ISANG maid ang pumasok sa loob ng kusina na may ngiti ng malapad.
“Manang Eve, Mela may balita ako sa inyo!” Napasigaw ito at naagaw ang atensyon nina manang Eve at Mela na abalang nagluluto.
“Anong balita?” tanong ni manang Eve.
“Anong nangyayari?” dagdag naman ni Mela.
“Muntik nang saktan ni master si Miss Chiara.” tsismis ng katulong na nangangalang Cora.
“Ano bakit?” sabay na na patanong sina Eve at Mela sa gulat.
Pumasok naman ang isa pang maid sa loob ng kusina. “Kasinungalingan. Hindi sinaktan ng master si Miss Chiara.”
“Ay hindi manang sa akin ka maniwala, ’wag diyan kay Malou!” sabat naman ng nauna.
“Teka, tumahimik muna nga kayo! Hindi ko ma gets ang sinasabi niyong dalawa. Anong ginawa ni Venom?” naguguluhang pagpapatigil ni Manang Eve sa dalawa.
“Eto kasi ang nangyari. . .” Panimula ng pangalawang babae,
“Tumahimik ka. Ako na ang magsasalita.” Pinutol ito ng unang babae. “Ganito kasi ang nangyari."
At sinabi nito sa kanila ang lahat ng nangyari kanina mula sa simula hanggang sa wakas. Nagdagdag pa siya ng mga eksenang hindi nangyari, pero nandyan ang pangalawang kasambahay para itama ang mga pinagsasabi noong unang babaeng nangangalang Cora. Nang matapos sila ay napabuka ang bibig nina Eve at Mela.
“Ibig mong sabihin lahat ng mga bagay na iyon ay nangyari ng hindi ko man lang nalalaman?” tanong ni manang sa dalawa.
“Opo.” Tumango ang magkabilang katulong.
“Paano magagawa ni Chiara ang ganoon hindi na talaga siya nagbago?” saad naman ni manang Eve.
“Alam naman nating ho, manang, ang lahat kung anong klaseng mayroong ugali si Miss Chiara, 'di pa ba kayo noon na nasanay,” saad naman ng isa pang katulong na kapapasok pa lang may edad na rin ito at isa sa mga nakasaksi sa pag-uugali noon ni Chiara; tinatrato niya tayo noon na parang basura. Wala siyang paggalang sa sinuman. Natutuwa akong may katapat na siya sa katauhan ni Nanami.” Mahabang saad ng katulong na kapapasok pa lang doon.
Hindi naman nakaimik ang lahat na nakikinig sa mga sinabi ng isang katulong na nangangalang Ada, isa itong labandira na matagal na ring naninilbihan sa pamilyang Borromeo na isa sa may alam ng nangyari noon.
PAGKAPASOK ng pagkapasok ni Chiara sa bahay ng kaibigan ay agad itong nagwala. “Bakit hindi ko naisip ang posibilidad na mabaliktad ako ng babaeng iyon? Napakatanga ko.” Sigaw nito sa sobrang galit.
“Chiara, umupo ka nga at huminahon diyan.” Saad naman ni Ariana.
Bwisit na umiling si Chiara at nagsimulang maglakad pabalik-balik sa sala. “Hindi ko kaya. Hindi ako mapakali Ariana. Naiinis ako ngayon!”
Napabuntong-hininga naman si Ariana at napakamot sa pisngi niya pero nagulat ito ng mapatingin ito sa kamay ng kaibigan.
“Anong nangyari sa kamay mo?” gulat na saad ng kaibigan niya.
Blangko itong tinitigan ni Chiara na walang reaksyon sa sugat sa kamay nito.
“Gamutin muna natin ang kamay mo,” Sabay hawak ni Ariana sa kamay nito ngunit hindi sumagot si Chiara.
“Mukha pa bang mas mahalaga ito sa akin, wala akong nararamdamang sakit kundi sa puso ko lang?” binawi nito ang kamay niya sa pagkakahawak ni Ariana.
“Malapit nang mawala sa akin si Venom dahil sa kagagawan ng babaeng iyon. Nasisiraan na ako ng bait sa b***h na iyon, F*ck.” Galit na saad nito at walang pakialam sa kamay nitong dumudugo.
“Iyan pa ba ang mahalaga sa iyo, Diyos ko Chiara, baka maubusan ka ng dugo tara sa hospital ng magamot iyang sugat mo.” bulalas ni Ariana; “You are bleeding from your cheekbone and your hand? pero imbis na maging concern ka sa sarili mo. Ay mas may concerned ka pa about that freaking yaya's and Venom sake!!” galit na saad ni Ariana at ngali-ngali na itong batukan ang kaibigan.
“I don't care! But if you want to concern in my self. Then give me Venom, bring me Venom dahil siya lang ang makakapag pagaan ng sakit na nararamdaman ko. Minsan na siyang nawala sa akin, ayoko na siyang mawala ulit.” Umiiyak na saad nito.
“Kailan ka ba kasi magigising sa pangarap mo na iyan? Nasasaktan at napapagod na ako sa nakakabaliw mong pagmamahal kay Venom. Ang lalaking iyon ay walang pakialam sa iyo. Kailan mo ba ito malalaman at matatanggap?” nauubusan ng pasensyang sagot ni Ariana rito.
Umiling si Chiara habang tumutulo ang sariwang luha sa kanyang mga mata. “Hindi. Mahal ako ni Venom, minsan na niya akong minahal. Naguguluhan lang siya sa ngayon. Pero mahal niya ako, mahal niya ako Ariana.” Naghehestirikal na saad nito habang umiiyak.
“CHIARA!” sigaw ni Ariana at niyugyog sa balikat ang kaibigan. Pinipigilan niya kanyang mga luha dahil nahahabag siya sa kaibigan.
“Itigil mo na ang kabaliwan mo sa lalaking iyon. Huwag mong hayaang maulit ang nangyari sayo, ilang taon na ang nakalipas. Please.” Pagmamakaawang sabi nito kay Chiara.
“HINDI! Mahal ako ni Venom. Alam kong ginagawa niya lang iyon para pasakitan ako. Tigilan mo na ang pagsasabi sa akin na ayaw niya sa akin.” Nagsisisigaw si Chiara at nagpapapadyak habang umiyak ng malakas na para bang inagawan ng isang mahalagang bagay.
“Chiara, makinig sa akin. Nakikiusap ako sa iyo tama na maawa ka naman sa sarili mo, please! Hindi ka na mahal ni Venom matagal na!” sigaw na rin ni Ariana sa kaibigan.
“Hindi, ayokong marinig ang mga sinasabi mo. Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. You don't. . . Lalong humikbi ito at nababalisang hinawakan nito ang dumugo kamay at pinipiga iyon ng mahigpit kaya lalo iyong dumugo.
Napatingin dito si Ariana, kaya kinabahan na siya para sa kaibigan malaki kasi ang sugat nito kaya 'di maawat ang pag-ampat ng dugo mula roon. “Itigil mo na 'yang ginagawa mo. Sinasaktan mo lang ang sarili mo.” Pigil-pigil nitong saad dito.
“Mahal ako ni V-venom, mahal niya ako. Oo, mahal niya ako.” Paulit-ulit nitong sabi at hindi na pinapansin si Ariana na natataranta na.
Nakita ni Ariana ang paghihirap ng kanyang matalik na kaibigan at hindi niya napigilang umiyak na rin.
“Mahal ako ni Venom.” Sabi nito habang nagiging mababaw na ang paghinga nito at nagsimulang mahirapang huminga.
“Chiara, nasaan ang mga gamot mo?” natatarantang saad ni Ariana.
“M-mahal ako ni V-Venom!” huling sabi nito bago ito bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.
“CHIARA!!”
“SALAMAT po doc,” sabi ni Ariana sa mababang boses nasa hospital ito dahil dinala niya si Chiara doon matapos itong mawalan ng malay.
“Huwag kang mag-alala, magiging okay din siya.” Sabi ng doktor kaya ngumiti siya rito. Nagpaalam na ito dahil marami pa raw itong pasyenteng gagamotin.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ariana at umupo sa tabi ni Chiara na wala pa ring malay.
May band-aid na ang kanang cheekbone nito at ang kaliwang kamay naman nito ay nababalot na ng puting benda.
“Bakit mo ginagawa ito sa iyong sarili, Chaira?” tanong ni Ariana na nakatitig sa kaibigan; Bakit mo sinasaktan ang sarili mo ng ganito. Pakiusap naman sana ay makinig ka na lang sa akin at sumuko kana kay Venom. Alang-alang na lang para sa kalagayan mo, Please, Chiara, k-kalimutan mo na siya dahil kahit anong gawin mo pa ngayon ay hindi mo na mababawi pa si Venom. Sana pakinggan mo na lang ako.” Bahagya niyang hinawakan ang kamay ni Chiara, ngunit walang tugon mula rito dahil wala pa rin itong malay.
“Ayokong mawala ka ulit sa katinuan, mahal kong bestfriend!“
“ANO ang nararamdaman mo ngayon, Iha?” tanong ni Eve na may hawak na tray ng pagkain para kay Nanami.
Umupo ng tuwid si Nanami sa kama at ngumiti. “Ayos na po ako, manang Eve. Salamat sa pag-aalala.”
“Wala iyon, eto inumin mo at kainin para magkalaman na iyang tiyan mo,”
“Maraming salamat po.”
“Huwag kang magpasalamat sa bawat magagandang bagay na ginagawa ko, dahil bukal sa puso ko iyon at para ito sa alaga mong si Amalie.” Nakangiting sabi ni manang Eve.
“Hindi ko po mapigilan manang, sanay po kasi akong magpasalamat kahit sa maliit na bagay! Kaya po salamat ulit!”
Umupo ang matandang babae sa isang upuan sa may dressing table ni Nanami. “Narinig ko pala ang nangyari sa pagitan ninyo ni Chiara.” Sabi nito.
Tahimik na tumango si Nanami at uminom ng tubig matapos nitong lunukin ang kinakain.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
‘Akala ko narinig na niya ang nangyari, bakit ngayon ay tinatanong niya pa rin ako?’ sabi ni Nanami sa isip niya, at pinipigilan ang pag simangot.
“Ahm, she threaten to make me fired because mas mahal daw po ako ni Amalie, kaysa sa kanya. Hindi ko po kasi alam na pinagseselosan niya ako sa pamangkin niya. Dahil po mas malapit ito sa akin ang bata kaysa raw sa kanya.” Pagkukwento ni Nanami ngunit hindi sinabi ang totoong nangyari.
“Napaka-weird lang, Ibig kong sabihin, hindi naman sapat na dahilan iyon para saktan ka niya.”
Uminom ulit siya ng tubig at saka bumuntong-hininga.
‘F*ck, I hate being the center of attention. Sumakit tuloy ang binti ko. Ipinakita ko kasi sa clown na iyon kung sino ang mas lamang sa aming dalawa, ngunit narito ako ngayon na kailangang magpanggap na nasaktan ng babaeng iyong habang ang aking binti ay nakalagay sa pahamak na unan na ito. Nandito lang tuloy ako sa nakalipas na ilang oras. Nangangalay na tuloy ang paa ko dahil tuwid na tuwid iyong nakalagay sa unan nakagagawan ni Venom.’
“Miss Nanami,” tawag ni manang Eve na nagputol sa kanyang pagrereklamo sa sarili.
“Po, manang?”
“Iwasan mo na lang si Chiara kung maari.” Sambit nito na ikinakunot ng noo niya.
“Bakit po?”
Tumayo si manang Eve at ipinatong ang kamay sa balikat niya. “Kahit anong gawin niya, 'wag mo na lang siyang pansinin. Delikado ang babaeng iyon.” Warning nito kay sa kanya.
“Bakit po?” aniya at nalilito sa sinabi ng matanda.
“Basta, makinig ka na lang sa sinasabi ko. Maaaring mukhang normal si Chiara, pero maniwala ka sa akin kapag sinabi kong layuan mo na lang siya ay sundin mo na lang ako.“
“Bakit po kasi manang, okay lang naman na pagselosan niya ako kay Amalie, karapatan naman niya iyon dahil tita siya ng bata. Huwag lang talaga niya akong laging awayin kasi may kalalagyan siya sa akin.” Sabat naman niya dito.
“Sa tingin mo talaga narito siya dahil kay Amalie? Nagkakamali ka, kaya habang maaga pa iwasan mo na lang siya. Kaya mag-ingat ka, 'yon lang ang masasabi ko.” Bahagya nitong pinisil ang balikat ni Nanami bago ito tuluyang lumabas ng silid niya.
Magtatanong pa sana siya kung anong ibig sabihin nito, ngunit umalis na ito nang hindi man lang siya nakakuhang sagot sa mga tanong niya.
Itutuloy