NANG makalabas si Manang Eve sa silid ni Nanami ay naka-abang na rito si Amalie na may ngiti sa labi.
“Salamat po manang Eve sa pagkain ni Ate Nanami.” Pasasalamat na sabi ni Amalie.
“Walang anuman iyon, iha.” Nakangiting sagot naman nito sa bata.
“Sige, pwede ka ng pumasok sa silid ni ate Nanami mo, tapos na siyang kumain.” Sabi pa nito at iniwan na si Amalie na agad namang pumasok sa silid ni Nanami.
“Hi, ate Nanami, okay ka na po ba?”
“Oo, okay na ako, ikaw nakakain ka na ba?”
“Opo tapos na po!” malungkot na napa buntong-hininga si Amalie at tumitig sa wall clock.
“Oh, parang hindi ka naman okay may problema ba?”
“I wonder kung nasaan na po si daddy kasi po bigla na naman itong nawala.”
“Nag-aalala ka sa daddy mo?”
“Opo. Hindi man lang kasi siya kumain kanina na ng lunch, bigla kasing may tumawag sa kanya sa Cellphone niya.
Tapos hindi na siya bumalik hanggang ngayong hapunan.” Nakangusong sagot naman ito.
“Huwag ka ng mag-alala, gagawan ko na lang siya ng makakain mamaya. At kapag nakita ko siya ay pipilitin ko siyang kumain para sayo!” sabi naman ni Nanami at ngumiti sa alaga.
“Talaga ate Nanami, lulutuan mo siya ng cordon bleu?”
“Alam muna agad ang specialty ko ah. So you see kaya wala kang dapat ipag-alala. Kaya matulog ka na. Lunes na kasi bukas, may pasok ka na naman, kaya promise ko sayo ay pakakainin ko na lang ang daddy mo pagdating.”
Tumango naman si Amalie; “Pero ate, okay na po ba ang binti mo? Makakatayo ka na po ba?” nag-aalalang tanong nito.
“Oo naman, kaya ako pa mismo ang maghahatid sa kanya ng makakain kaya wala ka dapat ipag-alala, okay? Sige na tumulog ka na.”
“Okay po ate Nanami, thank you, I love you!”
“I love you too, good night!”
Nagmamadaling lumabas ito sa kanyang silid kaya napapangiti siya habang naiiling sa kakulitan ng kanyang alaga.
Pero sa isip ni Nanami; ‘Bakit ba ako patuloy na gumagawa ng cordon bleu sa lalaking iyon na alam ko naman na paborito nito?
Saka kaya lang naman niya iyon pinag-tsatsagaang kainin dahil paborito itong lutuin daw ng asawa nito ayon kay Manang Eve at hindi dahil nagustuhan nito ang luto ko.’
Na iiling na lamang si Nanami habang iniisip iyon, kung hindi lang kay Amalie ay nungka niya itong patitikimin ng specialty niya.
Padabog na siyang bumangon sa kanyang pagkakahiga at pag unat-unat dahil nangangalay na talaga ang kanyang binti dahil sa maghapon niyang pagkakahiga.
Wala na rin namang makakakita sa kanya.
PUMASOK si Marcel sa kusina at mukhang pagod na pagod ito, “Oh d*mn. Gutom na gutom na ako manang.” Sabi nito habang nagpupunas ng pawis.
“Kung ganoon ay kunin mo na ang pagkain mo na nasa refrigerator na itinabi ko para sayo. I-microwave mo na lang bago kainin.” Sabi ni manang Eve na papalabas na ng kusina.
“Salamat manang,” sabi naman ni Marcel at kinuha ang pagkain upang initin ito.
Makalipas ang ilang segundo ay pumasok naman si Nanami sa kusina.
“Oh Marcel, nandito ka na pala.” Bati ni Nanami at nagsimulang kumuha ng kakailanganin niya sa pagluluto.
“Oo!”
“Ibig sabihin nasa taas na si boss?”
Pinagsalubong naman nito ang mga kilay bago sumagot kay Nanami. “Oo kanina pa siya roon ng tanghali, bakit ka ba nagtatanong?”
“Wala naman, bakit ba masama na bang magtanong?” saad ni Nanami na sinimangutan si Marcel.
“Hindi naman,” sagot naman nito at nilantakan ang pagkain na ininit nito.
“Hay, ewan ko sayo bakit ba ako nakikipag-usap sa iyo eh, hindi ka naman makausap ng ayos.” Naiinis naman nasabi ni Nanami, dahil kahit kailan talaga ay hindi niya ito makausap ng matino.
Ginawa na lamang niya ang cordon bleu kaysa makipag-usap sa lalaking ito.
“Ano 'yan?” maya maya ay nagtanong si Marcel kay Nanami.
“Lason!” Walang ganang sagot ni Nanami.
“Haist, ewan ko rin sayo, ang gulo mo ring kausap makaalis na nga!” sabi naman nito at hinugasan muna ang pinagkainan at naiiling na lumabas na lamang ng kusina.
SAMANTALA sobrang sakit ng ulo ni Venom at halos hindi siya makahinga. Naka-upo si Venom sa higaan at nakabaon ang ulo sa pagitan ng kayang mga hita, habang sabu-sabunot nito ang kanyang buhok sa tuwing sumasakit iyon.
Kapag ganitong sitwasyon ay laging nandiyan ang mahal niyang asawa para pawiin ang sakit gamit ang mahiwagang daliri nito na humahaplos sa kanyang sintido at noo. Tapos ay sasabihin nito sa kanya na humiga siya sa kandungan nito habang minamasahe nito iyon.
Pero simula nang mamatay ito ay wala nang nagpapagaan ng sakit para sa kanya. Ikinukulong na lang niya ang kanyang ulo sa pagitan ng kanyang mga hita at pipigain iyon ng mariin upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit niyon nitong makalipas na limang taon. Hanggang sa makatulugan na lang niya ang sakit na nararamdaman noon
Pero ngayon ay napaka-unfair ng sitwasyon para sa kanya. Dahil ilang oras na siya sa ganoong ayos ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang sakit at hindi pa rin siya makatulog.
Nang biglang may kumatok sa pinto pero
hindi ito pinansin ni Venom sa pag-aakalang wala lang iyon. Ngunit hindi tumigil ang pagkatok nito na para bang nakikiusap na pagbuksan niya iyon.
Umalpas ang galit kay Venom, dahil lalo lang sumasakit ang ulo niya sa ingay nang pagkatok kaya napakuyom siya ng kamao. “Who the hell are you?” galit na tanong niya sa kumakatok.
Bumukas ang pinto at pumasok si Nanami na bakas sa mukha ang pag-aalala, dahil sa nakita nitong ayos niya.
“B-boss, okay ka lang ba?” tanong nito at inilapag ang dala-dalang tray nito sa mesa at nagmamadaling lumapit sa tabi niya.
“Anong nangyari sa iyo? Mukha kang nasasaktan?”
Hindi naman umimik si Venom at sino-sino ang pumasok, dahil nanlalabo na na ang kanyang mga paningin.
“Ang sakit ng ulo ko, hilutin mo, hilutin mo. . . ang ulo ko, please.” Umuungol na saad nito at hinila niya si Nanami na hindi nakahuma at ipinatong ang ulo nito sa kandungan ng huli.
“M-masakit ba ang ulo mo?” tanong ni Nanami kahit nag-aalangan siya sa ayos nila ni Venom.
Hindi siya sinagot nito at lalo pang idiniin ang pagkakahiga ng ulo nito sa kanyang kandungan. Kaya walang nagawa si Nanami kundi ayusin ang kumot nito at sinimulan na niyang marahang hilutin ang ulo nito.
Napakunot ang noo ni Venom, dahil na aalala nito ang kanyang asawa na eksaktong ginawa nang humihilot sa kanya ngayon.
“M-mapapawi nito ang sakit pero kailangan mo pa ring itong inuman ng gamot sa sakit sa ulo at lagnat dahil may sinat ka na rin, boss!” Mahinahong sabi naman ni Nanami.
Hindi nito maipaliwanag ang nararamdaman dahil sa pagdantay ng ulo ni Venom sa kandungan niya. Dahan-dahan naman dumilat at tumingin sa kanya si Venom. Kaya nagtama ang kanilang mga mata.
Saglit na bumaba ang tingin nito sa labi niya bago ito muling tumitig sa mga mata niya.
Huminto sa paggalaw ang mga kamay ni Nanami, pero hindi niya iyon inalis sa ulo nito. Naririnig niya ang malakas na t***k ng kanyang puso habang patuloy siyang tinititigan ng malalim sa mga mata ni Venom.
Ang sunod na ginawa nito ay nagpabigla kay Nanami.
Umangat kasi ang ulo nito at dahan-dahang inilapit papunta sa balikat niya at isinandal ang ulo nito doon, sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Kaya nanigas si Nanami sa pagkabigla habang ang mga kamay naman nito ay nabitin sa ere at nanlaki ang kanyang mga mata sa sumunod na ginawa ni Venom sa kanya.
ILANG sandaling yakap-yakap siya ni Venom, maya-maya pa ay naramdaman niyang lumuwang ang pagkakayap nito sa kanya. Kaya itinigil na niya ang paghimas sa likod nito at matagumpay niyang naihiga si Venom sa kama. Mahimbing na itong natutulog.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya ng mga oras na niyakap siya nito, abot-abot na kaba ang nararamdaman niya kaya nakahinga siya ng maluwag matapos siyang mayakap nito.
“My Wife, Nanami, salamat at nandito ka.”
Mahinang saad nito at napangiti.
Kaya napailing siya matapos iyong sabihin ni Venom, anong nangyari rito? Bakit siya niyakap nito? Napagkamalan ba siya nitong asawa nitong namayapa na?
Napabumuntong-hininga na lamang si Nanami, habang nakatingin sa mukha ni Venom. Napaka-inosente at payapa itong tingnan habang natutulog. Parang walang mababakas sa mukha nito na isa itong taong malamig pa sa yelo.
Tatalikod na siya para umalis nang marinig niya itong nagsalita muli. Tahimik siyang nakinig sa sinasabi nito.
“Nanami, huwag. . .huwag mo akong iwan. Please!” nangingilid ang mga luhang sambit nito.
Kaya napakunot ang kanyang noo, dahil hindi niya alam kung siya ba ang sinasabihan nito or ang asawa nito?
Yumuko siya sa tabi nito at marahang niyugyog ang balikat ni Venom, para malaman niya kung gising ito or nanaginip lang.
“Boss? Gising ka ba o nanaginip ka?” pabulong na tanong niya. Napailing siya dahil narealize niyang para siyang tanga, alam naman niyang may sakit ito kaya posibleng nananaginip lang ito.
Kaya papabayaan na sana niya ito upang lumabas na sa silid nito ng muli itong magsalita.
“Nanami!” tawag nitong muli habang nanatiling nakapikit ang mga mata.
“Boss, nandito na lang ako. I. . .Isang mahinang sigaw ang pinakawalan niya nang bigla siyang yakapin ni Venom palapit sa mukha nito kaya nagtama ang mga labi nila sa isa’t isa.
Nanlaki ang mga mata niya at pinipilit niyang makawala sa pagkakayakap ulit nito sa kanya kaya sinubukan niyang itaas ang katawan niya para mawala ang pagdikit ng mga labi nila pero lalo lamang iyong humigpit.
Bumibilis ang pintig ng puso niya at napasinghap kaya lalong naglapat ang kanilang mga labi. Namumula ang kanyang mukha habang nakatitig sa mukha nitong tulog naman.
Hindi pa niya ito natitingnan mula sa malapitan ng matagal ngayon lang. Kita niya ang bawat hulma ng mukha nito. And funny enough, wala siyang flaws na makikita sobrang kinis ng kutis ng balat ng mukha nito. Mahahaba ang mga pilikmata at makapal ang kilay ngunit nasaayos naman. Hugis puso ang labi nitong mamula-mula. Matalas ang jawline niya at matangos ang ilong. Sa madaling salita, ay sobrang gwapo nito sa malapitan.
'Paano ba ito naging perpekto bilang isang lalaking papangarapin ng lahat ng babae? Ang unfair ng buhay mas makinis pa yata ang mukha nito kaysa sa mukha ko.' Napapailing na sambit niya sa sarili at nakalimutan niyang nakalapat pa pala ang labi niya sa labi nito.
Dahan-dahang namang bumukas ang mga mata nito, at tumingin ito sa mga mata niya.
Kaya kinabahan naman siya at baka gising na ito at magalit sa kanya. Dahil malapit ang mukha niya sa mukha nito at ang malala pa ay magkadikit ang kanilang mga labi, kaya mabilis siyang umangat para mawala ang pagkakalapat ng labi nila.
Nagtagumpay naman siya pero hindi pa rin siya nito binibitawan. Bigla itong ngumiti at hinaplos nito ang kanyang mga labi, sabay bigkas niya ng “I love you!” at muli itong nakatulog. Lumuwag na rin ang pagkakabig nito sa kanya at sa wakas ay nabitiwan na siya nito kaya nagkaroon na siya ng pagkakataong makaalis at baka kung ano naman ang magawa nito sa kanya.
Mabilis na tumayo si Nanami at inaayos ang kanyang sarili, muntik na siya roon mabuti na lang at nakatulog ulit ito.
Kinakabahang kinuha na lang niya ang tray na naglalaman ng pagkaing inihanda niya at mabilis na siyang lumabas ng silid nito habang sobrang bilis pa rin ng t***k ng kanyang puso dahil sa shock ng maglapat ang labi nila ni Venom.