinagmukha siyang isang malaking tanga kay Venom kaya nanggagalaiti siya dahil doon. Ngayon ay lalo pang nagalit sa kanya si Venom. Kita pa rin niya ang tagumpay sa mukha ng yaya ng kanyang pamangkin at ang mas lalong nakakagalit ay nang asar pa itong tumingin sa kanya habang karga ito ni Venom. “Ahhhh!! Ahhhh!!” muling tumili si Chiara ng pagkalakas lakas habang hinigpitan ang pagkuyom ng kamao nitong gigil na gigil sa basong hawak. “Gusto ko siyang umalis sa bahay na ito. I hate that b***h. Galit rin ako sa batang iyon. Gusto ko silang umalis sa landas ko kahit na pamangkin ko pa ito ay wala akong pakialam!” She growled, crying her eyes out. Nag-ring ang kanyang phone at bumalik siya sa realidad at napatingin doon. She sniffled and glared at the annoying piece of device, naisipan niyang balewalain ang tawag pero hindi ito tumigil sa pagtunog. Galit niyang inagaw ang cellphone gamit ang kabilang kamay sa kama at sinagot ang tawag. “Hello, Best! How are you do_” naputol ang masayang boses ni Ariana nang magsalita si Chiara. “Ariana,” tawag ni Chiara sa garalgal na boses. “Chiara, umiiyak ka ba? What happen to you?” Naging mabigat ang paghinga niya at naghahabol siya ng hangin; “Pupuntahan kita riyan, d’yan ko ikukwento ang lahat!” sabi ni Chiara dahil hindi niya maayos ang kanyang pagsalita dahil sa matinding inis at galit. ‘LALABAS pa ba sila sa silid ko? twenty minutes na akong nakahiga dito. F*ck, I need to stretch my legs and muscles.’ Sa isip ni Nanami at nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. “Tumigil ka na sa pag-iyak, my princess, Okay naman ang yaya mo.” Pang-labing dalawang beses ng sabi ni Venom sa anak nito dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Doon tuloy siya na touch sa kanyang alaga dahil mahal na mahal talaga siya nito at ayaw siyang paalisin. “Tingnan mo dad, kung gaano siya kaputla halatang natakot po talaga siya. Bakit galit na galit si tita sa kanya?” tanong ni Amalie sa ama. Nakapikit pa rin ang mga mata na nakahiga lamang siya doon at pinapakiramdaman lang niya ang mag-ama. Ang akala nila ay mahimbing siyang natutulog. “I promise na hindi na mauulit ang ganito. Hindi na lalapit ng tita mo ang yaya mo, okay!” saad naman ni Venom para kumalma na ang kanyang anak. “Thank you, Daddy,” tumayo si Amalie mula sa kama at niyakap ang ama. “Dad mapapangako mo ba talaga iyon?” “Oo naman dahil ganoon kita kamahal.” Yumuko naman si Venom para pumatantay ang mukha niya sa mukha ng anak. “Dad, ipangako mo sa akin na poprotektahan mo si Ate Nanami tulad ng palagi mong pagpoprotekta sa akin.” “Ah?” parang nabingi si Venom sa mga sinabi ng anak. Hinawakan ng bata ang kamay ni Venom at nagsalita; “Mahal ko po si ate Nanami, dahil para po siyang isang nanay na sobrang bait, sobrang maalaga at higit sa lahat lagi siyang nandyan para sa akin, at magaan po talaga ang loob ko po sa kanya.” “But princess, hindi mo siya ina at hindi rin naman siya magtatagal bilang yaya mo.” Mariing sabi ni Venom. Tumango si Amalie. “Alam ko po at tanggap ko rin po na 'di siya magtatagal dahil po sinabi na niya iyon sa akin.” May ngiti ito sa mga labi nang sabihin iyon. “Princess!!” mataman na nakatingin lang si Venom sa anak. “Iniligtas niya ang buhay ko, daddy. Kaya ko siya nagustuhan at kung hindi dahil po sa kanya ay baka po wala na sana ako. Kaya nga po kinuha ko siya bilang yaya ko dahil utang ko sa kanya ang buhay ko at gusto ko pong masuklian natin ang pagliligtas niya sa akin noon. Kaya nga po gusto ko po siyang paprotektahan sa iyo dad habang nandito po siya sa atin nakatira.” Mahabang sabi ni Amalie at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng ama nito. Huminga ng malalim si Venom at napatiim ito ng panga. “Mangako ka po daddy, ’di ba po mahal mo ako?” nakakangusong saad nito habang pumupungay pa ang mga mata nito. Napakamot ng ulo si Venom at saka huminga ng malalim kailan ba siya tumanggi sa kanyang anak wala siyang maalala dahil lahat ng hingiin nitong pabor ay hindi niya mahindian. “Pero. . . Papayag ba siya sa hinihiling ng kanyang anak lalo na sa ganitong mahirap na pangako lalo na kung tungkol ito sa isang taong hindi niya gustong pagkaabalahan ng oras. “S-sige, pinapangako kung poprotektahan ko rin siya tulad ng pagprotekta ko sa iyo.” Wala ng nagawa pang sumang-ayon siya sa kahilingan ng anak, bahala na. “Yehey, thank you so much po daddy, hindi mo po alam kung gaano mo po ako pinasaya, the best ka po talaga daddy, I love you!” napahiyaw si Amalie at masayang tumalon-talon habang hawak pa niya ang kamay ng kanyang ama. Ngumiti siya at hinalikan sa pisngi ang anak, nawala ang agam-agam ni Venom ng makita niya kung gaano ito kasaya. “Mahal din kita my princess.” Nakangiti nang saad nito. “Tara na lumabas na muna tayo rito, hayaan mo munang makapag pahinga ang yaya mo, bumalik ka na lang dito mamaya.” Aya na ni Venom sa anak. Hinawakan niya ang kamay nito at lumabas na silang dalawa ng silid ni Nanami. Nang marinig ni Nanami ang tunog ng pagsara ng pinto, ay diretsong bumangon si Nanami sa kama at nakahinga ng maluwag. “Bakit kailangang sabihin ng bata ang lahat ng iyon? Bakit mahal na mahal niya ako? Pero teka bakit kaya biglang sumama tuloy ng pakiramdam ko.” “But come to think of it, pinadali lang ni Amalie ang trabaho ko. Hindi na ako muling babantaan ng kanyang ama pero hindi ako sure sa part na iyon. At kailangan pa niya akong protektahan mula sa babaeng iyon. Not like I even need his protection, I can handle my myself. But still, nakakatuwang isipin ang mga sinabi ng kanyang alaga.” ‘Thank you Amalie, mahal na talaga kitang bata ka.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD